Chapter 8

3.7K 105 0
                                    

DAYNE POV


Nakapag shower at nakabihis na ako lahat lahat hindi parin ako mapakali, ginugulo ng isip ko yung nangyari kanina.. Yung babaeng humalik sa akin! Sigurado akong isa itong babae sa boses palang at sa naaninag kong pigura ng kanyang katawan. Gosh!! Hindi ko na mabilang kong ilang beses ko nang hinawakan ang aking mga labi at napapakagat pa minsan. First time ko lang kasing nahalikan at sa isang babae pa! Iniisip isip ko pa, ganito pala yung pakiramdam ng nahahalikan ..masarap pala.. Hindi lang yun, ang bango nang hininga nya kung sino man sya at ang tamis ng labi nya..









"Argh!!!" Turan ko sabay mariin na sinuklay ang mga daliri ko sa basa kong buhok.. Kaya ba may mga babaeng nagkaka gusto parin sa kapwa nila babae. Dahil kayang kaya naman silang paligayahin, alagaan at pagsilbihan, katulad nalang ni nanay. Mahal na mahal nya si Mimi. Mahal na mahal nila ang isa't isa kahit maraming mapang husga sa paligid pinag sa walang kibo nalang nila. Hindi naman nila buhay yung buhay namin at wala naman kaming tinatapakan na kapwa namin.
Napa buga tuloy ako ng hangin. Bakit ba sobrang laki ng epekto sa akin ng halik na yun, alam ko namang napag kamalan lang ako!





Hindi talaga ako mapakali kailangan kong makita yung taong yun! Masyado na nya kasing ginugulo ang utak ko. Bigla nalang akong naka isip na bumalik sa tent ni Miss Margaux magbabaka sakali lang, gusto ko lang syang makita kong sino man sya.








Nang sinipat ko ang orasan sa phone ko mag alas dose na pala ng gabi. Bahala na.. Dala ko na ang phone ko at nagpasyang lumabas muli ng quarters ng kuya ko. Marami rami paring tao sa paligid at mga busy ang mga ito. Naglakad na ako patungo sa direksyon kung saan ang tent ni Miss Margaux, bigla naman akong sinalakay ng kaba ng sandaling yun..







Pagdating ko sa may tent mukhang wala yata si miss Margaux dahil yung PA lang naman ang nakita ko at isang matabang lalaki. Bading yata yun! Kaya lumihis nalang ako ng direksyon at hahanapin ko nalang sya.Sino ba ang hahanapin ko si Margaux o yung humalik sa akin? Bahala na nga.. Napa gawi ako sa mga matatayog na puno ng niyog,mukhang wala naman dito ang hinahanap ko kaya nagpasya na akong umalis din sa lugar.








Kaya lang napa hinto ako sa paghakbang ng may naririnig akong mga boses sa di kalayuan. Pinakinggan ko mabuti kung saan banda nanggaling yung mga boses na yun at marahan akong humakbang patungo sa mga boses. Pakiramdam ko palapit na ako ng palapit dahil lumalakas na ang mga boses ng nagsasalita.






Napa singhap ako at mabilis na kinubli ang aking sarili sa isang puno ng niyog nang nakita ko si Miss Margaux. At hindi sya nag iisa may kasama itong-








"Anong ginagawa mo dito? Diba nga nakapag usap na tayo.. Umalis ka na.. ako nalang ang pupunta sa bahay mo!" Turan ni Margaux sa kausap nitong isang babae. Sinipat ko ang kabuuan ng kausap nya bihis lalaki ito gupit lalaki din parang pormahan ni Mimi. At natutop ko ang bibig ko nang makita ko ang suot nitong jacket na may hoody.. Oh Gosh!? Sya ba yung humalik sa akin? Bakit may pakiramdam ako na hindi tanggap ng kalooban ko na sya yun! Hindi naman sa bigla akong nandiri kaya sana hindi nalang sya.. "Gaya nang pinangako ko sayo unti unti ko na syang hihiwalayan. Ikaw talaga ang mahal ko.. alam mo naman yan!! Iniingatan ko lang talaga yung career ko."






Si Miss Margaux may karelasyon na lesbian.. Gosh!! Isa itong sekreto na hindi ko dapat nalaman.. kaya lang hindi ko naman ito intensyong gawin. Hindi ko naman sinasadya ang mga nakikita ko at narinig ko.
"Paano naman ako nakaka siguro sa mga sinasabi mo Ga! Hanggang ngayon nagtitiis parin ako, naghihihintay kung kailan kitang makakasamang muli.. Binigay ko lahat ng buong suporta sayo dahil nga pangarap mo yan.." Litanya ng kausap nito. Gusto ko na sanang umalis sa lugar kaya lang hindi ko maihakbang ang aking mga paa.
Hindi na dapat ako nakikinig sa usapan nila!





