CHAPTER 10

149 7 0
                                    

Todo ang sermon na ginawa ni Bianca sa kanya nang makarating siya sa opisina. Hindi dahil late siya sa trabaho kundi dahil sa ginawa niyang pakikipagkita kay Kianna nang hindi man lang niya ito isinasama bilang back-up. “Sinabi ko naman sa’yo na kapag sa mga ganyang away, isasama mo ako. Paano na lang kung inapi-api ka ng babaeng ‘yon? Edi walang nag-tanggol sa’yo? Ngayon, sabihin mo may ginawa ba sa’yo ang bruhang ‘yon?” kuda ito ng kuda habang nag-aayos siya ng mga dadalhin nila sa event mamaya.

“Wala. Nag-usap lang kami.”

“Talaga?”

“Oo. ‘Wag ka na mag-alala. Diba may event kamo mamaya? Ano gagawin ko?”

“Hmmm… segue. Wala namang kailangang make-up-an, edi ikaw na lang ‘yung mag-prep ng mga props sa venue. Mamaya pupunta na tayo dun. Hihintayin lang naten ‘yung photographer saka ‘yung mga violinist. Tapos gora na tayo. Ano okay na?”

“Wow. Ano bang event ito? Kasal?” patay-malisya niyang sagot.

“Uhm, proposal lang.” sagot nito na pinilit na lang yatang sakyan ang trip niyang ‘wag ng pag-usapan ang nangyari kanina. “Ano ba ‘yang suot mo? Kasali tayo mamaya sa picture taking kasi kakilala ko ‘yung lovers so, please, gamitin mo ‘yung uniform sa paper bag na ‘yan ha.”

Mabilis siyang nagbihis ng puting dress na nakalagay sa paper bag. Ayaw niya kasing maging cause of delay. Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na ang iba nilang kasama sa event. Magkakasama sila sa isang air-conditioned na L300.

Nakigulo na siya sa pag-aayos sa venue nang makarating sila sa Pasig. Pagkatapos mahigit sa apat na oras na pagpe-prepare sa Glass Garden, nakahanda na ang lahat ng crew nila sa venue. Tapos na rin niya ang mga nag-aayos sa mga flowers at ang pagkakalat ng petals of roses sa paligid. Sa tulong ng mga kasama nilang flourist, naging maganda ang kinalabasan ng venue.

Ilang minuto na lang daw darating na ang magkasintahan kaya pinatay na ang mga ilaw at siya ang inutusan ni Bianca na magsindi ng mga kandila na naka latag sa sahig. Isang path ng candles iyong nilatag nila papunta sa romantic dinning table for two. Nang matapos niyang masindihan ang lahat ng kandila, awtomatikong tumugtog ang mga violinist. Napalingon siya sa mga ito upang senyasan na wala pa naman siyang nakikitang paparating. Pero nagpatuloy ang mga ito sa pagtugtog ng “Runaway” ng The Corrs.

Patakbo na siya palayo duon nang… “D’yan ka lang.”

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagpihit. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang mabosesan ang lalaki lalo na nang makita sa kabilang dulo kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon, si Jethro. May hawak itong isang bouquet ng bulaklak na nakabalot sa pink and purple na papel.

Gustuhin man niyang utusan ang mga paa niyang tumakbo palayo pero hindi na niya magawa. Hindi naman siya napulikat, sadyang hindi lang niya alam ang gagawin. Parang gusto niyang matunaw na lang sa kinatatayuan niya.

Mas lalo siyang hindi nakahinga nang maglakad na ito papalapit sa kanya. He’s wearing a black suit and tie. Para siyang isang bidang actor sa mga romance movies. ‘Yung tipong makalaglag puso at panty. Sa pagkataranta niya, wala na siyang ibang maisip ngayon kundi ang umatras. Kakaatras niya, napaupo siya sa sahig. Literal na salampak. Ramdam niya ang impact sa pwitan niya kaya bahagya siyang napangiwi. Nagmadaling nilapitan siya nito at napahinto ang mga violinist sa pagtugtog nang sumigaw siya. “D’yan ka lang!” sabi niya nang makitang isang pulgada na lang ang layo nito sa kanya.

“Let me help you.”

“No. Kaya ko. ‘Wag kang lalapit.” Akmang tatayo na siya nang pigilan siya nito.

“D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo!” nasa tono nito ang determinasyon na pasunurin siya kaya hindi agad siya nakakilos. Inayos na lang niya ang pagkakasalampak niya sa sahig. “Kapag tumayo ka na naman d’yan, lalayasan mo na naman ako. Hindi na naman tayo magkaka-intindihan. So please, just hear me out.”

Ibubukas pa lang niya ang bibig niya nang agawin na nito ang pagkakataon.

“Unang-una. Kailangan mo kong pakasalan.”

“Paano mo ako pakakasalan kung hindi mo naman ako mahal? Kung inaalala mo ang anak mo, mayroon akong good news. Hahayaan ko siyang makasama kayo ng mapapangasawa mo. Nag-usap na kami. Hindi mo na ako kailangang pakasalan para lang sa Lola mo. I can help you explain everything to her.”

“So, ipapamigay mo na naman ako kagaya ng ginawa mo dati, ganoon ba?”

Hindi na naman natuloy ang pagtayo niya dahil sa sinabi nito. Ni hindi rin niya nagawang sumagot.

“Ano’ng gagawin mo? Sasama ka ulit sa ibang lalaki? Ipapamukha mo sa aking hindi mo talaga ako mahal? Ano! Sabihin mo na ngayon!”

She kept her mouth shut. Ano bang dapat niyang sabihin? Sa nakalipas na sa higit apat na taon, wala siyang tapang na sabihin dito ang totoo niyang nararamdaman. At pagod na siya duon. Pero sa mga nangyari, parang huli na yata ang lahat para mag-aminan pa sila ng feelings. She will never be meant for him. May Kianna nang naghihintay dito.

“Lalayo ka ulit?” he smirked. “Minahal mo ba talaga ako kahit kaunti, Jill? I need to hear it from you.” Sa tantsa niya, nasa pagitan ng galit at pagkabigo ang nararamdaman nito

“Mahal kita.” Tungo ang noong sabi niya.

“Ano kamo?”
“Mahal kita. Kaya ko ‘to ginagawa. I wanted you to be truly happy. Gusto kong ikasal ka sa taong mahal mo. Hindi ‘yung magpapakasal ka sa akin nang dahil lang sa Lola mo at sa anak natin.”

He just looked at her with a blank stare. Mukhang pinag-iisipan nito ang mga sinabi niya.

Inihanda niya ang sarili na marinig ang pagpapasalamat nito sa pagpaparaya niya. Baka nga iyon lang din ang hinihintay nitong marinig para tuluyan na nitong bitawan ang kahit na anong namamagitan sa kanila.

Isa o dalawang minuto ang nakalipas bago ito sumalampak sa harap niya at ginaya pa ang pagkakaupo niya. “May hindi ka yata naiintindihan, Jill. You must be responsible for making me fall in love all over again. I won’t take no for an answer.”

Hearing him calling her name makes her shiver within. Parang pakiramdam niya, kinikiliti nito ang lahat ng dapat kiligin sa pagkatao niya dahil lang sa pagtawag nito sa kanyang pangalan.

Umiwas siya ng tingin para itago dito ang kagustuhan niyang lapitan ang lalaki para yakapin. “Paano mo ako pakakasalan kung hindi mo naman ako mahal?”

“Nakikinig ka ba talaga sa mga sinasabi ko? Sabi ko mahal kita. I fell in love with you again. No, I take that back. Siguro, mas tamang sabihin na hindi naman ako huminto na mahalin ka. I still love you, Jill. Kahit pa lagi mong ipinagkakait sa akin ang karapatan kong malaman ang totoo. I hated you before dahil hindi ko alam kung bakit bigla mo na lang akong iniwan at ipinagpalit sa iba. Wala akong kaalam-alam na sobrang nahirapan at nasaktan ka rin nung iwanan mo ako. Mag-isa kang nagbuntis, solo mong inalagaan si Jiana kahit dapat kasama mo ako sa mga panahon na iyon. I just realized that I’ve been selfish. Alam kong ginawa mo ‘yun dahil alam mong gustong-gusto kong ipamukha sa ama ko ang ginawa niya sa amin noong iwan niya kami. You helped me get what I wanted without asking me what I needed. I want you to listen carefully now. Look at me.” He carefully lift her chin. “Jill, mula nung makilala kita. Ikaw lang ang kailangan ko.”

“Kung hinayaan kong mag-stay ka, baka habang-buhay mong pinagsisihang hindi ka tumuloy.”

“Mas nagsisi akong iniwan kita dito.”

Hindi na nga niya na-control ang mga luha niya. Sunud-sunod na lang na tumulo ang mga iyon. “Jethro. Kung ginagawa mo lang ‘to para lang matuloy ang kasal natin dahil sa Lola mo, pwede naman natin siyang kausapin para ikasal na kayo ni Kianna. Hindi mo na ako kailangang utuin!”

Natawa ito. “Alam naman na ni Lola since then ang set up natin, pero alam niyang mahal natin ang isa’t isa kaya hindi niya sinita. I’m glad she prayed for our relationship. And about Kianna, we already talked. She had let me go.”

“A-Ano? Kung nagsisinungaling ka lang, tigilan mo na dahil nag-usap na kami kanina. She loves you.”

“I know. Kaya nga niya tinapos ang relasyon namin. Alam niyang mas magiging masaya ako sa piling ng mag-ina ko.” Natigilan din ito nang mag-sink-in ang mga sinabi niya. “Teka, kailan kayo nag-usap ni Kianna?”

“K-Kanina.”

“Did she hurt you?”

Hindi siya sumagot.

Jethro sighed. “Nagchat siya kanina at sinabing nakaganti na siya sa’yo. I assume, she hurt you to get even, tama ba ako?”

“Sinampal niya ako.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “I’m sorry. I should’ve took that for you. Hindi mo naman kasalanang mahal kita.”

“Paano ang career mo? Paano ang lahat ng pinaghirapan mo?”

“Kaya kong talikuran lahat ng ‘yon, Jill para sa inyo ni Jiana. Don’t worry too much about Andrew. Kung anuman ang sinabi nung gagong ‘yon sa’yo, kalimutan mo na. Hindi na niya tayo ulit masisira kung hindi wawasakin ko na ‘yung mukha niya.”

Napatutop siya. “Manager mo ‘yun. Siya ‘yung tumulong sa’yo para makarating sa kung saan ka naroon ngayon.”

“I know. You don’t have to remind me. Manager ko lang siya, pero hindi siya Diyos para manipulahin ng ganoon ang buhay ko. Sa ginawa niya sa inyo ng anak ko four years ago at sa lahat ng perang kinita niya sa akin, bayad na bayad na ako sa utang na loob ko sa kanya.”

Ibinigay nito sa kanya ang bouquet of flowers saka nito ikinulong sa magkabilang palad nito ang  mga pisngi niya. “Jethro.” wala siyang makapang mga salita bilang sagot sa mga narinig niya.

“From now on, I will never let anything fall us apart. I promise to take care of you and Jiana and our future babies until I die. I’d be a good husband and an amazing Dad.” Muli na namang bumagsak ang mga luha niya. Ipinakita nito sa kanya ang singsing na nakuha nito sa suot nitong itim na slacks. “I am sure that I will be the best Lolo in the world for our grand children and I will be your forever partner until my last breath. Just say yes, Jill Lazaro. I will make you the happiest woman alive.”

Pinahid niya ang mga luhang tumutulo saka siya nakangiting sumagot ng… “Yes.”

“Yes?” abot langit ang ngiti nito nang ikumpirma nito ang sagot niya.

Tumango lang siya saka tinanggap ang mga halik nito sa kanya sa noo at pisngi. Pagkaraa’y tumayo na ito at binuhat siya papunta sa romantic dinner nila.

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon