Kabanata 23
SUBUKANPAGKATAPOS mag-exam ni Glysdi at maglibot-libot sa University ay mabilis din silang lumabas ng paaralan. Hindi kasi sila pwedeng magtagal dahil kailangan pa nilang bumalik agad ngayong araw.
"Dalawang taon na tayong magkaibigan pero hindi ko pa naitanong 'to sa'yo, George. Ano bang kurso ang kukunin mo ngayong college?" tanong niya nang tuluyan na silang makalabas sa school.
Maganda ang paaralan. Kung papalaring makakapasa siya rito ay dito na siya mag-aaral. Gusto niya rin kasing ibang environment naman sa college ang nakikita niya.
"Engineering. Civil or Geodetic."
"Hindi ka pa mag-e-entrance exam?"
"Mag-eexam pa."
Tumango siya."Kumusta nga pala ang pamamasyal niyo? Isang araw lang yata kayong nakapaglibot-libot, hindi ba?"
"Oo. Umuwi rin kasi agad si Daphne kahapon. Hindi nga ako nakakapag-enjoy dahil ang ingay-ingay niya. Tumitili sa kung anong maliliit na bagay. Wala pa namang hiya."
"Hindi ka pa ba sanay do'n? Naririndi nga ako minsan sa kanya. Parang siya 'yong version 2.0 ni Angel."
Tumawa si George. Tumawa rin siya. Nasa kalye na sila nang biglang tumunog ang cellphone niya sa isang mensahe. Kunot-noo niyang binuksan iyon, binasa at napatigalgal nang makitang mula ito sa kanyang Tito Drake, Carilyn's father.
Tito Drake:
Glysdi, Carilyn's awake. Nasa Manila ka ba?Nawindang siya sa nabasa. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mabilis na nagtipa ng mensahe.
Ako:
Nasa Cebu po ako. Gising na po si Ate? Kumusta na po siya, Tito?Tito Drake:
Bakit ka nasa Cebu? Anyway, she's fine. May major requirement ang doktor sa kanya pero maayos na naman siya.Napapikit siya. Thanks God! Maayos na si Ate!
Ako:
Sige po. Uuwi po ako ngayon."George, si Ate Carilyn gising na." aniya sa pinaghalong tuwa at naiiyak na boses.
Tinitigan siya ni George. "Namamaos ka na talaga, Care." Payak itong natawa. "Sige, gusto mo ng umuwi agad?"
"Yes."
"Okay. Uuwi na rin ako. Tara na!"
Tumango siya at ningitian ito. Nagpapasalamat siyang naroon ang kaibigan para sa kanya. Hindi sila masyadong close ni George. Kaya hindi niya inakalang darating ang araw na ito ang makakasama niya sa mga pagkakataong kailangan niya ng karamay.
*. * .*
PINAGHALONG kaba at saya ang nararamdaman ni Glysdi nang makababa siya sa sinasakyang tricycle. Nakarating na siya sa hospital kung saan nakaconfine si Carilyn. Pagkalapag ng eroplanong sinakyan nila ni George ay diretso agad ang destinasyon niya sa hospital.
Bumuntong-hininga siya at malakas ang loob na naglakad. Nadatnan niyang masayang nag-uusap ang kanyang Tita Carol at Tito Drake sa nakahiga ngunit gising na niyang pinsan. Namumutla ito at halatang nanghihina pa.
Nangilid ang mga luha niya habang tinitingnan ito.
"Ate..." She called softly making Carilyn's parents stopped and glanced at her in shock.
Nawala ang maaliwalas na mukha ng kanyang Tita Carol. Bumuntong-hininga naman ang Tito Drake niya at tipid siyang ningitian.
"Ano na namang ginagawa mo rito? Sino ang nagsabi sa'yong pwede kang bumalik dito?!" pagalit na singhal ng kanyang Tita Carol sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Teen FictionHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...