CHAPTER 6

142 8 0
                                    

“Naalog ba ‘yang utak mo?” Okay. Wala na siyang pasensya. Naiintindihan naman niyang kailangan niyang tumulong kahit paano para huwag mapadali ang buhay ng Lola nito pero, kasal na ang pinag-uusapan nila. “Nasobrahan ka ba sa puyat? Kung makapagsalita ka parang basta-basta lang ang kasal ah!”

“We can annul the marriage after some time, anyway. Kapag pumayag kang magpakasal sa akin, hindi kita idedemanda at hindi ko kukunin ang anak ko sa’yo.”

“Paano kapag hindi ako pumayag?”

“Makikipaglaban ako sa’yo sa korte. O di kaya, gagamitin ko na lang ang pera ko para mawalan ka ng karapatan sa custody ni Jiana.”

Gusto niyang sampalin ang pagmumukha nito ngayon dahil sa inis, pero hindi niya magawa. Sayang naman ang ka-gwapuhan nito kung sasaktan niya lang. “Tinatakot mo ba ako?”

“You knew better. Hindi ako puro salita. Ginagawa ko lahat ng sinasabi ko, Jill.

Napalunok siya sa narinig. He look so determined and serious about what he said. At alam niyang simple lang para dito ang maglustay ng pera para lang magawa nito ang banta nito sa kanya. “Jethro, ang anak ko lang ang meron ako. Hindi mo siya pwedeng kunin sa akin.”

“Then, play along.” Inilagay nito sa kabilang bulsa ng kamay nito habang ang kaliwa ay nakalahad sa kanya. Nagdadalawang isip pa siyang tanggapin iyon kaya hindi na siya hinintay ni Jethro at agresibo nitong hinawakan ang kamay niya. Wala na nga siyang nagawa kundi ang magpatangay ditto nang maglakad ito palabas sa kwarto.


NAKATITIG sa kanilang dalawa ang tatlo nang marating nila ang dinning area. Nakahanda na ang lunch at nagsisimula ng kumain ang anak nila kasama ang tita at lola nito. Tila nasamid si Jeva nang mapatitig sa kamay nilang magkahawak pa rin. O mas dapat niyang sabihin na ayaw pa ring bitawan ni Jethro ang kamay niya. Hindi na lang siya tumututol dahil baka mag-away na naman sila.

“What’s that? Kiss and make-up?” nanunukso ang tingin ni Jeva pagkasabi noon.

“Yep. We decided to get married within two to three weeks. It doesn’t need to be extravagant. I just wanted to marry this woman.” Pagkasabi no'n, nilingon siya nito pagkatapos ay ngumiti na akala mo okay talaga sila. Pinilit na lang din niyang ngumiti.

“Ah, t-tama po.” Inuulit na lang niya sa ulo niyang kailangan niyang gawin iyon para kay Jiana. Alam niyang hindi rin kakayanin ng bata na mawala siya dito kaya hindi siya magpapatalo kay Jethro ng ganun lang. “Uhm, pakainin ko muna si Jiana.” Bulong niya dito para bitawan na nito ang kamay niya.

“Okay hon.” Tumuwid ito sa pagkakaupo saka inumpisahan ang pagkain. Sinubukan na lang niyang magfocus kay Jiana para hindi siya madistract dahil sa palabas nila. Kapag kasi nagpatangay na naman siya kay Jethro, tapos na siya. Binibigyan lang niya ang sarili ng mas malalim na hukay para sa feelings niya dito.


KINABUKASAN, maaga siyang nagising para ipaghanda ang lahat ng almusal. Maaga siyang natulog dahil magdamag siyang hindi kinulit ni Jiana. Buong gabi kasing magkakwentuhan ang mag-ama. Magkakatabi silang natulog kagabi, nasa pagitan nilang dalawa ang bata kaya naramdaman niyang mag-isa siya sa kwarto nang ala-una dahil nag-midnight snack ang dalawa. Bumalik lang ang mga ito bandang alas dos para matulog kaya hindi niya inaasahang magiging ng maaga ang mga ito ngayon.

                Pigilan man siya ng mga katulong, wala ring nagawa ang mga ito nang magsimula na siyang kumilos sa kusina. Pagkatapos niyang maihanda ang almusal, naghugas muna siya bago puntahan si Jiana sa kwarto.
              
                Napangiti siya nang natutulog ang mag-ama sa parehas na pusisyon. Ang sarap sanang piture-an ng mga ito para mai-post sa Intagram o di kaya’y sa Facebook, kaya lang naalala niyang sikat itong ex niya. Napailing na lang siya saka tinabihan si Jiana at hinalikan sa noo. Hinaplos niya ang buhok nito at matamang tiningnan. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang nakadilat si Jethro… habang tulog. Natawa na lang siya pagkatapos ay binulungan si Jiana para magising. Nagmulat agad ng mata ang anak niya saka siya niyakap ng mahigpit bago sunud-sunod siyang hinalikan sa mukha. “Good morning, Mommy!”

                She smiled. “Good morning, anak! Breakfast is ready. Magmumog ka na para makakain ka.”

                “Gisingin ko si Daddy?”

                Nakangiting tumango siya. Awtomatikong nilundag ni Jiana ang Daddy nito at niyakap. “Anak, ‘wag mo namang daganan si Daddy mo!” saway niya dito, pero dedma ang bata.

                “Daddy! Gising ka na! Daddy gising na ikaw sabi ni Mommy.”

                “Hmm? Tulog ka pa ‘nak.” Pagkasabi no’n, pumikit na naman ito. Pero hindi basta-basta sumusuko ang anak nila. Pinupog nito ng halik sa buong mukha ang ama pagkatapos binulungan ng… “Wake up na Daddy ko.” Gaya ng paraan niya ng panggigising dito ngunit talagang walang epekto iyon kay Jethro.

                “Mommy, ikaw nga mag-kiss kay Daddy para gumising. Aantuk-antok pa e! Tingnan mo.” Napipikon na ang anak niya pagkatapos ng lahat ng ginawa nito para lang magising lang si Jethro. “Mommy sige na!”

                “Anak. Hindi pwede ano ba. Hayaan mo na lang siyang matulog. Bumaba na tayo.”

                “No… gising natin si Daddy kasi magbibreakfast tayo. Please Mommy, kiss mo na si Daddy.”

                Alam niyang hindi siya tatantanan ni Jiana kaya napilitan siyang lumapit kay Jeth. She draw herself a little closer saka hinaplos ang buhok ni Jeth at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos noon, binulungan niya ito sa tenga ng… “Jethro, gising na.” napahagikhik naman si Jiana na kilig na kilig sa ginawa niya.

                Narinig niyang nag-inat ito saka siya kinabig at literal na ikinulong siya sa mga bisig nito. Sa gulat niya napahawak siya sa dibdib nito at mukhang nagising lang ito nang maramdaman ang kamay niya dahil bigla itong napadilat. Ngayo’y nakatitig sila sa isa’t isa. Ilang saglit silang nasa ganoong pusisyon nang bitawan siya nito. “W-What are you doing?”

                “Pasensya ka na. Pinagigising ka kasi ni Jiana sa akin. May breakfast na. Baba na kayong dalawa.” Mabilis siyang bumaba sa kama.

                Bigla naman itong napaupo. “You should’ve just called me. Hindi mo naman kailangang lumapit sa akin.”

                “Ni-kiss ka ni Mommy.” Sabi ng bata pagkalapit sa Daddy nito. “Uy, crush mo si Mommy ‘no!”

                “Anak!” saway niya dito.

                Tumawa na lang si Jethro. “Oo, crush ko ang Mommy mo.”

                “Uyyyyy!”

                “Gutom ka na ba? Tara na. Baba na tayo.” Yaya nito sa anak nila. Marahil ayaw na lang din nitong pansinin ang ginawa niya. Ilang saglit lang bumangon na agad ito at kinarga ang anak nila.

                “Okay. ‘Lika na Mommy. Eat na tayo!”

                Pagkababa nila, nasa sala na si Francisca at may kausap sa telepono. Nagpaalam lang ito sa kausap nang makita silang pababa. “Oh, hi. Ang aga niyong magising! Ikaw daw ang nagluto ng breakfast?” baling nito sa kanya.
              
