CHAPTER 1

378 12 0
                                    

“You have to smile, sweetheart. It’s your wedding day.” Sabi ng isang babaeng mukhang nakalimutan niya lang ang pangalan pero sigurado siyang kakilala niya. Inaayusan na siya nito ng buhok.

She breathe heavily then she nervously took a sip from the water glass beside her. Hindi niya alam kung bakit ngayon pa siya nakaramdam ng ganoon gayong ilang oras na lang, opisyal na siyang Mrs. Jethro Payne. Wala na siyang dapat ikabahala dahil kahit ang mga fans, wala ng magagawa kundi tanggapin na ang Asia’s Dangerous Hottie na si Jethro ay pag-aari na niya.

“Baka nagbago na ang isip niya?”

Natawa ito. “Bakit naman? Ikaw ang number one make-up artist sa buong Pilipinas. Lahat ng mga celebrity, ikaw na ang hinahanap. Hindi na siya talo sa'yo ah!”

Hindi siya kumbinsido sa sinasabi ng babae. Parang kahapon lang napalayas siya ng kliyente sa venue dahil sa hindi niya pa rin malamang dahilan. Iniisip niya ngang hindi natuwa ang matandang babae sa ginawa niyang pagme-make-up dito kaya siya pinaalis tapos ngayon, ikakasal siya kay Jethro at sasabihan siya nitong magaling siyang make-up artist? Something’s ain’t right.

“Nananaginip ba ako?”

Tumawa ang babae. “Siyempre oo. Nasa California pa rin si Jethro diba?” bigla niyang naala ang pangalan ng kausap niya. Si Alicia. Ang baby sitter ng anak niya kapag wala siya sa bahay. Sa dami ba naman ng mapapanaginipan niya, bakit ito pa?

Biglang nagising ang diwa niya at natagpuan ang sariling nakahiga pa rin sa kama nilang mag-ina. She still have a lot of time to spend because it’s too early for her to look for another job. Sa nangyari kahapon, parang good as ligwak-ganern na ang ibig sabihin nang magpapaalis sa kanya sa venue. Nakakahiya naman sa best friend niyang si Bianca kung papasok pa siya ngayon.

“Jill!!! Jill!!!” Narinig na niya si Aling Maliit pero nagkunyari siyang mahimbing pa ring natutulog. “Jill! Wake up na!” At umalingawngaw na nga sa loob ng bahay nila ang matinis at manipis nitong boses. Tinakpan niya ang sarili ng unan pero nakipag-tag of war lang ang anak niya at pilit na inalis sa mukha niya ang unan.

“Hmmm… Jiana, ang aga-aga pa! Mas nauna ka pa sa alarm clock ko!” reklamo niya sa apat na taong gulang niyang anak. Hindi pa naman ito marunong magbasa ng orasan kaya kapag tumapat na sa 12 kahit alin sa dalawang kamay ng orasan, mangungulit na ito. And knowing this kid, hindi ito natutulog. Parating hyper.

“Pasok ka na Mommy!” Now she’s calling her Mommy to get things her way. Pero kapag hindi naman siya sumunod, Jill na naman ang isisigaw nito. Kaya kiber muna siya. She needs more sleep.

“Five minutes, anak.” Pagkasabi noon, tinalikuran niya ito.

Bumilang naman ito ng malakas. “One, two, three, four, five.” Pagkatapos ng lima, dinamba na siya nito. Sabay sigaw sa may tenga niya ng… “Five minutes na!!!”

Naiiyak siya dahil hindi na nga maganda ang napanaginipan niya, ayaw pa siyang hayaan ng anak niyang makakuha ng kahit kaunti pang tulog. “Ikaw talagang Aling Maliit ka. Lagi mo na lang inaaway si Mommy!”

Tiningnan lang siya nito saka siya hinalikan sa pisngi. “Wag na cry Mommy. Kapag nagschool na ako, hindi ka na magwowork kasi magwowork na din ako nun. Dito ka na lang sa house.” Gusto niya ng tumawa ng malakas kaya lang siguradong tatakpan lang nito ang bibig niya at sasabihing mag-toorhbrush muna siya

“Hindi pwede, Aling Maliit. Magwowork pa rin ako kasi diba sabi mo, magbo-boyfriend ka na? Baka iwanan mo ako ng maaga.”

“Dito naman ako matutulog lagi-lagi, Mommy.”

Natawa na siya ng tuluyan nang hindi nga siya nagkamali. Agad nitong itinakip sa bibig niya ang dalawa nitong kamay sa bibig niya nang humikab siya.

“Hmmm, Moommmyyy, tukbwash ka na!”

