Kabanata 5
PRESENTATIONANG SABI ni Rheylan ay susundin daw siya nito pagkatapos ng klase pero tinakasan niya. Masaya siyang napatalon sa bahay at pinatay niya ang phone para hindi siya matawagan nito at para makapag-aral din siya buong magdamag.
Kinabukasan ay masaya siya nang walang anino ni Rheylan ang nakita niya pagkapasok niya sa school. Wala rin itong text kahit isa sa kanya kinaumagahan. Nakipaghigh-five sa security.
"Good morning, Kuya!" she greeted cheerfully.
"Good morning, Care. Ang ganda ng mood, ah?"
Ngumiti siya at inilagay sa likod ang kanyang kanang kamay, ang kaliwa ay yakap-yakap ang laptop.
"May naghahanap po ba sa akin?"
"Wala naman. Bakit?"
"Nice! Sige po, papasok na po ako. Babye!"
Tumakbo siya at dire-diretso na sa destinasyon. Maganda ang gising niya at masaya siya. Sana ay tuloy-tuloy na rin iyon para good mood din siya mamaya sa work emmersion niya sa hospital.
Ang usapan nila ng kagrupo niya ay diretso sila sa faculty para ihanda ang presentation ng kanilang research. Nagrequest ang faculty na magkaroon ulit sila ng last presentation para sa pagsasala bago ang presentation sa Manila Research Congress.
"All's ready?" tanong ng leader nilang si George.
"Ready na."
Nasa faculty na ang ibang SHS teachers. Ang iba'y may kanya-kanyang klase pero ang ibang wala ay nanonood din sa kanila. The three mentors are now ready to judge pero hindi pa sila makapagsimula dahil sa isang bakanteng upuan, katabi sa mga mentors.
"Let's just wait for a while, okay lang ba? May hinihintay pa tayong isa." anang teacher nila sa Practical Research.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang hinihintay at pinaka-hindi inaasahang bisita ni Care.
"Good morning. I'm so sorry for being late, Ma'am, Sir."
Napalingon silang lahat sa pinto at gayon na lamang ang gulat niya nang makitang si Rheylan ang naroon. Hindi niya maipaliwanag ang itsura ng paninigas niya sa harap ng mga panel.
Shit! Anong ginagawa niya rito? Anong... anong late ang sinasabi niya?
"Rheylan, good morning."
"It's good to see you, Rheylan. Halika at umupo. Hindi ka naman late dahil nag-aayos pa ang presenters natin."
"Maraming salamat po,"
Nanatili siyang gulat habang pinagmamasdan ang bagong dating na nakikipagkamay sa mga mentors. Kitang-kita niya sa mata ng mga guro ang respeto't paghanga sa binata. Everyone's smiling and the environment immediately turned lighter than the usual, just after Rheylan came in the picture.
Umawang ang bibig niya. Narinig niyang naghahagikhikan sa gilid ang kanyang mga kaibigan.
"Hoy, si Rheylan nga? Oh my god! Siya pala ang hinihintay na isa pa!"
"Ang gwapo naman! Di ako makapagfocus. Sulyap pa lang niya, nanginginig na ako sa kilig!"
Napalunok si Care nang magtama ang tingin nila ng binata. Pakiramdam niya'y bigla siyang natunaw lalo na nang mahuling nakatitig ito sa kanya, seryoso at malalim.
Halos hindi siya makapaniwala. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Kanina lang ang saya ko dahil akala ko wala siya tapos ngayon...
Nakatitig lang siya kay Rheylan na noo'y nakaupo na sa vacant chair. He looks so handsome and neat with his white dress and brown khaki pants. Nawala lang ang titig niya sa binata nang mag-anunsyo ang kanilang head.
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Teen FictionHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...