Kabanata 20
KASALANAN"YOU'RE LYING."
"I'm not." seryosong usal ni Carilyn sa hindi makapaniwalang binata. "Nagsasabi ako ng totoo. Ako ang totoong Care na nakatext mo for five months. Si Glysdi lamang ang inutusan kong makipaglita sa'yo no'n dahil naging busy ako sa internship ko. I thought sasabihin niya rin sa akin na ikaw at si Kirt ay iisa but to my disappointment, ngayon ko pa lang nalaman. Inilihim niya sa akin dahil naging selfish siya. Kung noon ko pa nalaman ang lahat ng ito, ako na sana ang nakasama mo, Rheylan. But Care hid it from me for too long."
Rheylan heaved a sigh. Hindi sigurado si Care kung naniniwala ba ito sa sinasabi ng kanyang pinsan pero hiniling niyang sana ay matapos na ang lahat.
"What is this all about, Carilyn?" kalmadong tanong ni Rheylan. "What are you talking about? Glysdi is the one I'm texting–"
"Check her phone for evidence, then. Kahit tanungin mo pa ako ng mga tinanong mo sa akin noon sa text, masasagot na masasagot kita. Ako ang textmate mo at hindi si Glysdi, Rheylan. Ako ang nagustuhan mo, hindi siya."
Nanatili siyang nakayuko nang mapansin niyang nagpunta sa harapan niya si Rheylan. Marahan nitong hinawakan ang mukha niya at inangat upang magtama ang kanilang paningin.
"Care..." He whispered gently. "What is she talking about?"
"Tanungin mo siya, Rheylan." malamig na utos ni Carilyn. "Tanungin mo siya sa lahat at nasisiguro kong sasagutin ka niya ng totohanan. Nandito ako, hindi siya pwedeng magsinungaling."
"Baby, ano bang sinasabi ng pinsan mo?"
"Sagutin mo siya, Care! Tapos na ang larong ito kaya itigil mo na ang panloloko!"
Inalis niya ang kamay ni Rheylan sa kanyang mukha. Nagulat ang binata sa ginawa niya. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito.
"Niloloko ka lang niya, Rheylan! Gustong-gusto niyang masolo ka kaya noong nalaman niyang ikaw ang textmate ko ay hindi niya agad sinabi sa akin! Traydor siya! Alam niyang gustong-gusto kita pero nagawa ka pa rin niyang agawin sa akin!"
"Care won't do that, Carilyn." tiim-bagang usal ni Rheylan.
"Eh di tanungin mo siya! Prove me wrong! Tingnan natin kung magugustuhan mo pa rin 'yang manlolokong 'yan!"
"Care..." Rheylan called her calmly. "Tell me the truth. I will only believe in you."
"Oo." diretso niyang sagot, naninigas kahit naluluha na naman sa sakit. "Tama ang sinasabi ni Ate. Maniwala ka sa kanya."
"See?!" si Carilyn. "I told you, niloloko ka lang niya!"
"Care..." masuyong tawag ni Rheylan, tila hinihintay na itanggi niya ang lahat.
Pinatagis niya ang sarili't sinalubong ang namumungay nitong tingin.
"Ate Carilyn's saying the truth. Siya ang naging textmate mo sa limang buwan. Siya ang babaeng nagustuhan mo at hindi ako. Ako ang nakipagkita sa'yo dahil miserable siya sa'yo noon. Wala siyang ibang lalaking minahal kundi ikaw lang. Hindi niya kayang ipagpalit ka sa isang limang buwang textmate lamang niya. That's why she asked me to meet her textmate. She's didn't know that it was you... and now that she knows it, come back to her."
"Ganoon lang ba kadali sa'yong sabihin iyon sa akin?" namamasag ang boses nito.
"Itigil na natin 'to, Rheylan. This was just a game for me. Ang mga pagkakataong nakasama kita ay pawang mga hiram ko lang. Ginampanan ko lang ang dapat na ginawa ni Ate Carilyn sa'yo. Hindi ako–"
"But you love me. You have feeling for me, right?" his very hopeful voice is hurting her so much.
Pero kailangan niyang manindigan. Gustong na niyang ilabas ang sarili sa lahat ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Novela JuvenilHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...