Kabanata 11
MENSAHENAGING ABALA ang parehong araw nina Glysdi at Rheylan sa sumunod na linggo. Glysdi was busy preparing for their upcoming research presentation in Manila, colleges entrance exam, scholarships, finals and some requirements while Rheylan went back to Manila to take good care of his requirements, construction sites, trainings and some important matters. Pabalik-balik ito roon kaya madalas na lang silang nagkikita nitong mga nakaraang araw.
Naging usap-usapan na rin sa school ang tungkol sa kanila ni Rheylan. May humaharang sa kanya para itanong ang tungkol doon o di kaya'y makipag-away sa kanya pero hindi na lang niya pinatulan. Mabuti na lang din ay wala na naman pang bumangga sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kay Jona noon.
"I hate you!"
Napalingon si Care nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Sumunod ang malakas na tunog ng sampal. Natigilan siya nang makita si Krishna, ang malditang pinsan ni Rheylan na noo'y galit na pinagsasapak ang lalaking kaharap.
Kumunot ang noo niya. Araw ng Linggo ngayon at kasalukuyan siyang nasa plaza para kitain ang groupmates niya. Maaga siya kaya siya pa ang naroon sa lugar.
"You're such a freaking liar! Asshole! Cheater! Napakawalang-hiya mo, Ruru! Manloloko ka!"
Krishna cried. Hindi niya inaasahang makikita niya ngayon kung paano umiyak at panghinaan ang babaeng inakala niya ay ganoon katibay. The man grabbed Krishna's elbow and throw it angrily.
"Sinabi ko na sayo, hindi ba?! Tapos na tayo! Sawang-sawang na ako sayo!"
"You broke up with me because you said you'll going back to Manila! Tapos ngayon, bigla ko na lang malalaman at makikitang nakipaghalikan ka na sa babaeng 'yan? You just broke up with me last night for freaking sake! Bakit ang bilis-bilis sayong palitan ako, Ruru?!"
"Tumahimik ka! Pagod na pagod na ako sayo, hindi mo ba maintindihan 'yon? Napakawalang-kwenta mong babae! Ilang linggo na tayo pero ni halik, hindi mo kayang ibigay sa akin!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napatitig siya kay Krishna na ngayo'y humagulhol. Parang napantig ang tenga niya roon. What a very disgusting reason!
"Ibibigay ko naman sayo 'yon e-eh... H-Hindi pa lang kasi ako–"
"That's bullshit! Hindi pinaghahandaan ang halik, Krishna! Boyfriend mo ako at girlfriend kita! Maramdaman ko man lang sanang mahal mo'ko kahit sa ganoon. You have no sweetness at all and then you're asking me the reason why I broke up with you? Are you serious?"
"I'm sorry. Please, let's go back together. I-I'll make it up to you, I promise."
Napanganga siya. What the hell, Krishna?
"Shut up, you pathetic desperate bitch!"
Napaigtad siya nang biglang sumulpot ang pamilyar na babae sa tabi ni Ruru at sinampal nito si Krishna. Krishna almost stumbled. Napahawak ito sa pisngi, natahimik at saka muling naiyak.
"You know what? Stop being so desperate! Tinagurian kang prinsesa ng mga Alameda pero bakit talong-talo kita? Hindi ba't matapang ka? You look so freaking pitiful, little girl! Akala mo seseryusuhin ka ng boyfriend ko? Loser!"
Naningkit ang mga mata niya nang makitang kaya pamilyar ang babae dahil si Jona iyon, ang babaeng nakaaway niya noon. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaking iniyakan ni Krishna at napahalakhak sa isipan.
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Ficção AdolescenteHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...