Kabanata 15
SAGOT"NOW BABY, where's my gift?"
Glysdi couldn't help but feel weak as Rheylan held her gently. Tila nilulukumos ang puso niya. Suminghap siya at pinilit ang sariling huwag lumuha.
"Nasaan ang regalo ko?" he asked again.
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang namumungay na mga mata ni Rheylan. She stepped closer and slowly, she wrapped her arms around his neck. Hindi na siya nagdalawang-isip sa gagawin. Agad niyang siniil ng halik ang namumula at nakaawang na labi nito.
Rheylan stilled in surprise. Kumapit siya sa leeg ng binata at diniinan pa lalo ang halik. Para siyang lumulutang nang maramdaman ang walang kasinlambot na labi nito. Kakaibang pintig ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib. She couldn't explain the feeling of kissing the man she loves, for the very first time.
Unti-unti siyang lumayo mula sa halik. Nagulat siya nang hinila ni Rheylan ang beywang niya at siniil siya muli ng malalim na halik sa labi. Mariin siyang napapikit sa agresibong halik nito. Tila ito bulkang sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng kabog nito.
Rheylan titled her head, encouraging her to response to the kiss. Ang mariin ngunit marahan nitong halik sa kanya ay hinihikayat siyang gumanti. Slowly, she opened her mouth. Rheylan immediately took the chance to deepen the kiss. Papaling-paling ang ulo nito habang sinisiil siya ng malalalim na halik. Sunod-sunod ang atake. Hindi siya nito pinapayagang kumawala sa halik kahit kaunti.
Tumigil lang itong atakihin ang labi niya nang pareho silang naubusan ng hangin. Hinihingal na isinandal ni Rheylan ang noo nito sa kanya, ang mga kamay ay nasa kanyang ulo at beywang. Habol-habol din niya ang hininga habang nangunguyapit sa leeg nito. Patuloy sa paghuhurumentado ang kanyang dibdib at nasisiguro niyang sa tahimik ng gabing ito'y naririnig ng binata ang tibok ng kanyang puso.
"You kissed me..." he pointed, still panting.
Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang noo. Napapikit na lamang siya.
"What's the meaning of this, Care?" anito na idiniin pa lalo ang kanyang katawan.
Nanuyo ang lalamunan niya.
"Ang sabi mo, hahayaan mo lang akong halikan ka kapag sinagot mo na ako. Ngayon lang, hinayaan mo ako." punto nito sa tila nawawalang boses. "Is this mean, you are mine now?"
Asang asa ang tono ng boses nito. Napalunok siya at nanatiling walang imik.
"Come on, Care. Speak, please..."
"S-Sandali."
"Are you answering me just by stealing kiss?"
"Wait lang."
"Are you mine now, hmm? Are you mine?"
"Sinabi na kasing sandali lang!" mahinang sigaw niya.
Kabadong-kabado pa siya at hindi pa niya mahagilap pabalik ang kanyang huwisyo. She closed her eyes tight.
"Look at me." He demanded.
"T-Teka lang."
"Look at me, Care."
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Novela JuvenilHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...