Kabanata 26
PALIWANAGHINDI ALAM ni Glysdi ang magiging reaksyon nang makitang tumatawag ang pinsan niyang si Carilyn. Ilang araw na silang walang komunikasyon ng dalaga kaya laking pagtataka niya sa biglaan nitong pagtawag.
"Who's calling?" tanong sa kaniya ni Krishna na kasama niyang nananghalian sa araw na iyon.
Napalunok siya at hindi makasagot. Kabado siya habang sinasagot ang tawag ng pinsan.
"H-Hello, Ate?"
"Hello, Care? Nasaan ka?" kaswal na sagot nito sa kanya.
Krishna shifted on her seat. Itinuon ni Glysdi ang atensyon sa dalagang nag-aabang sa kanyang reaksyon. "Nasa school, Ate. Bakit?"
"Are you free later?"
"Later?"
"Yup. Mamayang gabi for dinner."
Napangiti siya. "Yayayain mo ako?"
"Oo naman. Ayaw mo ba?"
"Gusto, syempre." Tumawa siya. "Pupunta ako. Anong oras ba?"
"Uhm, 7pm? Basta dinner time. Dito sa bahay ni Rheylan."
Unti-unting napawi ang ngiti niya. "Sa bahay ni Rheylan?"
"Anong sa bahay ni Kuya?" Krishna whispered.
Umiling siya at sinenyasan itong huwag sumabat. Carilyn continue speaking.
"Yes. Darating kasi ang mga parents niya. Wala nga lang ang mga pinsan pero okay lang din. Meeting with parents naman ang importanteng mangyari mamaya."
"Meeting... with parents?"
"Oo. Dadalo rin sina Mommy at Daddy. Actually, ang Mommy ni Rheylan ang nagset ng dinner mamaya. We'll grab that chance to tell the truth about us later."
Nanatili siyang lito. Hindi niya makuha ang ibig sabihin niyon.
"Ate... Ano bang meron mamaya?"
"You don't know?" nagtataka nitong tanong. "Ah, sorry. Hindi ko ba nasabi? Ipakilala ko na mamaya si Rheylan kina Mommy at Daddy as official boyfriend ko. Ah, nasabi ko na pala kanina kaya sa parents na lang kami ni Rheylan magpapakilala mamaya. Ipapakilala rin ako ni Rheylan sa parents niya as his girlfriend kaya dapat nandoon ka, ah? Gusto rin kasi ng Mommy ni Rheylan na naroon ka mamaya. She wants to personally thank you for making this work for us."
Natahimik siya. Biglang nanlamig ang tiyan niya at pakiramdam niya'y biglang nawalan ng laman iyon kahit katatapos lang naman niyang kumain.
"G-Ganoon ba?"
"Yup. Punta ka, ah? Aasahan kita mamaya!"
Nanginig ang labi niya kaya minabuti niyang kagatin iyon. Nagbaba siya ng tingin sa mesa. "S-Sige. I'll come."
"Thank you, Care. I love you!"
Namamanhid siyang ngumiti at marahang nagsalita. "Iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin?"
"Actually, I also want to say sorry for everything too. Nagkamali ako no'ng pinagsalitaan kita nang masama. I'm really sorry. Alam kong may dahilan kung bakit mo inilihim sa akin 'yon at sana ay iyon ang inintindi ko. Pasensya ka na. I was just blinded with anger."
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Genç KurguHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...