Imbes na sumunod niyakap niya ito ng mahigpit saka pinupog ito ng halik sa pisngi, sa kili-kili, ilong at sa braso. Hindi niya ito tinigilan kahit na nagsisigaw na ito sa sobrang pagkaligalig. Minsan lang naman silang ganoon. Madalas kasi nagmamadali na siya sa pagpasok. Ngayon lang siya medyo lax dahil maghahanap lang naman siya ng bagong work ngayon.

Ayaw na niyang dagdagan ang atraso kay Bianca dahil marami na itong nagawa para sa kanilang mag-ina. At ang abusuhin ang kabaitan nito ang pinakahuli niyang gustong gawin. Napahiya siya sa ginawa ng babae lalo na si Bianca. Siya pa naman ang ibinibida nitong make-up artist sa lahat, pero nang dahil sa ginawa ng matandang iyon, mukhang nawalan din ng kredibilidad ang kaibigan niya sa mundo ng events organizing na negosyo nito.

Pakiramdam niya tuloy mas mabigat pa sa palpak na make-up ang ginawa niya. Hindi lang siya sigurado kung bakit nito ginawa iyon. Hindi naman siya magkakaroon ng mga kliyente noon kung palpak talaga siya. Ngayon, hindi niya alam kung pababalikin pa siya ni Bianca. Oo nga't best friend niya ito pero negosyo pa rin nito ang nakasalalay at alam niya ang hirap na dinanas ni Bianca para maabot ang lahat ng mayroon ito ngayon. Kaya imbes na makadagdag pa sa mga problema nito ay nagtext na siya agad na hindi siya makakapasok kagabi pa lang.

Siyempre, hindi na niya ipinaliwanag ang dahilan. Hindi naman na nagreply si Bianca. Baka maghintay na lang siya ng text para sa back pay niya.

Bago sila matapos kumain na mag-ina, dumating na ang baby sitter ni Jiana. Tahimik lang na naupo ang anak niya nang buksan na ni Ate Ana ang TV. At humalik muna siya sa pisngi nito bago umalis.

Para makarating siya sa accessible road, kailangan muna niyang sumakay sa shuttle service pababa sa main gate na halos isang oras bago mapuno at sasakay ulit siya ng jeep para makarating palengke kung saan marami ng jeep na dumadaan papunta sa mga business centers.

Anim na buwan pa lang naman siya sa Better Options, yung event organising company ni Bianca. Ganoon katagal din siyang wala sa BPO Industry. At ngayon, mukhang wala siyang magagawa kundi ang bumalik. Iyon kasi ang trabahong alam niyang madali niyang mapapasukan. Nahikayat lang naman siya ni Bianca 6 months ago dahil malaki nga ang offer nito sa kanya kahit na magme-make up lang siya sa mga guest nito. Bukod duon, may natanggap na din siyang bonus at kapag nagti-tip ang mga customer niya, nakukuha niya ng buo iyon nang walang kaltas na porsiyento kahit na in-ooffer na niya iyon.

Inaamin niyang mamimiss niya ang trabaho niya duon dahil ‘yon naman talaga ang passion niya. Kung hindi nga lang niya kailangang lumayo noong nabuntis siya baka hindi niya inihinto ang pagmeme-make-up artist. Ngunit wala na siyang ibang choice. Nasa loob na siya ng building kung saan siya nag-walk-in applicant nang biglang tumunog ang cellphone niya.

“Mommy sagutin mo!!! Mommy SAGUTIN MO!!!! Moommmyyy!!!” hindi titigil ang boses ni Jiana sa pagtili hanggang hindi niya nasasagot ang cellphone. Nahihiyang nginitian niya ang mga taong napatingin sa kanya dahil sa eskandalosa niyang ringtone.

“Hello.” Nakita na niya sa screen ng phone niya ang pangalan ni Bianca kaya nilakipan niya ng pekeng sigla ang tono ng boses niya.

“Bakit di ka papasok? May mga office work pa tayo.” Alam niyang wala naman siyang memake-up-an ngayon kaya hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Office girl talaga siya kapag walang events. Literal na office girl dahil tatambay lang naman siya duon at gagawa lang ng kaunting logistic works tapos chismis na ulit kasama si Bianca.

“E kasi diba kahapon, nadisappoint yung kliyente. Baka kako-” natigilan siya nang tawanan siya ng sarili niyang kaibigan.

“Iniisip mo bang ifa-fire na kita dahil lang duon?”

Napahinto siya sa paghakbang. “K-Kas-”

“Ayaw mo na bang magtrabaho dito?”

“Siyempre gusto.” Mabilis niyang sagot.

“’Wag ka ng maarte d'yan. Pumasok ka na at may ipapakita ako sa'yo.”

