Hiram 7

249 8 2
                                    


Kabanata 7
PANGHIHINA

WALANG REAKSYONG naupo si Glysdi sa upuan ng guidance office. Nauna siyang pumasok sa loob kaya siya ang unang nakaupo. Ilang sandali pa ay pumasok na si Jona na inalalayan ng mga tatlong apolores nito kasunod ang security guard at head ng SHS.

Umiiyak pa rin si Jona. Magulo na magulo ang buhok nito at kitang-kita niyang namumula ang pisngi. Nagtagis ang bagang niya at malamig na tiningnan ito. Namaluktot ang dalaga at takot na nag-iwas sa kanya.

Huwag ka kasing wrong timing makipag-away. Nabuburyo na ako sa pagmumukha mo.

"I can't believe this! Ayan! Ayan ang nagsipag-eskandalo sa corridor! Para kayong mga bata, Miss Montilla and Miss Rivera! Pareho kayong mga mahilig makipag-away!"

Bumuntong-hininga si Mr. Aligado, ang guidance counselor ng SHS. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila.

"Anong nangyari? Can one of you tell me what exactly happened at bakit nahantong kayo sa pisikalan?"

Hindi siya kumibo. Hikbi lang din ang naririnig niya mula kay Jona. Nanginginig ang mga apolores pero may isa pa ring naglakas-loob na sumagot.

"Naglalakad po kami noon sa corridor t-tapos... bigla kaming nagkasalubong ni Care." panimula nito.

Magtatanong na sana ang counselor nang biglang sumabat ang security.

"Ah, Sir... Sandali lang po." anito at lumapit para bumulong sa counselor.

Natigilan ang counselor at napasulyap sa labas ng guidance. "Papasukin mo."

"Sige po," Tumakbo ang security guard sa pinto at narinig niya ang sinabi nito. "Sir Rheylan, pasok daw po kayo."

Glysdi Care expected her body to react but she remained calm. Siguro dahil drained na siya at gusto na lang niyang matapos ang pag-uusap. She's actually scared of what will happen next, lalo na kapag nakarating ito sa kanyang mga magulang pero pakiramdam niya'y wala na siyang lakas. Naninikip ang kanyang dibdib at parang pinipiga iyon sa sakit.

"Good morning po, Sir, Ma'am." she heard Rheylan's greet.

"Good morning, Rheylan. Umupo ka."

"Okay lang po. I'll just stand here."

Naramdaman niyang naglakad sa likod niya ang binata. Hindi siya nito hinawakan o pinakialaman. Nanatili lang talaga ito sa kanyang likod. Hindi niya kayang lingunin ito kaya nanatili ang walang lakas na mga mata niya sa table ng counselor.

Tiningnan niya si Jona at nakita niyang humihikbi ito. Pabalik-balik din ang sulyap ng mga apolores niya sa binatang nasa kanyang likod. Nagtagis ang bagang niya at ikinuyom ang kamay na namamanhid sa hampas kanina.

"Let's continue. Jessie, ipagpatuloy mo ang sasabihin mo."

Nagulat pa ang babae sa sinabi ng counselor, hindi yata inaasahang sa kanya pa rin magsisimula ang testimonya. Yumuko ito at nagpatuloy habang nanginginig ang mga kamay.

"K-Kasalanan din po kasi 'yon ni Care. N-Nakaharang kasi siya sa daraanan."

Walang reaksyon siyang napatitig sa babae.

"Tapos... Tapos po no'ng... no'ng tinanong siya ni Jona, bigla po siyang n-nagalit at itinulak ang k-kaibigan namin."

"Ayusin mo 'yang testimonya mo kung ayaw mong sumunod ka diyan sa amo-amohan mo." malamig niyang usal dito.

"Ms. Montilla, tumahimik ka muna." pigil sa kanya ng guidance counselor.

Tumahimik siya pero hindi niya inaalis ang malamig na tingin kay Jessie na hindi makatingin sa kanya.

Sandaling Hiram (Alameda Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon