Kabanata 28
ALAGA"CARE, I NEED help..."
"Tss. Ano na naman? Busy ako ngayon, nako! May tinatapos akong portfolio,"
"Ah, ganoon? Kung nandiyan lang ako sa harap mo, pinagpupunit ko na 'yang portfolio mo."
Natawa si Glysdi at pabirong umirap. Inipit niya sa pagitan ng kanyang balikat at ulo ang cellphone habang abala sa portfolio.
"Hirap na hirap ka na ba kaya kailangan mo na ng tulong ko? Aba, may bayad."
"Gaga! Si Kuya Kirt, mas lalong tumaas ang lagnat. At kahit anong pilit nina Tita, wala talagang balak magpahospital. Oh ano? May bayad pa rin?"
Napawi ang kanyang ngiti. Natigilan siya at naibaba ang portfolio. Hinawakan niya nang maayos ang phone para marinig nang mas malinaw si Krishna.
"Bakit? Ano raw nangyari?" she asked worriedly.
"Ayaw talagang magpahospital. Ayaw din magpacheck-up. Ipagpapahinga na lang daw niya. Napakatigas ng ulo kaya kailangan ko ng tulong mo."
Agad siyang ginapangan ng takot at pag-aalala. She swallowed hard and despised her portfolio so she could listen properly. Malakas ang hampas ng kaba sa dibdib.
"Krishna... This is getting serious. Ilang araw na ba ang lagnat 'yan? He needed to be check right ahead, please... Baka kung anong mangyari sa Kuya mo."
"Kaya nga, eh. Pinilit na nga namin. Kahit kay Carilyn, ayaw magpakumbinsi. Mabuti na lang at wala ang pinsan mo rito ngayon. Ayokong siya ang nag-aalaga kay Kuya Kirt. Pakiramdam ko mas lalo niyang pinapalala ang sakit ni Kuya."
"Hindi ba siya umiinom ng gamot? O kahit asikasuhin man lang siya oras-oras ng mga katulong niyo kapag wala si Ate? Krishna, this is alarming. Huwag mo naman akong pag-aalahanin ng ganito."
"Of course not. Nag-aalala rin kami naman kami ng sobra. Mainitin ang ulo ni Kuya Kirt kapag nagkakasakit. Tapos ngayon, kahit nagkakasakit ay kilos siya ng kilos. Hindi siya mapakali kapag walang ginagawa kaya iyon siguro't na-drain ang lakas. Ayaw niyang magpapasok ngayon sa kwarto. Hapon pa pumupunta rito si Carilyn dahil ang dami niya yata niyang hahabulin na lessons dahil sa missed days niya noong nahospital siya. Ako lang rito ngayon at wala akong alam. Hindi siya nagpapapasok ng mga kasambahay."
Napapikit siya at nabalot lang mismo ng pag-aalala.
"Right now, his fever is really getting worser. Ilang beses ng nagpadala si Tita ng family doctor pero tinataboy niya. We don't know what to do anymore. Nag-aalala na sina Tita."
Nasapo niya ang noo. "Pilitin niyo, please. Pagalitan niyo hangga't maaari. Hindi pwedeng hindi siya magpadoktor."
"That's why I'm asking your help right now. Puntahan mo siya rito at baka makumbinsi mo."
"Ano?" matamlay siyang natawa sa sinabi nito. "Ako pa talaga ang inaasahan mong kumbinsihin siya. Wala akong magiging silbi. Hindi 'yon susunod sa akin. Itataboy lang ako noon."
"May tiwala naman ako sa'yo. Naniniwala akong pakikinggan ka niya kaya kumbinsihin mo siya."
Umiling siya. She's sure Rheylan won't like seeing her again. Baka lalagnatin lang lalo ito kapag muli siyang magpapakita.
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Teen FictionHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...