Hindi na niya ito inusisa dahil alam naman niyang hindi nito sasabihin kung ano iyon hanggang hindi siya nito nakikita ng personal. Bumalik na lang siya sa sakayan ng jeep. “Manong, isang Kamuning!”

After 30 minutes, naroon na siya sa opisina ng Better Options. “Bianca.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang salubungin siya nito.

“Hmmm… Ikaw talaga. Advance ka kasi mag-isip. Halika nga dito.” Niyakap siya nito pagkalapit niya. “Wag mo na ulit gagawin ‘yan ah. Hindi ka aalis dito hanggang hindi ko sinasabi, okay?”

Tumango siya. “Sorry.”

“Okay na tayo. Eto na lang ang tingnan mo.” Nagmamadaling kinuha nito ang ipad na nakapatong sa lamesa nito para ipakita sa kanya. Picture iyon ng babaeng nagalit sa kanya sa wedding event kahapon.

“Francisca Alonzo-Diaz. 82. Philippines.”

“Dati siyang Miss Universe?”

“Ahuh.”

Napabuntong-hininga siya. “Kaya ba ganoon na lang ang galit niya sa akin?” Iniisip niyang baka obsess pa rin ito sa kagandahan kaya ganoon na lang ang galit nito sa kanya dahil sa kapalpakan niya.

“No my sweetheart. There’s something more to it.” May in-access ito sa page kung saan nakapaskil ang mukha ng babae saka ibinalik sa kanya ang ipad para mabasa niya.

“Francisca said that she’s proud of his long-lost grandson, Jethro Payne, for making it to the Hollywood scene…” Hindi na niya kinaya pang basahin ang article nang makita niya ang pangalan ni Jethro.

“Sabi na nga ba't mamumutla ka.” Naiiling na sabi nito saka siya pinaupo. “That explains why she is so mad at you.”

Gusto niyang sakyan ang sapantaha ni Bianca pero paano mangyayari iyon, hindi naman alam ng babaeng iyon ang koneksyon niya kay Jethro. Ngayon niya nga lang nalaman na apo nito ang lalaking iyon. “Bukod sa ating dalawa, wala ng ibang may alam sa nangyari.” Pangangatwiran niya kay Bianca.

“Si Jethro, alam niya. Baka naman nagkukwento sa Lola niya.” Ano’ng ibig nitong sabihin? Siniraan siya ni Jethro sa sarili nitong Lola?

Imposible. Kahit saglit lang ang pinagsamahan nila, alam niyang hindi ganoong klase ng lalaki si Jethro. He knows how to keep a secret. At kahit may pagkaluko-loko ang lalaking iyon, alam niyang hinding-hindi nito kayang sirain siya sa ibang tao lalo na kung sa Lola nito. “Imposible. Bianca, kilala ko si Jeth.”

“Kilala mo nga ba talaga? Oh e diba, hinayaan ka niyang umalis noon? Ni hindi ka niya hinanap! May mga naaalala akong kwinento mo dati na sinabi niyang hindi ka niya pababayaan, ano nangyare?”

“I gave him enough reason to stay away from me. Hindi niya na kasalanan ‘yon. Isa pa, iyon naman talaga ang gusto ko. Ang malayo sa kanya.”

“Naiintindihan naman kita sa part na iyon, kahit ang labo-labo mo. Kaya nga tinulungan kita diba? Ang akin lang, baka naman marami ka pang hindi alam tungkol sa kanya. Tingnan mo nga, parehas tayong nagulat na apo pala siya ng dating beauty queen. Anything can happen.”

“Alam mo, ayoko nang ituloy ‘tong usapan natin. Baka nagkataon lang na nagalit si Francisca sa akin dahil sa kapalpakan ko. Hindi ito dahil lang kay Jethro.”

Nagkibit-balikat ang kaibigan niya. “Ewan ko. Pero sana, ‘wag ka ng magdedesisyon ng pabigla-bigla. Since late ka today, bawas ‘yan sa sahod mo huh.”

Nginitian niya ito. “Thanks for taking me back.”

Inismiran siya nito saka naglakad paalis na may pahabol pang, “Tse!”

Naiwan siyang nakatanga sa opisina niya. Kailangan na niya sigurong umpisahang trabahuin ang pag-aayos ng mga events for next month para hindi na niya isipin ng isipin si Jethro.

Mahigit apat na taon na ang nakalipas nang huli niyang makita si Jethro. Naaalala niya pa rin ang malamlam nitong mga mata habang pinanunuod siyang umalis. Naaalala pa rin niya ang pagpatak ng mga luha nito habang nakatingin sa bawat niyang kilos nang araw na iniwan niya ito.

Alam niyang ang lalaking iyon lang ang tunay na nagmahal sa kanya. Kahit sa maikling panahon lang na nagsama sila, alam niyang lahat ng ipinakita at ipinaramdam nito ay totoo. Nakita niyang tagos sa puso ni Jethro ang pag-ibig na nakita niya sa mga mata nito para sa kanya kaya hindi niya maisip na kaya nitong gawin ang sinasabi ni Bianca.

Nangako siya sa sariling iiwasan na niya ang pag-iisip sa lalaki ngunit hanggang sa makalabas siya sa opisina. Ito pa rin ang iniisip niya.

Bigla siyang natawa sa sarili. Nagjo-joke ba siya?

Kailan ba siya huminto sa pag-iisip at pagmamahal kay Jethro?

Hanggang ngayon naman, walang nagbago. Ito pa rin. Si Jethro pa rin.



SINIKO siya ng kapatid na si Jeva nang mapansin nitong kanina pa siya walang imik na nakatitig sa labas ng sasakyan sa kahabaan ng C5. Sinundo siya nito nang personal nang malaman nitong pabalik na siya ng bansa pagkatapos ng apat na taong walang pahinga niyang shooting para sa kung anu-anong pelikula, guestings at modelling sa Amerika.

“Ano ba naman ‘yan, Jeth. Akala ko ba, ikaw ang Asia’s Dangerous Hottie? E para kang maamong tupa d’yan. May problema ka ba?”

Mas matanda lang si Jeva sa kanya ng isang taon kaya hindi niya ito iginagalang. “Wala. Mag-drive ka na nga lang.”

“Ang sungit mo. Ganyan ka ba talaga sa nag-iisa mong kapatid? Ilang taon tayong hindi nagkita ah!” naglalambing na ngumuso ito.

“Ah, talaga? Last month lang, nagpunta ka sa set para makigulo sa shooting kasi nandun ‘yung crush mo. Ipinahiya mo ko no’n, Jeva. Akala ni Channing, pick-up girl ka.”

Imbes ma-offend, natawa na lang ang kapatid niyang baliw. Hindi kasi ito nakaka-distinguish ng totoong irritation. At sa kanilang dalawa, parang siya pa ang mas panganay. “Grabe ka sa pick-up girl. E kung ganoon pala ang tingin niya sa akin, bakit hindi siya nakipag-flirt? Game kaya ako!”

Kung hindi lang ito nagmamaneho, baka nabatukan niya ito. “Sinabi ko sa kanyang kapatid kita kaya hindi ka niya ginalaw.”

“Ay… Ano ba naman ‘yan! Bro! I am so ready for love again! Bakit mo naman ginawa ‘yon!”

“May asawa na si Channing.” He answered with his cold tone.

Jeva rolled her eyes. “As if hindi nagu-google ang information na ‘yan.”

Nailing na lang siya sa sinasabi ng kapatid niya. Sinasapian na naman ito ng masamang ispiritu. Imbes na patulan ang kagagahan nito, nanatili siyang nakasandal sa bintana at muling pinagmasdan ang labas. Madami na rin ang nagbago duon sa loob lang ng apat na taon. Nakita niyang malapit ng matapos ang building sa may IPI. Madami siyang alaala sa lugar na iyon at ang nakakapagtaka, puro masaya lang ang naaalala niya samantalang puro sakit lang naman ang hatid sa kanya ng taong kasama niya sa mga alaalang iyon.

Tumikhim si Jeva. Mukhang na-realize nitong wala siya sa mood ngayon para makipagbiruan. “Alam mo, maganda na din siguro na un-announced itong uwi mo ngayon. At least, magkakaroon tayo ng family time. Sabi ni Lola, kung may time ka daw sa Saturday, susunduin kita sa condo mo para sabay na tayo sa pag-uwi sa Laguna. Alam mo na, hindi ka pwedeng ma-i-spot-an ng kahit na sino kasi tiyak na dudumugin ka ng mga tao.”

“Yeah. We need to catch up. Don’t worry, marunong naman na akong mag-disguise ngayon.”

“Good job.” Saglit na namagitan ang katahimikan sa kanila. Sadyang madaldal lang talaga itong kapatid niya kaya kinulit na naman siya nito. “Kamusta ka na nga pala kasi?”

“Ayos ako. Ikaw ang iniisip ko. Baka sa pagiging makulit mo, habang buhay ka ng ma-friendzone at maging matandang dalaga.”

“Ay grabe siya. Seryoso na kasi, Jeth.”

Parang may biglang sumipa sa dibdib niya dahilan para kumirot iyon. Pero imbes na malungkot, pinilit niyang ngumiti. “I’m happy. In fact, I think I am getting married.”

Just One Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon