DAYNE POV
Kung si Kelly nga yung kausap nang kuya ko, bakit naman ako kakabahang makita syang muli. Kahit na hindi ako nagpaalam sa kanya at basta nalang umalis nang unit nito nung gabing yun. Siguro naman naintindihan na nya yun, nag usap na kami na pagka tapos nang gabing yun susundin ko na yung gusto nyang kakalimutan ko na sya.
Kaya naman, napa hugot ako nang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas nang kuwarto. Kunway nagtuloy na ako sa may kusina kung saan andun yung banyo. Ilang hakbang palang ako nang marinig ko ang pagtawa ni kuya Rajan sa pangalan ko.
"Huwag kanang mag luto nang breakfast may dala si Kelly na agahan." Gosh, si Kelly nga. Pasimple akong napa singhap pagka tapos ay pasimple din akong humarap sa gawi nila. Iniiwasan kong mapa baling ang mga mata ko kay Kelly. Pero traydor talaga itong mga mata ko, kaya naman nagtama ang aming mga mata.
Awtomatiko ang pagkabog nang dibdib ko nang sandaling ito.. Kaya naman kaagad akong nag iwas nang tingin, ayokong mabasa nito ang nasa isip ko..
"Ahm- okay, maliligo lang ako kuya.." Paalam ko na at nagtuloy na ako sa may kusina. Ni hindi ko magawang batiin si Kelly, ayoko din kasing mag isip ang kuya ko.Habang naliligo ako ay hindi parin mawala wala ang kabog nang dibdib ko, panalangin kong sana pagka labas ko ay naka alis na si Kelly. Pero andun parin yung pagnanais kong makita sya. Namiss ko sya sobra.
Medyo tinagalan ko na ngang mag shower.. Kaya lang paglabas ko nang banyo- nabungaran ko si Kelly na may inaayos sa may center island. Malamang yun yung pagkaing dala nito. Kaagad naman syang napa baling sa akin nang maramdaman nito ang presensya ko. Kita kong paano sya napa lunok nang sandaling ito.
Gustong gusto ko syang yakapin pero laking pigil ko sa aking sarili. Masaya akong makita ko syang muli at dapat makontento na ako dun.
Napa yuko na ako at marahang humakbang palabas nang kitchen nang mariin nitong hinawakan ang isang braso ko."Bakit hindi mo ako pinapansin." Pabulong pero may diin nitong bigkas. Naging malikot naman ang dalawang mata ko baka mamaya biglang sumulpot ang kuya ko.
''Kelly bitawan mo ako.." Pasimple ko ding bigkas at para lang kaming tangang nagbubulong bulungan.. Buti naman at sumunod ito sa sinabi ko. "I miss you so much Dayne.." Anas nya sa tainga ko na kina pikit ko naman nang mariin. Naramdaman ko nalang ang paglapat nang malambot nyang labi sa labi ko. Pero mabilis lang iyon.
Hindi na ako kumibo pagka tapos, nag dire-diretso na akong humakbang patungo sa aking kuwarto. Hindi ko yata napansin ang kuya ko, baka nasa kuwarto nya ito.
Gosh! Sobrang kabog nang dibdib ko, pagpasok sa loob nang kuwarto kaagad kong sinara at ni lock ang pinto.Kelly kong alam mo lang kung gaano kita ka miss. Pero ikaw na nga yung mismong nagsabi na kailangan na nating kalimutan ang isa't isa. Napa hugot ako nang malalim na pag hinga bago nag pasyang mag bihis, nagsuot ako nang school uniform nag ayos nang sarili. Nang makita ko sa salamin na okay na ang itsura ko ay nagpasya na akong lumabas nang kuwarto..
Kaya lang dismayado ako nang paglabas ko ay naka alis na daw si Kelly sabi nang kuya ko. Dumaan lang daw sya para kamustahin sya. Sya ba talaga o ako! lihim nalang akong napa hugot nang malalim na paghinga..
Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili, kanina na andito sya iniiwas iwasan ko na sya tapos ngayon hinahanap hahap ko naman yung presensya nya na parang tanga..
BINABASA MO ANG
"ONE NIGHT" (gxg)
RomanceSana po magustuhan ninyo itong bago ko pong story na pinamagatang "One Night" Isang gabi na magpapabago sa buhay ng dalawang character ng storyang ito.. ___Ito ay kathang isip lamang po... base sa malikot kong imahinasyon. GIRL TO GIRL STOR...