Wala siyang pasok tuwing Biyernes kaya kuntodo linis siya sa umaga para sa hapon, matutulog na lang silang maghapon. Sa loob ng pitong araw sa isang linggo, iyon lang naman ang araw na na-eenjoy niya dahil bukod sa magkasama silang mag-ina, nakakapagpahinga siya.
Pagkatapos niyang makapaglinis ng buong bahay, sabay na silang naligo ni Jiana. Binihisan muna niya ang anak saka siya bumalik sa banyo para iyon naman ang sunod na linisin.
"Play ka muna dito, Aling Maliit ah! Don't open the door baka pumasok 'yung mga mosquito. Understand?"
Tumango lang ang anak niya saka tumakbo papunta sa TV at ibinukas iyon. Natatanaw niya mula sa CR ang anak niya kaya panatag siyang magkuskos ng tiles sa CR. Naririnig niya pang kumakanta si Jiana habang nakatanghod sa bintana.
Pagkatapos niyang maglinis, isinuot na niya ang damit na inihanda niya kanina. Habang nagsusuot siya ng t-shirt, nakarinig siya ng katok.
"Saglit!" sagot niya. Sunud-sunod kasi ang katok nito. Patapos na siya sa pagbibihis nang marinig niyang sumigaw si Jiana.
"Mommy!!! Mommy!!!"
Bigla siyang nag-panic dahil tila takot ang tono ng anak niya. Nagmadali siyang lumabas ng CR habang nakabalot pa rin ng twalya ang buhok niya.
Pagkalabas niya, naroon na ang tatlong lalaking naka-itim na suite at sa likod nila nakatayo ang isang pamilyar na matandang babae.
Hindi maipinta ang mukha niya nang makita ito sa harap ng pinto niya. Nagtago naman sa likod niya si Jiana.
Para pa siyang nakakita ng multo nang makilala ang babaeng nakatayo sa likod ng men in black. "Jill Lazaro ang pangalan mo, diba?" tanong ng lalaking nakatayo naman sa tabi ng matanda. "Ben nga pala ang pangalan ko." Matanda na rin ang lalaking iyon, pero hindi naman mukhang mag-asawa ang dalawa kaya nahulaan niyang assistant ito ni Francisca Alonzo-Diaz. "Pwede ba kaming pumasok?" tanong nito pagkatapos niyang tumango bilang sagot sa una nitong tanong.
Natatarantang tinanggal niya ang nakapulupot na tuwalya sa ulo niya saka nginitian ang mga bisita. "P-Pasok po kayo."
Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman ngayong nililibot ng paningin ni Francisca ang maliit na bahay nila. May mga gitla na ito sa noo at pisngi ngunit masyadong kaunti iyon para mahalatang higit sa otsenta na ang edad nito. Maganda din ang posture nito. Nagmukha ngang trono yung sofa nila na inuupuan nito.
"Coke po, Madam. Pasensya na po at wala akong ma-ioffer sa inyo."
Napalunok na lang siya nang bigyan siya nito ng blangkong tingin. Habang nakasiksik pa rin sa kili-kili niya si Jiana at takot na takot sa matanda.
"You don't have to welcome me here like I'm a friend. And besides, I don't drink soda."
Awkward smile. "Ano pong ginagawa niyo dito."
Sinenyasan lang nito ang lalaki sa likuran nito at naglabas na iyon ng isang folder. Inilapag nito sa lamesita ang folder na naglalaman ng napakaraming papel. Binuksan niya iyon at habang binubuksan niya, nagpaliwanag na ang lalaking nakatayo sa likod ni Francisca.
"Matagal ka na naming iniimbestigahan. May tatlong taon na rin. At alam ni Madam na ikaw ang nag-iisang babaeng kinabaliwan ng apo niya at madami kaming nakuhang ebidensya na anak ni Jethro ang batang 'yan. Hindi namin matunton ang bahay na 'to dahil hindi naman sa'yo nakapangalan itong tinitirahan mo kaya pinasundan ka sa amin ni Madam galling sa party."
Itinigil niya ang pagbulatlat sa mga papel. Iyon pala ang dahilan kung bakit siya biglang pinauwi galling sa party. Para siyang nabunutan ng tinik. Ngunit naalarma din siya dahil sa ginawa ng mga ito. "Teka! Invasion of privacy 'yang ginawa niyo! Hindi anak ni Jethro ang anak ko! Kaya wala kayong mahihita dito."
"Hindi mo naman kailangang makipaglaban sa amin, Miss Lazaro. Kahit itanggi mo, ang mga papeles na iyan ang magpapatunay na anak ni Jethro si Jiana."
Mukhang hindi na siya makakapagsinungaling. "Ano naman ngayon kung anak siya ni Jethro? Hindi niyo pa rin siya pwedeng kunin sa akin!" nagpapanic na siya. Kung pwede niya lang ilagay itakas ngayon ang anak niya, gagawin niya.
"Then, you should marry my grandson."
Natigagal siya sa narinig. Ano'ng marry? "Hindi niya anak 'tong batang to. Hindi niya ako kailangang pakasalan!"
"Well. Kung hindi niya talaga anak ang batang 'yan. Pumayag ka sa isang DNA Test. Wala kang gagastusin, babayaran pa kita. At kapag nalaman kong apo ko ang batang 'yan. Humanda ka ng makipaglaban sa korte dahil kukunin ko siya."
Gusto niyang maiyak sa mga sinasabi nito. "Ano bang ginawa ko sa inyo para magalit kayo ng ganyan sa akin?"
"I don't have to explain anything to you. Maghanda kayong dalawa bukas dahil ipasusundo ko kayo. At 'wag na 'wag kang magkakamaling takasan ako dahil kayang kaya kitang ipahanap. You will either run for the rest of your lives or submit to what I am demanding. Wala akong balak na masama sa apo ko." Nakita niyang tiningnan nito si Jiana ng punum-puno ng pananabik ngunit matibay ang pagpipigil nito sa sarili. "Gusto ko lang siyang makasama. Sana 'wag kang maging maramot." She stood up. Dignified. Masyadong sopistikada ang babaeng ito. Hindi niya ma-imaine na Lola ito sa tuhod ni Jiana. At sa hitsura ng matanda, mukha naman itong sinsero sa sinabing gusto lang nitong makasama ang anak niya at wala itong balak na masama sa kanilang mag-ina. Hindi siya agad sumagot kaya lumabas na ang babae.
"Miss Lazaro. Pag-isipan mong mabuti." Naiwan ang lalaking naglabas ng mga dokumento at dumiretso na ang Lola ni Jethro sa kotse nitong nakaparada lang sa labas ng bahay niya. "May terminal illness na si Madam. Nung nalaman niya three years ago ang tungkol sa apo niya, maniwala ka, gustong-gusto ka na niyang kausapin pero wala pa kaming hawak na mga ebidensya. Hindi ko alam kung bakit kayo naghiwalay ni Jethro, pero sana maramdaman mong gusto lang talaga niyang makasama si Jiana. Wala siyang masamang intensiyon sa bata at hindi naman niya kukunin sa'yo ang anak mo. Gusto lang niyang makilala ni Jiana ang pamilya niya."
Parang nginatngat ng kunsensya ang puso niya. Hindi naman kasi niya alam na may makakatuklas ng tungkol sa kanilang mag-ina. Ang lahat ng namagitan sa kanila ni Jethro, alam niyang pangarap lang. Ito 'yung taong kahit kailan hindi niya kayang abutin kaya lumulugar lang siya. Wala siyang intension na saktan ang Lola nito.
"Maghanda kayo bukas at ako mismo ang susundo sa inyo. Kahit hindi na madaming damit ang dalhin niyo dahil ibibili ko na kayong dalawa bago pa tayo makarating sa rest house. Inaasahan kong hindi mo na kami pahihirapan."
Iniwan siya nito nang hindi man lang tinatanong ang saloobin niya kaya pagkalabas na pagkalabas ng lalaki, tumulo ang mga luha niya. Niyakap niya ng mahigpit si Jiana. Hindi naman siya makasarili para ipagdamot kay Francisca ang apo nito. Ang tanong lang ay kung handa na ba siyang humarap sa pamilya nito? Paano kung sa pagkakataong iyon, magkaroon ng tyansa na magtagpo silang muli ni Jethro, kaya na ba niyang harapin ang galit nito?
"JETH, hindi mo naman kailangang magkulong d'yan sa kwarto mo eh! Bakit hindi ka tumambay dito sa sala? Padating na 'yung mga friends mo noon." Narinig niyang sigaw ng kapatid sa labas ng kanyang pinto. Naroon ito ngayon para maglinis dahil hindi nga siya pwede magpapasok ng kahit na sino sa loob ng unit niya dahil baka may magtimbre sa media na nakauwi na siya sa Pilipinas.
He wanted this vacation to be peaceful as much as possible. Masyado siyang na stress sa lahat ng shooting at training na pinagdaanan niya para matapos ang pelikula na shinoot nila ng halos pitong buwan. Sunud-sunod ang grasya sa kanya sa loob ng apat na taon mula nang umalis siya sa Pilipinas, oras naman niya siguro ito para makapagpahinga. Kaya wala talaga siya sa mood na makipaghuntahan sa kahit na sino ngayon.
"Jeth! Magluluto ako ng adobong paa!"
Napatayo siya sa narinig. 'Yun talaga ang weakness niya kahit kailan. "Oo na! Lalabas na!"
"Good. In-invite ko sina Harry at Leo. Ewan ko kung pupunta 'yung dalawang iyon."
"Dapat hindi na." sabi niya nang buksan niya ang pinto. Dumiretso siya sa kusina para tingnan ang mga paa ng manok na hinuhugasan nito sa lababo.
"Ikaw. Para kang sira. Dahil lang d'yan sa Jill na 'yan iiwasan mo na mga kaibigan mo?"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Paano nasali si Jill sa usapang 'to?" He grabbed a can of beer inside the fridge. Tinungga muna niya iyon bago naupo sa upuang nasa dinning table. "Matagal ko ng nakalimutan ang babaeng 'yon. There is no chance na magiging dahilan pa siya ng kahit na ano sa buhay ko."
Binigyan muna siya ng mapanuring tingin ni Jeva bago ito nagpatuloy sa ginagawa. "Alam mo, apat na taon ka lang na nahiwalay sa akin. Lahat ng arte mo, alam ko ang ibig sabihin. Mula nang mawala sila Mommy at Daddy, ako lang ang tanging pamilya mo. Kaya wala kang pwedeng itago sa Ate mo, Jethro."
"Oh please, Jeva. Cut that crap! Nananahimik na siguro ang babaeng 'yon sa bago niya. At wala na akong pakialam duon." Hindi niya alam kung bakit pa nga ba siya naiinis sa pangungulit ng kapatid. Totoo namang balewala na sa kanya si Jill.
Nagkibit-balikat lang ang bruha niyang kapatid. "Talaga lang huh. Okay sige, maniwala na lang tayo sa sinasabi mo. By the way, spicy ang adobo na 'to huh."
"Make it times 4. Love you, Sis!"
"Tse!!! Hayaan mo akong makipag-date kay Channing, gagawin kong times 5 ang anghang nito."
"Not a chane Sis. May asawa na 'yon."
Tinawanan na lang niya ang desperadang buntong-hininga nito.
Pagkaluto ng dinner, mabilis siyang kumain para sana makapaglaro ng computer games. Matagal na rin niyang hindi nagagawa iyon dahil sa kanyang busy schedule pero imbes na hayaan siya ni Jeva na gawin ang gusto niya, hindi pa rin ito tumigil sa pang-uusisa tungkol kay Jill.
"Nag-sex ba kayo nun?"
Halos maibuga niya ang tubig sa bibig niya. Saktong umiinom na siya ng tubig bago bumalik sa kwarto nang magtanong ang kapatid niya. Halata naman sa mukha nitong natawa ito sa reaksyon niya. "Hoy! Bakit ka ba tanung ng tanong! Masyadong private 'yang isang 'yan kaya wala akong isasagot sa'yo."
"Sus, eto naman parang bata! Sasagutin mo lang ng oo at hindi e!"
Tinakbuhan niya ito at nag-lock siya ng pinto pero humabol si Jeva. Kinalampag ang pinto niya. "Go away, Jeva!"pagtataboy niya dito.
"Jethro, ano ba! Ang damot naman nito! Curious lang ako! Sagutin mo na kasi para hindi na ako mangulit!"
"Hindi ko nga sasabihin sa'yo. Ano ka hilo?"
Biglang sumiryoso ang tono nito sa kabilang dako ng pinto. "Paano kung may anak kayo. Ano'ng gagawin mo?"
Sine-set up na niya ang laptop niya nang marinig 'yon. Muntik na niyanng mabitawan ang laptop niya. Hindi siya nakasagot.
Iilang beses lang iyong nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-solo, hindi siya sigurado kung posible iyon pero hindi niya pa naiisip ang magiging reaksyon niya kung sakali mang malaman niya ngang may anak siya kay Jill. Pero iisa lang ang nakapa niyang damdamin sa isiping iyon. Tuwa. Kahit sino namang ama, mararamdaman ang ganoon. Ngunit ayaw na niyang umasa. Isinabay siya ni Jill sa isang lalaking kaibigan nito. Paano niya maiisip na siya ang ama kung may anak nga ito?
"Huy! Jethro! Ano?! May nangyari na nga sa inyo?"
"Kapag di ka tumigil ng kakakulit mo tatawagan ko 'yung ex mo!" sigaw niya. Ayaw na ayaw ni Jeva na pinag-uusapan ang ex nitong dati niyang kaibigan.
"I-blackmail daw ba ako?"
"Don't test my patience! Sasabihin kong gusto mo pa siya para kulitin ka na naman niya!"
"Siraulo ka talaga! Matutulog na nga ako! Basta bukas mag-prepare ka ah! Pupunta tayo sa Laguna!"
"Oo na. Sige na! Get lost!"
Kahit ano'ng pilit niyang pagtuon ng pansin sa nilalaro, hindi na mawala sa isip niya ang posibilidad na may anak nga silang dalawa.
Paano nga kaya kung Daddy na siya?
Siguro, hindi na niya kukunin ang bagong project na ipino-propose ni Ken Bautista sa kanya, isa itong Filipino Producer sa Amerika.
Paano si Kianna?
Pakiramdam niya sasabog na ang utak niya sa pag-iisip. Nasa kalagitnaan na siya ng stage sa larong iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Video call iyon mula sa California. Nakita niya sa screen ng telepono niya ang magandang mukha ni Kianna. Napilitan siyang sagutin iyon dahil kung hindi niya sasagutin, mag-aaway na naman sila.
"Yo, Babe!"
"How are you, baby?" nakasuot lang ito ng black tube at jogger pants. At alam niyang sinadya nitong i-focus ang lente ng cellphone nito sa mayaman nitong dibdib para tuksuhin siya.
"I'm okay. I miss you already."
"Ahh...Miss you too. Please say hi to Jeva for me."
"I sure will. Are you off to somewhere?" tanong niya nang makitang kuntodo pustura ang nobya.
"Uhm, yeah. I will go shopping. And book a flight to chase you there."
Napangiti siya. "I love that idea. Maybe it's about time to let my family know our wedding plans."
"Uhuh. What will I buy for your GrandMa? Do you think she will love a bag from Hermes?"
"You don't have to lavish her with expensive things. She's way too rich than what you expect."
Natawa ito sa sinabi niya. "Yeah I know. I think, I will just treat you with a vacation for two. You guys need to catch up."
"I'd love you to be there."
"Awww... You're so sweet. And cute. And handsome altogether. I love you."
"Love you."
Nag-flying kiss si Kianna bago tinapos ang tawag. Nawala agad ang ngiti niya nang muling maalala si Jill. Ngayong binabanggit ni Jeva ang babaeng itinuri siyang basura, parang bumabalik lahat ng sakit. Lahat ng galit. Hinding-hindi niya makakalimutan 'yung panahon na naghabol siya ditong parang aso.
Ang dahilan kung bakit siya nito binibitawan ay dahil lang sa wala na itong nararamdaman para sa kanya. Paano nito nagawang paibigin siya pagkatapos ay bibitiwan siya ng ganoon na parang walang halaga dito ang damdamin niya?
At paanong dahil lang sa pagkakarinig niya sa pangalan nito ay bumalik siyang muli duon sa kung saan siya nito iniwan? Ang akala niya, naka-move on na siya?
He had plenty of relationships after her. Flings, fuck buddies, love affairs. Lahat 'yon sinubukan niya mawala lang si Jill sa isip niya, pero bakit kung kailan parang okay na siya kay Kianna ay saka pa guguluhin ni Jill ang isip niya. Partida, hindi niya pa ito muling nakakaharap. Paano pa kaya kung muli niya itong makita?
No. I won't allow that to happen. Hinding-hindi na kami magkikita ng babaeng 'yon. Mariin niyang sabi sa sarili.
HALATA sa mukha ni Jiana ang excitement. Ang sabi kasi ni Ben, ang lalaking nag-explain sa kanya kahapon ng lahat-lahat at siyang sumundo sa kanila ngayong umaga, ay magsi-swimming sila sa maganda at malaking pool.
Kung nakakaintindi lang siguro ang anak niya, baka nagpupumiglas pa ito sa pagsama sa lakad na iyon. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan ng ganoon. Hindi naman siguro siya papatayin ni Francisca para lang makuha nito ang anak niya. Gaya ng sabi ni Ben, gusto lang ng amo nito na makasama si Jiana sa nalalabing oras nito sa mundo.
Maswerte ang anak niya at hindi pa naman ulyanin ang Lola nito sa tuhod. Ang Mama naman niya ay malayo sa kanila kaya wala itong itinuturing na Lola kundi ang Lola sa kapit-bahay nila na masungit at palaging pinagagalitan ang anak niya kapag kumakanta ito ng malakas sa labas ng bahay nila.
"Bibili muna tayo ng mga damit, Ms. Jill."
"Ah, 'wag na. Madami kaming dala. Mahihirapan lang kaming magbitbit pauwi."
"Hindi isang-linggong bakasyon ang pupuntahan ninyo. Kung mapatunayan na anak ni Jethro si Jiana, duon na kayo titirang mag-ina pakasalan ka man o hindi ni Jethro."
Napa-ouch ang kaluluwa niya sa sinabi nito. So kahit ano palang gawin niya, magiging parte na si Jiana ng Alonzo-Diaz-Payne clan. Naloloka siya sa isiping iyon. Paano kung i-deny ni Jethro ang anak niya? Paano kung kahit positive ang DNA tests ay hindi nito kilalanin ang anak nila? Paano kung hindi nito mahalin si Jiana? Parang hindi niya kaya iyon.
"Uhm, Sir Ben, pwede pong bumalik na lang tayo sa amin? H-hindi ko p-"
"I'm sorry, Ms. Jill. Nang sumakay kayo sa kotseng ito kanina, tinanggal niyo na po ang karapatan niyong magbago ng isip. Kung gagawa lang kayo ng problema kapag nag-mall tayo, mas mabuting dumiretso na lang tayo sa Villa para makapagpahinga kayong mag-ina at bukas na lang tayo mag-mo-mall."
Napabuntung-hininga siya. Paano nito nababasa ang laman ng utak niya?
"Saka excited na excited na si Jiana sa swimming diba?"
"Yehey!" Sigaw ng anak niya. "Miming! Miming! Miming!" naglululundag pa ito sa kinauupuan. Giliw na giliw naman si Mang Ben, na sa tantya niya ay nasa sixty pa lang ang edad, habang tinitingnan ang anak niya sa rear view mirror.
"Ang sigla-sigla ng anak mo. Hindi ko pa gaanong nakakasama si Jethro at nakita ko lang siya sa mga pelikula at litrato pero, malaking-malaki ang pagkakahawig niya sa anak niya. Sigurado akong mamahalin niya ang anak mo."
Napangiti na lang siya sabay palihim na nagdasal ng... Sana nga.
BINABASA MO ANG
Just One Day [Completed]
FanfictionWala siyang ibang hinangad kundi ang kabutihan ni Jethro. That's her number one priority. Kaya nga she did everything she could to save his failing stardom. She walked away from him and started her solo life as a mother. Akala niya tahimik na ang...