                “Ah, wala naman po kasi akong ginagawa kaya nag-luto na ako.”

                “Thank you, hija. Tatawagin ko lang si Jeva para makakain na tayo. Mauna na kayong tatlo sa mesa.”

                Pagkaupo nila sa dinning area, inuna nitong tikman ang kape na naitimpla na niya kanina pa. Mabuti na lang at ginawa niya iyon sa coffee maker kaya napanatili ang init niyon. Inasikaso naman muna niya ulit si Jiana. Ngunit nagulat siya nang asikasuhin din ni Jethro ang plato niya. Nilagyan nito ng dalawang hotdog at isang bacon strip ang kanyang plato. “Rice or bread?” he asked in a cold voice.

                “Ako na. Thanks.” Hinarap niya ulit si Jiana.

                “Hayaan mo na siyang kumain mag-isa. Big girl ka na anak, diba?” baling nito sa bata para asikasuhin naman niya ang sarili niya.

                “Yes Daddy!”

                “Very good.”

                “Ehem. Mukhang okay na talaga kayo ah.” Hindi ngumiti si Jethro sa patutsada ng kapatid. “Jill, you should eat less fats, magfi-fitting ka na bukas. Mamaya sasamahan kita sa restaurant para sa food tasting.”

                “Bakit hindi mo sila hayaang lumakad ni Jethro?” Sabay pa silang napalingon kay Francisca nang pumasok na ito sa dinning area. “Aalagaan namin ni Jeva si Jiana. Kayo na ang pumunta, tutal naman, party ninyo iyon.”

                “Ah, h-hindi na po. Mas magandang si J-“

                “Ano’ng gusto mong pasalubong, anak?”

                Natigilan siya at napatigin kay Jethro. Seryoso bang gusto nitong sumama sa kanya para asikasuhin ang kasal nila? Kung sabagay, eto naman talaga ang nagpumilit na gawin nila iyon para sa kapakanan ng Lola nito.

                “Baby brother po.”

                Natawa ang Lola at Tita nito sa sinabi ng anak niya.

                “Sige, bibilhan kita ng baby brother. Hon, kumain ka na at mag-ayos. We’ll leave in an hour.”

                Wala sa loob na tumango siya.



TAHIMIK lang silang dalawa habang nasa loob ng kotse hanggang sa ma-bored siya. “Ilang taon na kayo ng girlfriend mo?” parang gusto niyang batukan ang sarili dahil sa naisip niyang tanong pero wala naman siyang magawa dahil nasabi na niya.

                “Why do you care?”

                “Wala lang. Alam na ba niya?”

                “She doesn’t have to know. By the way, after this wedding, I had to go back to US para ipaliwanag sa kanya ang set up naten. Hindi pwedeng sabihin ko sa kanya nang magkalayo kami dahil tiyak na susugod iyon dito.”

                May kung ano’ng kumirot sa puso niya pero hindi niya iyon pinansin. “Sige, gawin mo ang dapat mong gawin. Okay lang.” Okay lang sa isip niya, pero hindi okay ang puso niya sa ideyang kapag tapos nilang ikasal, pupuntahan nito ang babaeng mahal nito para lang i-assure na hindi naman ito tuluyang mahuhulog at mapapasakanya.

                Hindi na lang siya muling nagtanong. Nagba-back fire kasi sa kanya ang sakit.

                “I think, dapat na nga nating ayusin ang sa atin, Jill. Ayokong maghiwalay na naman tayo nang masama ang loob ko sa’yo. I am trying my best to forgive you.”

                “Thanks. Matagal naman na iyon. Pasensya ka na kung bumalik ako sa buhay mo sa ganitong paraan.”

                Umiling ito. “Wala iyon. I just hope that we could be friends this time.”

                Isa na namang patalim ang tumarak sa puso niya. Hanggang kailan niya kaya kakayaning tiisin iyon? She can’t even say a word about everything happened four years ago. Kung hahayaan niyang isipin ni Jethro na kasalanan niya ang lahat, baka maging less complicated ang mga bagay. Hindi kailangang mag-suffer ang career nito. Makukuha niya ang anak niya. Ngunit mayroon pa ring isang bagay na pumipigil sa kanyang ibaon sa hukay ang lahat ng nangyari… iyon ay ang pagmamahal niya para sa lalaking ito.

                Habang tumitikim sila ng mga putaheng pwedeng iluto sa reception ng kasal nila, napapansin niyang kanina pa tingin ng tingin si Jethro sa cellphone nito. Hanggang sa sagutin na nga nito ang tawag habang ipinaliliwanag sa kanila ang menu ng caterer.

                “I will call you later. Something just came up. I need to finish this first. So please cancel your flight.” Naririnig niya ang sinasabi ni Jethro kahit nagkukunyari siyang nakikinig sa babae.

                “So Madam, ano pong gusto niyong kasama sa main course?”

                “Pwede kayang hintayin natin siya?”

                Napangiti ang babae sa sinabi niya. “Nakakatuwa naman kayo Misis. Kayo lang ‘yung bride na nagtatanong pa kay groom ng final decision. Alam mo Ma’am, maganda ‘yung ganyan. ‘Yung ibang babae kasi bossy, kala mo sila lang ‘yung ikakasal.”

                Nginitian na lang niya ito.

                “Oh, sige Ma’am, ipapahanda ko lang ‘yung mga desserts habang hinihintay ninyo ang mister ninyo.”

                “Thank you.”

                Wala pa rin ang babae nang bumalik sa upuan si Jethro. Mukhang stressed na stressed ito sa kinalabasan ng pag-uusap nito at ng nobya nito. Kahit hindi na niyan itanong, alam niyang girlfriend nito ang tumawag.

                “May problema?”

                “She wanted to visit next month. I don’t know how to stop her.” He looked so frustrated.

                “Edi tayo na lang ang tumigil? Ipaliwanag natin kay Lola mo.”

                “Ngayon pa na umaasa na siya sa kasal na ‘to? I won’t do that. You don’t have to mind this. Ako na ang bahala. May napili ka na ba sa main course?”

                Aaminin niyang pati siya ay umasa sa part na ‘yon. Masarap sa pandinig niyang gusto nitong ituloy ang kasal. Ibig sabihin lang kasi noon, makakasama niya pa ito ng mas matagal. “Meron na. Ikaw, tikman mo muna tapos sabihin mo sa’kin kung ano’ng gusto mo.”

                Inatupag na naman nito ang pagte-text kaya siya na ang nagsubo sa bibig nito ng mga putaheng hindi pa nito natitikman. Hindi naman tumutol ang binata sa ginawa niya. Pagkatapos nitong matikman ang lahat, itinuro nito ang mga nagustuhan niyang pagkain. Lihim siyang napangiti. Parehas pa rin sila ng mga gusto at hilig.

                Saglit lang nilang napagdesisyunan ang dessert dahil alam nilang parehas na ang chocolate ang pinakapaborito ni Jiana. Pagkatapos nilang mag-book ng event sa restaurant, niyaya siya ni Jethro sa mall para bumili ng manika. But of course, nakasuot ito ang sumbrero, salamin at face mask. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ito noong araw na una niya itong makita niya ito ng personal. Parang biglang nag-flashback sa isip niya ang dating ligawan stage nilang dalawa. 

                “Why are you smiling?” untag nito sa kanya.

                Umiling siya. “Wala naman.”

                Hinayaan siya nitong pumili ng mga laruan para sa anak nila. Habang umiikot sila sa mall, hindi siya iniiwan ni Jethro. Mukhang takot din itong dumugin ng mga tao. Lalo na’t may iilang babae na ang nakatingin sa kanila. “Hindi ko na alam kung paano ko itatago ang mukha ko. Mukhang nakikilala na ako ng iba.”

                “Ampraning nito. Bakit, feeling mo tinitingnan ka nila? Ang yabang mo naman!”

                “Hindi ako nagyayabang. I’m telling the truth.”

                “’Wag kang masyadong sensitive. Napakagwapo mo lang kasi talaga kaya sila nakatingin.”

                Natigilan ito at napangiti. “What did you just said? Gwapo ako?”

                “’Di mo alam? Kaya nga kiya nagging crush diba?.”

                Ngayon niya lang siya naging ganoon kakumportableng sabihin iyon kaya hindi na siya nagulat sa naging reaksyon nito. “Talaga ba?”

                Nang makahagilap siya ng isang manikang lalaki, ipinakita niya iyon dito. “Tingnan mo. Kamukha ni Jiana.” Nagkatawanan sila dahil kahawig nga ng singkit na mata ng anak nila ang manika. “Eto na ba ang bilhin natin? Baby brother ang gusto niya eh.”

                Tumango ito. Ngunit hindi natapos duon ang pamimili nila dahil bumili din sila ng mga damit ni Jiana at iba pang mga kailangan nito.

                “Jeth, sobra-sobra na ‘yung binili mo. Parang hindi naman magagamit ni Jiana lahat ‘yan.”

                “Hayaan mo ako. Bumabawi ako sa anak ko.”
              
                Matipid ang ngiting ibinigay niya rito bago siya sumakay sa passenger seat. Handa na siyang umalis pero hindi pa rin ini-start ni Jethro ang makina. “May naiwan ka ba? Nakalimutan?”

                Umiling ito. “Kailan mo kaya sa’kin sasabihin ang lahat? I’ve been wanting to know why you did what you did.”

                “Alam mo, may mga bagay na hindi na dapat inaalam.”

                “Sa tingin mo ba, hindi ko deserve lahat ng explanation?”

                “Ayoko na talagang guluhin ang buhay mo.”

                Hindi na ito nagsalita at nagtagis na lang ang mga bagang nito dahil sa inis. Kahit ano’ng mangyari, hanggang kaya niya, hindi na niya hahayaang makagulo siya sa buhay nito. Hindi naman sa ine-expect niyang kapag nalaman nito ang totoo ay babalik na ito sa kanya. Mas magandang sabihing gusto niyang itago na lang iyon para hindi na siya umasang magiging maayos pa sila gaya ng dati. Masyado ng kumplikado ang mga bagay para sa paliwanagan. May girlfriend ito at hindi na siya nito mahal. Ayaw niyang hayaan ang sariling makaramdam ng pagnanasang bumalik sa buhay ni Jethro ng permanente. Tama na sa kanya ang mga ganoong bagay. Ang makita niya lang na mahal ni Jethro ang anak nila, sapat na ‘yon.

KINAGABIHAN, naliligo na siya nang pumasok ang mag-ama sa kwarto. Naririnig niya ang tili ng anak niya dahil tinatakot ito ng ama gamit ang nabili nilang gorilla mask. Napailing na lang siya. Nagtatapis na siya nang marinig niyang nagbabasa naman ang mga ito ng story book.

Siniguro niyang tahimik na ang dalawa bago siya lumabas ng CR. Ipinagpalagay niyang tulog na ang mga ito dahil parehong mabilis makatulog ang dalawa lalo na kapag pagod. Nakapulupot na sa buhok niya ang isang tuwalya habang ang isa ay nakatapis sa kanyang katawan.

Dahan-dahan pa siyang naglakad papunta sa cabinet para kumuha ng damit. Natigilan lang siya nang marinig na may biglang kumilos sa kama. Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa CR, ngunit hindi na siya nakaabot sa pinto ng banyo dahil nauntog na siya sa dibdib ni Jethro. Sa lakas ng impact niyon, muntik na siyang mabuwal. Natanggal pa ang tuwalya sa buhok niya at muntik na ang tapis niya. Mabuti na lang hawak-hawak niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya nang masalo siya nito.

Parang tumigil ang mundo niya nang makita ang titig ni Jeth sa kanya. Mula sa kanyang mga mata, papunta sa kanyang labi, pababa sa kamuntik na niyang mahantad na mga dibdib. Pinilit niyang tumayo ng tuwid atsaka lumayo dito ng bahagya.

“S-Sorry.”

Tumango lang ito saka itinuro ang pinto palabras ng kwarto. “Sa baba na lang ako.” Pagsabi no’n, lumabas na ito sa kwarto. Bumalik naman siya sa pagkuha ng damit at duon siya nagkulong sa CR para magbihis.

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon