Napapangiti na lang siya sa tuwing titingnan ang mga pictures nila kahapon. Parang gusto na niyang maniwala na pwede nga silang magkatotoo ni Jethro. Ginawa muna niyang wallpaper ang piture nilang tatlo bago siya nagsimulang mag-asikaso ng pampaligo ni Jiana. Habang nasa loob sila ng CR, naririnig niyang may kausap si Jethro sa telepono.
“Please, babe. Makinig ka sa akin. Ako na ang pupunta d’yan. You don’t have to come here.”
Hindi niya narinig ang sagot ng babae sa kabilang linya, pero sigurado siyang hindi ito masaya sa gustong mangyari ni Jethro. Matagal bago niya narinig ang desperadong buntong-hininga nito.
“Si-Sige, I will go there. Susunduin kita. Okay. Bye. I love you.”
Dahil sa pakikinig niya, tumutulo na pala ang luha niya habang sinasabunan si Jiana. Gamit ang maliliit nitong kamay, pinunasan ng anak niya ang mga luha niya. “Mommy, don’t cry.” Ngumiti na lang siya nang makitang pinipigilan nitong humikbi. Hindi niya sigurado kung naiintindihan ba nito na may kausap na ibang babae ang Daddy nito o baka nahawa lang ito sa pag-iyak niya. Sinenyasan niya lang ang anak niya na huwag mag-ingay at tango lang ang naging pagtugon nito.
Nang makalabas sila sa banyo, hindi agad lumapit si Jiana kay Jethro. Ngunit nang buhatin ito ng binata ay hindi naman ito nagreklamo. Pinanuod lang siya ni Jethro sa ginagawa niyang pagbibihis sa anak nila.
“Pupunta ako sa Maynila mamayang gabi. Sama ka?”
Umiling siya. “Hindi na. Sasamahan ko na lang dito ang Lola mo.”
“I need you there.”
Hindi siya nakaimik. Bakit naman siya nito kakailanganin? Kailangan niya bang ipaliwanag ang nangyayari sa girlfriend nito at i-assure ang babae na hindi niya aagawin dito si Jethro?
“Kung ayaw mo talagang sumama, okay lang. Babalik naman ako bago tayo ikasal.”
Ngumiti lang siya. “Okay.”
Hindi siya nagreklamo dahil wala naman siyang karapatan. She cannot blame him for the hurt she’s feeling now because from the start, Jethro is very much clear with the fact that he is already in love with someone else.
‘Yung mga nangyari sa kanila habang magkasama sila sa bahay na iyon ay bunga lang ng damdaming hindi nila naituloy noong maghiwalay sila. Pero matagal na iyong tapos. Hindi na dapat siya humingi ng isa pang pagkakataon. Muli niyang ipinaalala sa sarili ang tunay na dahilan kung bakit sila nasa ganoong sitwasyon. Hindi na dapat niya hinayaan ang sariling umasa sa wala. Sa parteng iyon, wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.
KINAGABIHAN, nagpaalam na si Jethro sa kanila. Ni hindi man lang humabol ang anak nila dito marahil hindi pa rin naaalis sa isip ng anak niya ang pag-iyak niya kanina.
“Bye.” Paalam nito sa kanya pagkalabas nito sa kwarto ng Lola nito.
“Ingat ka.”
“I will.” Hindi siya pumalag nang halikan nito ang pisngi niya. Hinayaan lang din ni Jiana na halikan ito ng ama. “Magpakabait ikaw, prinsesa ko ha. Makikinig lagi kay Mommy. I love you.”
Jiana smiled. “Balik ka Daddy ah.”
“Opo. Babalik si Daddy.” Pagkasabi noon, tinitigan siya nito.
Nag-iwas naman siya ng tingin. Ayaw na niyang umasa duon. Maaaring tuparin nito ang pangako sa Lola nitong pakakasalan siya pero alam naman niyang hindi naman niya tunay na makukuha ang puso nito.
Hindi naman nila napag-usapan nang sumunod na araw ang tungkol sa pag-alis ni Jethro. Itunuloy pa rin nila ang paghahanda sa kasal nila na gaganapin na eksaktong tatlong araw mula ngayon.
Nagising siyang punum-puno ng guilt katabi si Kianna. The woman asked him to make love to her last night, pero hindi niya totoong ibinigay ang puso niya. Ngayon niya nararamdaman ang kakulangang iisang tao lang ang kayang pumuno.
Nagpunta siya duon para ipaalam dito na walang magbabago sa plano. He will still marry her pagkatapos ma-annul ang kasal nila ni Jill. He can never abandon Kianna dahil naging mabuting girlfriend ito sa kanya. Hindi naman niya inakalang ganoon kadali niyang mapapatawad si Jill hindi pa man ito nagpapaliwanag sa lahat ng nangyari sa kanila noon.
Wala rin naman sa plano niya ang maging maligaya sa loob ng konting panahon na magkasama sila sa Villa de Alonzo. Ngayon, hindi na siya sigurado kung paano pa aayusin ang lahat. Pagkagising ng babae sa tabi niya, lumayo siya dito nang akma siya nitong hahalikan. “Wait. Why?”
“I lied to you. Kianna. I want you to listen carefully. I am marrying someone else.”
“Is she your ex?” hindi siya nakasagot. “Jeva told me before I arrive here. I have all the right to get mad at you but I can’t.”
“I’m sorry.”
“Do you have any plans on letting me know at all or you just wanted to make me believe that everything is alright between us?”
“I am about to tell you. I didn’t mean this to happen.”
Tumango ito. “Do you love her?”
“We have a child so-”
“I am asking you. Do you love her?”
“Y-Yes.”
Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot. Ngunit hindi ito umiyak sa harap niya. Tahimik lang itong nagbihis. “Thanks for the last night. I won’t ever see your face again. If you can’t broke up with me. I will do it for myself.”
Pagkasabi noon ay umalis na ito.
Nagmamadaling nagbihis siya at sinundan ito.
KASALUKUYANG nasa ospital ang Lola ni Jethro at ang kapatid nito habang silang mag-ina, naglalaro sa gilid ng pool. Wala pa rin si Jeth. Mabuti na lang at may nag-aasikaso pa rin sa kasal nila kahit na wala silang dalawa.
Kung sakali mang hindi na matutuloy iyon, siya ang pinakamalulungkot. Alam naman talaga niya sa sariling hindi niya kayang kalimutan si Jeth. Ito pa rin ang nasa puso niya hanggang ngayon. At kung kakailanganin na naman niya itong palayain para sa ikaliligaya nito, gagawin niya ulit. Kahit masakit. Kahit mamatay ulit siya.
Maiintindihan naman siguro siya ni Jiana paglaki nito.
Sa ngayon, habang may oras pa sila kasama si Jethro, hahayaan na niyang ma-enjoy ‘yon lahat ng anak niya. “Mommy look, liligo siya kasi may date sila netong boy na Barbie tapos aalis sila kasama ‘yung baby. Saan ko sila lalagay, Mommy?”
“Dito na lang anak.” Inabutan niya ito ng plastic cart na may gulong.
“Ma’am Jill. May mga tao po sa sala. Hinahanap ka.”
Nagtatakang sumunod siya sa katulong karga ang anak niya, mahirap nang iwan ito sa tabi ng pool baka mahulog na naman.
Nagulat siya nang makita si Andrew na nakaupo sa sofa kasama ang isang assistant nito at isang body guard. Si Andrew ang Pinoy na manager ni Jethro.
“Kita mo nga naman, maganda ka pa rin talaga.”
“Ano’ng ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito kami?”
“Maraming paraan para makarating sa akin na bumalik ka na naman. Pinaalis na kita sa buhay niya diba? Bumalik ka na namang linta ka!”
Para siyang biglang nahila sa nakaraan nang marinig iyon.
Hindi niya alam ang gagawin nang puntahan siya ni Andrew sa bahay nang gabing iyon. Wala pa si Jeth dahil sa stunt training nito para sa isang action-teledrama na gagawin nito. Mula nang pakiusapan siya ng mga pinsan niyang lumipat na ng bahay dahil sa lumalaki na ang pamilya ng mga ito, si Jethro na ang mismong nag-offer na duon na siya tumira sa condo nito.
Hindi naman na siya nakapagreklamo dahil wala naman siyang ibang matatakbuhan. Ang problema, dahil pag-aari iyon ni Andrew, kapag nagagawi ito duon, palagi na lang siyang pinagdidiskitahan. Tulad sa araw na iyon.
“Naglinis ka na ba?” tanong nito nang mailapag na niya ang isang baso ng juice at platito ng chocolate cake.
“O-Oo.” Ni hindi niya magawang maupo dahil ipinaparamdam nito sa kanyang dapat siyang mahiya sa bahay na ‘yon.
“Mabuti naman. Alam mo, medyo nakakasikip ka na dito sa bahay na ‘to eh. Baka lang naman pwede ka ng maghanap ng ibang matutuluyan. Hindi porque girlfriend ka ni Jethro ay aabusuhin mo na ang kabaitan niya sa’yo. Saka nang dumating ka dito, naging masyado na siyang relax sa trabaho. Wala na siyang ibang bukam-bibig kundi ang magiging kinabukasan niyo. Paano naman siya? Alam mo bang pangarap niyang maging sikat para ipamukha sa Tatay niya na mali ‘yung gagong ‘yon sa pang-iiwan sa kanila?”
Hindi siya umimik. Alam na alam niya ang bagay na iyon kaya nga todo ang soporta niya sa nobyo dahil gusto niya ring may mapatunayan ito sa lahat.
“Nang dahil sa’yo, marami na siyang tinatanggihang offers. Paano siya makakarating sa Hollywood? As you know Amerikano ang Papa niya. He needs to conquer US.” Sa inis ng lalaki, tumayo ito para duruin siya. “May mga natatanggap na akong movie offers para sa supporting roles. Kapag pati ‘yon, tinanggihan niya, mananagot ka sa akin. Marami na akong nagastos para sa mga projects na tinanggap ni Jethro. Hindi niya pwedeng i-terminate ng maaga ang kontrata niya ngayon lalo pa’t may mga na-oohan na akong international offers. Pu-pwede ko siyang ipakulong! Hindi ang tulad mo ang magpapabagsak sa akin. Kaya kung talagang mahal mo si Jethro, iiwan mo siyang linta ka!”
Sa totoo lang takot siya sa lalaking ito kaya naman ipinaubaya na muna niya si Jiana sa katulong. Ni hindi rin naman makaimik iyon dahil takot din ito sa lalaki.
“Hindi ako ang may gustong bumalik. Ang Lola ni Jeth ang nakiusap na dumito kami ng anak ko.”
“Sumasagot ka na ngayon? Ano ba ipinagmamalaki mo? Ikakasal na kayong dalawa? Hindi mo ba alam na may fiancée na si Jeth?”
“Alam ko.”
“Pero, sadyang makapal ‘yang mukha mo kaya makikiagaw ka? Diba, may iba kang boyfriend nung iwan mo si Jeth? Baka naman ipinapaako mo lang sa kanya ‘yang anak mo?”
“Ikaw sumusobra ka na ah! Pwede mo akong pagsalitaan ng kung anu-ano, pero ‘wag ang anak ko!”
“At talagang matapang ka na. Sige, see for yourself.” May inilapag itong brown envelope na iniabot ng assistant nito. “Magkasama pa rin sila hanggang ngayon ni Kianna. Sa tingin mo ba talaga, itutuloy pa rin niya ang kasal?” tumawa ito. “Masyadong mataas ang pangarap mo. Ano bang sinabi ko sa’yo noon? Pinaglalaruan ka lang ni Jeth. Having his child will never make any difference.”
Hindi niya alam kung bakit siya na-curious at tiningnan pa rin niya ang mga pictures. Naroon ang mga kuha ni Jeth at Kianna nang magkasama. Magkahawak-kamay ang mga ito. May kuha din na naghahalikan ang dalawa bago pumasok sa isang hotel.
“Kilala mo ba siya? Siya si Kianna Vera Soriano. Sikat siyang vlogger na nagtuturo ng mga dance covers sa internet. Galing siya sa mayamang pamilya at kahit kapiraso lang magsuot ang babaeng ‘yan, edukada siya. Sa tingin mo, sino sa inyo ang mas pipiliin ni Jeth?”
Hindi na siya sumagot. Hindi na rin kailangan pang sabihin sa kanya ni Andrew ang dapat niyang gawin. Alam naman na niyang sa simula pa lang na palabas lang ang kasal nila. Baka nagdesisyon na rin si Jethro na ipakilala si Kianna sa Lola nito para matapos na ang gulong iyon.
Mabuti na rin siguro iyon dahil habang tumatagal, lalo siyang nahihirapan na tanggaping magkaiba na ang buhay na tinatahak nilang dalawa. Isa pa, kung mananatili lang silang mag-ina duon, baka mahirapan din ang Lola ni Jethro na tanggapin ang nobya ng apo.
Nagmadali siyang mag-alsa balutan at humingi ng tulong kay Bianca na sunduin silang mag-ina sa terminal ng bus.
Naglalakad na sila sa labas ng gate nang magsimulang magtanong si Jiana. “Mommy, saan tayo aalis?”
Hingal na hingal na siya sa paglalakad dahil karga pa niya ito. Hindi na niya pinadala dito ang mga bago nitong gamit dahil tiyak naman na kukunin ulit si Jiana ni Francisca pagkatapos niyang mag-iwan ng mensahe sa katulong para rito. “Anak, uuwi na muna tayo.”
“Sa bahay nila Lola ‘yung house naten, diba?”
“Jiana, babalik na tayo sa old house. Diba nanduon ‘yung mga kalaro mo? Saka hindi mo ba namimiss si Ninang Bianca?”
“Namimiss po.”
“Good. Kailangan na nating bumalik kasi madami ng spider sa bahay. Ang tagal na nating nawala. Bibisita ka naman dito sa house ni Lola eh.”
“Paano kasal mo kay Daddy ko?”
Hindi siya nakasagot. Hindi niya pa naiisipan ng palusot ang bagay na iyon.
“Mommy, baka ma-late ka sa church!”
“Anak, makinig ka kay Mommy. Busy si Daddy kaya sa susunod na kami ikakasal. Kailangan na nating umuwi anak dahil ngayon lang tayo may chance na umuwi. Tara na.”
Wala naman itong nagawa nang makasakay na sila sa tricycle na napara niya.
PAGKATAPOS ng mahabang oras ng biyahe, nakarating na rin sila sa bahay nila sa Marikina. Pinigilan siya ni Bianca bumaba. “Ngayong tulog na ang anak mo, magkwento ka muna. Kapag pumasok tayo sa loob, marami kang maiisip na dahilan para iwasan ang mga tanong ko.”
“Biancs, sinabi ko na sa’yo. Wala akong ikukwento kasi wala namang masyadong nangyari duon. Para lang kaming nagbakasyon ni Jiana. Malaki bahay nila. Maganda ang Lola sa tuhod ni Jiana. As usual, ganoon pa rin si Jeva. Ano bang dapat mong malaman?”
“Pinaalis ka ba ni Jethro?”
“Hindi. Wala siya. Nasa Maynila siya dahil dumating ‘yung girl friend niya.”
“What? Imposible!”
Napakunot ang noo niya. “Paano magiging imposible ‘yon? Baka nga nasa bahay na ‘yung dalawang iyon, nagpapaalam na sa Lola niya. Wala na akong lugar duon.”
“Paano ang anak mo? Tatanggalan mo din siya ng lugar sa buhay ng pamilya niya?”
Umiling siya. “Hindi ganoon ‘yun. Sinabihan ko naman ang Lola ni Jeth na pwede niya pa ring puntahan si Jiana sa akin. Hindi ko naman ipagdadamot ang anak ko sa kanila.”
“E paano ka. Paano naman ‘yung nararamdaman mo?”
Hindi siya agad nakapagsalita. Agad siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang dibdib gawa ng iyak na hindi niya mailabas. Nang akbayan siya ni Bianca, duon na siya nagsimulang humagulgol. Tinanggal nito ang seatbelt na nakakabit sa kanila saka siya nito niyakap ng mahigpit. Ayaw na ayaw niya talaga ‘yung may nakakakita sa kanyang umiiyak kaya gamit ang dalawa niyang palad, tinakpan niya ang kanyang mukha.
“Sige na, iiyak mo na ‘yan.”
“Dapat kasi hindi na lang ako pumayag na sumama sa Villa nila. Sana nanahimik na lang kami dito ni Jiana. Kung hindi ako bumalik sa buhay niya, edi sana hindi ko na kailangang pagdaanan ulit ‘to. Bakit ba hindi na lang ako nakuntento?”
Naririnig niyang umiiyak na rin si Bianca. “Hindi mo naman kasalanan. Nagmahal ka lang.”
Natawa siya. “Sa taong hindi ko pa talaga dapat mahalin. Magkaiba kaming dalawa. Pwede naman akong magmahal ng iba, bakit siya pa!”
Itinigil niya ang pag-iyak saka pinunasan ang mga luha. “Matagal na siyang naka-move on, Bianca. I think I need to do the same.”
Iyon na ang huling beses na iiyak siya dahil kay Jethro. Ayaw na niyang bigyan ang sarili ng rason para masaktan. Tama na ‘yung ilang beses na siyang umiyak para dito.
Huminga siya ng malalim bago lumabas sa kotse ni Bianca. “Thank you ha. Hindi ko alam kung paano kami mabubuhay ni Jiana nang wala ka?”
Ngumiti ito. “Mag-jowa ka na lang kasi ng iba. Siguro dapat ka ng magpaganda para makahanap ka na ng ibang jojowain.”
Naihiling niya na sana ganoon nga lang kadali iyon.
BINABASA MO ANG
Just One Day [Completed]
FanfictionWala siyang ibang hinangad kundi ang kabutihan ni Jethro. That's her number one priority. Kaya nga she did everything she could to save his failing stardom. She walked away from him and started her solo life as a mother. Akala niya tahimik na ang...