Kabanata 17
BREAKIT WAS STILL hard to believe. Hindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi na ganito ang mangyayari sa first meeting niya ng buong pamilya ni Rheylan. She thought this night will ended peacefully. How did it happen that she was being thrown in just a tick snap?
"Care, wait..."
Tuloy-tuloy ang lakad niya. Tuluyan na siyang nakalabas sa mansion at kasalukuyan ng naghahanap ng tricycle. May nag-uudyok sa kanyang umiyak pero ayaw niyang bumuhos iyon sa harap ng humahabol niyang nobyo. She continued walking until Rheylan caught her hand and turn her around.
"Care... Mag-usap tayo, please..." anito sa natatakot at nagsusumamong boses.
Her tears wanted to fall so bad. Huminga siya nang malalim at iniwas ang tingin dito.
"A-Anong pag-uusapan natin?"
"Hear me out..."
"Hindi ko maintindihan, R-Rheylan." aniya, garalgal at basag ang boses. "Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng Mommy mo pagkatapos kong sabihin na magmemedisina ako. Anong mali? Bakit?"
Pumikit ito at inipit sa mga kamay ang kanyang pisngi. "I'm sorry... I'm so sorry, Care. It wasn't your fault. Ako ang may kasalanan. Please, forgive me."
"Bakit sila galit sa akin? Bakit ganoon nila ako tratuhin? Sinabi ko lang naman na magmemedisina ako! Bakit parang mali na pinangarap ko 'yon?"
"No. No. It's not wrong. I'm sorry. I'm going to fix this one. Please stay for a while, please please."
Umiling siya at pinahid ang luha. Kinalas niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi. Rheylan looked at her with fear when she started to step back.
"Ipaliwanag mo sa akin." aniya at nilunok ang nagbara sa lalamunan. "I-Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ganoon."
"You wouldn't leave me, right?" May bahid na takot ang garalgal na boses nito. "You'll stay to me?"
"Ipaliwanag mo sa akin, Rheylan."
"Promise me, first. You'll stay with me. Hindi mo ako iiwan."
"Ipaliwanag mo sa akin!" galit na sigaw niya, mangiyak-ngiyak at nasasaktan. "May karapatan akong malaman ang nangyari dahil ako ang itinaboy na hindi man lang alam ang rason kung bakit! Maayos akong pinapasok pero ipinalabas akong masama! Hindi ko maintindihan 'yon kaya ipaliwanag mo sa akin!"
"Calm down, please... I'll tell it to you. I'll tell it. Don't shout, baby."
"Kung ayaw mong sabihin, bahala ka na! Uuwi na ako!"
"S-Sandali. I'm sorry."
He swallowed hard and tried to reach her face but she throws his hand away. Dumaan ang kirot sa mga mata ng kasintahan.
"Care..."
"Sabihin mo sa akin!"
Pumikit nang mariin si Rheylan.
"M-My family hated medicine." He started with shaky voice.
Pinigilan niya ang pagsinghap upang makinig dito.
"It started when my grandmother, Rosalinda Alameda, died due to the failure operation by a mad doctor. Sumalang sa isang operation ng heart transplant ang lola ko, but because of that cardio-surgeon, nag failure ang operasyon. Our family felt an extreme despair for losing our beloved light of the legacy. Maraming nagbago sa buhay namin pagkatapos mawala ni Lola. Si Lolo nagkasakit nang lubos dahil sa pagkamatay ni Lola. He became out of his self that resulted to his heart failure too. Madalas na siyang inaatake at dahil doon, bumagsak ang Alameda Farm nang hindi niya na-i-manage ng maayos."
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Fiksi RemajaHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...