"Mahal na mahal kita Ga.. Basta pagka tiwalaan mo lang ako!" Ga.. Sa pagkaka alam ko endearment yun ng mga bisaya. Pangga,palangga ganun.. Nanlaki ang mga mata ko ng kitang kita kong naghalikan silang dalawa. Gosh.. ayokong isipin na yung kahalikan ngayon ni Margaux ay yung humalik sa akin.. bigla ko tuloy naipikit ang aking mga mata..




"Uhm-" Bigla nalang may yumakap sa akin mula sa aking likuran at tinakpan ng isang palad nya ang bibig ko.. Gosh!! Sino ba ito! Hindi lang ba ako ang tao rito na nakakita sa nangyari..







"Ssshhh.... Dayne si Kelly ito!" Bulong ng taong to' sa kanang tainga ko. Bigla naman akong napa singhap ng tumama ang mainit nitong hininga sa tainga ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi parin nito ako binibitawan.nawala na sa atensyon ko dun sa dalawa kanina dahil nabaling na ito kay Kelly na naka yakap parin sa likod ko. Parang ang sarap lang sa pakiramdam.
Marahan ko namang inalis ang palad nitong naka takip sa aking bibig..







"O-okay na Kelly..." Bulong ko rito tsaka nya lang ako mabilis na binitawan.






"Tara.." Bulong nito sabay hila sa isang kamay ko. At nagmamadali na kaming umalis sa lugar.. lakad takbo ang ginawa namin habang hawak hawak parin nito ang kanang kamay ko.. Si Kelly Robles hawak ako sa kamay bakit ako kinikilig, Samantalang nung hinawakan naman ako ni Margaux kanina wala naman akong ganitong pakiramdam. Narinig ko ang pag tawa nya nang mahina ng tuluyan na kaming maka layo sa lugar at pareho na kaming hingal na hingal kaya huminto na muna kami..





Bigla naman kaming nagka tinginan tsaka biglang nagtawanan. Para lang kaming mga sira! Teka anong ginagawa ni Kelly doon kanina?
"Pasensya na kung tinakpan ko yung bibig mo kanina baka kasi magulat ka at mapatili bigla pag makita mong may ibang tao dun bukod sayo." Paliwanag nito. Yung ngiti nito sa mga labi ay bigla nalang nag laho..nang bigla nalang itong tumitig sa mukha ko.







"Hindi ko din sinasadya yung mga nakita ko kanina.. at wala naman akong balak magsalita sa nakita ko. Privacy din naman yun ni Miss Margaux at naintindihan ko sya." Wika ko habang seryoso parin si Kelly na naka titig sa mukha ko..
Pagka tapos ay bigla itong napa hugot ng malalim na paghinga.







"Eih.. i-ikaw ano palang ginagawa mo dun kanina?" Naalangan man pero nagawa ko paring itanong ito sa kanya.. Bigla naman itong nag iwas nang tingin.








"Ahm- nakita kasi kita! Magpapasama sana ako sayo na mag ikot ikot-" Bigla naman akong napa ngiti ng sandaling yun. Si Kelly Robles magpapasama sakin. Gusto ko yun! Kahit naman madalas ito sa unit ng kuya ako andun parin yung hiya ko kapag nakikita ko sya. Tapos ngayon gusto niyang samahan ko sya. "Tapos parang nagmamadali ka naman na pumunta kung saan kaya sinundan tuloy kita.". Dagdag pa nyang sabi. "Ano palang ginagawa mo doon?"








"Ahm-" Ako naman yung biglang napa tikhim. "Hinahanap ko talaga si Margaux-"






"Oh- close pala kayo?" Putol nito sa sinasabi ko.. naalala ko tuloy kanina yung bigla ding naitanong ni Margaux si Kelly.. ganun talaga siguro ang mga artista hindi close tapos nagtatanungan naman. Napa iling naman ako sa tanong nya.







"Kanina lang kami nag kakilala...." Tipid ko namang tugon. "Hinahanap ko talaga yung humalik sa akin!" Pabulong kong bigkas. Mukhang hindi naman nya naintindihan ang huling sinabi ko.










Bigla na naman nitong hinawakan ang isang kamay ko. Naguguluhan tuloy akong tumingin sa mukha niya. "Tara samahan mo ako may pupuntahan tayo.." Turan pa niya sabay hila na naman sa akin. Kung saan man yung sinasabi niya wala akong idea..









"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon