TW: with slight sensitive conversation.Kabanata 18
KATOTOHANAN"AYOS KA na, Care? Ready na ang mga gamit mo?" tanong sa kanya ng kaibigang si George habang pareho silang abala sa paghahanda.
Tumango siya sa kaibigan.
"Best, ayos ka lang ba? Pangit ba ang gising mo?" tanong sa kanya si Daphne.
Kasalukuyan silang nag-aayos ngayon sa mga importanteng gamit na dadalhin nila papuntang Manila. Tomorrow will be the final presentation of their research in Manila Congress so they're prepare for their flight to Manila right now.
Umiling siya at sinimulan ng ayusin ang kanyang mga gamit sa van. Lutang ang pakiramdam niya. Tamad na tamad siyang kumilos. Pakiramdam niya'y wala siyang lakas sa panibagong araw na iyon. It's been three days since that sad dinner but until now, she's still thinking about it.
Tama si Rheylan. Ang hirap makarecover sa ganitong kulang na ang araw ko nang hindi ko siya nakikita.
Napabuntong-hininga siya.
Rheylan was true to his words. He really gave her the space she needed. Hindi ito nagpakita sa kanya sa tatlong araw na nagdaan at hindi rin siya ginugulo nito sa phone. Aminado siyang namimiss na niya ito pero kailangan niyang subukang gumising na walang Rheylan na naiisip. After all, she knew that their relationship will ended soon or maybe one of these days, kapag masabi na niya sa pinsan ang totoo.
"Teka nga pala, where's Rheylan? Hindi ka ba ihahatid no'n?" si Daphne.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umiling. "M-May ginagawa. Hayaan na natin." sagot niya.
"Best, nag-away ba kayo? Kaya ka ba matamlay ngayon?"
"Hindi." tanggi niya, naninikip ang dibdib. "Medyo pagod lang ako sa pagrereview ng presentation natin kagabi."
"Makailang beses mo ng inireview ang presentation natin, ah! Ikaw pa ang gumawa ng halos lahat ng 'yan kaya hindi mo na dapat ini-stress masyado ang sarili mo. You know all of the details!"
"Sige." matamlay niyang pagsang-ayon. "Mamaya magpapahinga na ako,"
Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga gamit hanggang sa tawagin na sila ng kanilang PR teacher para sa paghahanda.
Sumakay na sila sa van papuntang airport. She settled down beside Daphne who's staring observantly to her. Hindi na niya ito pinansin.
"Late entrance exam na sa CDU this week. May online exams sila sa page at open din kung mag-exam ng actual sa school. Kailan ka magte-take?" anito.
Isinandal niya ang ulo sa backrest ng upuan. Muli na namang piniga ang puso niya nang maalala ang dahilan ng pagtataboy ng pamilya ni Rheylan sa kanya. Hanggang ay nahihirapan pa rin siyang timbangin ang lahat.
"Susubukan kong mag-inquire online. Ikaw?" tanong niya sa best friend.
"Ako rin. Sabay na kaya tayo? Kailan ka ba pupunta sa University para makapag-take?"
"Hindi ko pa alam. After our presentation, pupuntahan ko sila Mommy. Mag-i-stay ako ng ilang araw sa bahay."
"Huh? So, hindi ka kasama sa aming mamasyal ni George? Three days ang effectivity ng excuse letter natin. One day lang ang presentation. Lubos-lubusin na natin, best! Ayaw mo bang mag-enjoy na muna?"
Tamad na umiling lamang siya. "Baka hindi na ako makadalaw sa kanila kapag namasyal pa ako. They're busy so I need to catch them."
"Okay, sabi mo, e! Basta sabay na tayo magtake ng exam, huh? Huwag kang mang-iiwan kundi friendship over na tayo!"
BINABASA MO ANG
Sandaling Hiram (Alameda Series #1)
Teen FictionHindi kailanman sumagi sa isip ni Glysdi Care ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala siyang interest sa mga ito. Not until when she was asked by her cousin, Carilyn, to meet her five months textmate dahil hindi nito kayang ipagpalit si Rheyl...