DAYNE POV
"Anak paki usap.. Habang maaga pa supilin mo na ang sumisibol mong nararamdaman para sa kanya.." Seryosong turan ni nanay habang mahigpit nitong hawak sa dalawang palad ko. Iisang tao lang naman ang tinutukoy nito. Kahit pagod at puyat, kulang sa tulog pinilit ko paring maagang gumising. Para habang tulog pa si Kelly makakapag usap na kami nang maayos nila nanay.
"Nay..." Buntong hininga kong bigkas.. "Dahil ba pareho kami nang kasarian--" Mabilis namang napa iling si nanay.
"Wala sa kasarian yun anak.. Bakit ka naman namin pipigilan sa gusto mo sa kung saan tumibok ang puso mo.." Bahagya itong huminto.. "Ang sa akin lang. Sa amin ng Mimi mo. Ayoko lang na matulad ka sa nangyari sa akin..." Napa yuko naman ako sa sinabi ni nanay. Habang si Mimi ay naka tayo malapit lang din sa kinaroroonan namin. Andito kasi kami ngayon sa may sala nang bahay namin.. at seryosong nag uusap usap.
"Magka iba naman po ang sitwasyon ninyo noon ni Papa at sitwasyon namin ngayon ni Kelly--"
"Dayne..." Biglang sabat ni Mimi dahilan para biglang kumabog ang dibdib ko. Iba na kasi kapag si Mimi ang naki sali sa usapan. "Hindi ka na ba marunong makinig ngayon!" Nag simula nang mamuo ang luha sa gilid nang aking mga mata. Ayokong dumating yung time na paglalayuin kami ni Kelly.. ayoko.. "Ang sinasabi nang nanay mo ayaw ka lang nyang matulad sa kanya.. Alam mo naman simula palang sinabihan ka na namin. Walang maidudulot na mabuti ang pakikipag lapit mo sa mga katulad nila. Wala silang kalayaan sa mundo,sunod sunuran lang sila wala silang pandinigan sa sarili--"
"Ayaw ka lang naming masaktan anak.. dahil mahal ka namin.." Sabat naman ni nanay. Kusa nalang kumawala ang luha sa aking mga mata nang sandaling ito. Alam ko naman yun kaya handang handa na akong sumugal handa akong masaktan.. Handa akong mag hintay hanggang sa maging handa si Kelly,hindi ko sya susukuan. Hindi ako aalis sa tabi niya.
"Opo nay.. Mimi!" Sabay baling ko kay Mimi. "Hayaan niyo nalang po sanang maka sama ko sya ngayon hanggat nasa atin sya. At kapag bumalik na po kami nang Manila... Iiwasan ko n-na po sya." Seryoso kong turan kaya lang isang kasinungalingan ang mga sinabi ko patawarin niyo sana ako. Wika sa loob loob ko. Narinig ko naman ang sabay nilang pag hugot nang malalim na pag hinga. Sabay yakap ko kay nanay nang mahigpit.
Nasa ganun kaming ayos nang biglang---"Hello Philippines and hello world! Kanino po yung magarang kotse sa labas?" Kaming tatlo ay biglang napa baling sa may pinto.
"Dang??" Gulat na gulat na turan ni Tonet at nanlaki pa nang husto ang dalawang mata nito.."Bading..." Bigkas ko naman. Dang kasi yung nickname ko.
"Dang...!!?" Bigla ba naman itong napa tili nang malakas. Napa tayo na ako at mabilis ko itong dinaluhan nang mahigpit na yakap. Miss na miss ko na din itong baklang ito. At mukhang ganun din sya. Panay parin ang tili..
"Dayne..??" Bigla kaming napa hinto nang may tumawag sa pangalan ko galing sa itaas nang bahay. Na kina ngiwi ko. Paktay. Nawala tuloy sa isip ko.. nabulabog ang tulog nang mine ko. "Dayne.." Tawag nitong muli. Papanikin ko na sana nang biglang pababa na ito nang hagdanan..
"Oh my god!!" Rinig ko namang bigkas ni Tonet. Nang bumaling ako rito luwa ang dalawang mata at naka awang ang mga labing titig na titig kay Kelly habang pababa na ito nang hagdanan. Naka suot parin ito nang pinahiram kong pantulog at halatang bagong gising at hindi pa nasusuklay ang mahabang buhok. Pati tuloy ako hindi maiwasang mapa awang ang mga labi nang hindi parin nabawasan ang taglay na kagandahan ni Kelly kahit bagong gising.
"Good morning.." Masigla nitong bati. "Good morning po nay, Mimi.." Bati pa nito sa magulang ko. Nag paalam naman si Mimi na mag bubukas nang tindahan. Ramdam ko namang umiwas lang sya. "Bakit hindi mo ako ginising?" Malambing nyang baling sa akin si nanay naman ay tumungo na nang kusina para maghanda nang agahan. Kaya kami nalang tatlo ang naiwan dito sa salas.
"Ahm- Kelly si Anthony nga pala kababata ko.. Tonet for short." Pakilala ko rito. Habang itong kaibigan ko ay tulala parin.
"Hi Tonet good morning nice to meet you." Masiglang naman nyang bati. Masaya ako dahil hindi sya ilag sa kaibigan ko. "Mine.." Sabay baling nito sa akin. Gosh!! Iwan ko kong kinikilig ba ako o maiilang sa pag tawag nya sa endearment namin kahit may kaharap na ibang tao. "Pwede mo ba muna akong samahan may dala kasi akong gamit sa kotse nawala na sa isip ko kagabi sobrang pagod." Sabay haplos pa nito sa kanang braso ko. Doon ko lang napansin ang hawak nitong susi.
"K-kelly Robles..." Dun lang biglang natauhan si Tonet.. "Ang ganda ganda mo lalo sa personsal.."
"Thank you.." Masigla naman nyang tugon..
"Alam mo ba itong si Dayne.. pinapapantasyahan-----" Mabilis kong tinakpan ang bunganga nito. Kung ano anong lumalabas sa bibig.
Binulungan ko ito. Kina usap ko nang salita namin para kahit marinig man ni Kelly hindi nya ito maintindihan.
"Ahm- sige at uuwi muna ako! Mamayang gabi nalang ako babalik dito para makipag kwentuhan.." Paalam ni Tonet. Sinabihan ko din itong huwag na huwag nyang ipagkukwento sa iba na bisita namin ngayon si Kelly Robles. Mapag kakatiwalaan ko naman itong best friend ko na to' at nagmamadali na itong umalis kahit ayaw pa sana nya..
Nagtungo naman kami ni Kelly sa labas nang bahay kong saan naka park ang sasakyan nito..
"Anong sinasabi nang kaibigan mo?" Pangungulit ni Kelly habang kinukuha ang gamit nito sa likod nang kotse. May mga dala pala itong extrang damit. Kompleto pala pati gamit panligo."Wala.. pinag papantasyahan kasi nun si kuya Rajan." Wika ko nalang. Pero totoo naman yun!
"Talaga! Parang hindi naman yun yung gusto nyang sabihin eh.." Natatawa nitong turan.
"Ewan ko sayo.." Turan ko naman sabay talikod para hindi nya makita na pinamulaan ako nang pisngi. Bitbit ko na ang ibang gamit nito. Lalo tuloy itong napa tawa na parang nang aasar pa. Hindi naman ako naaasar kundi kinikilig pa nga. Narinig ko nalang ang pag sara nang sasakyan hudyat na nakuha na nito lahat nang kailangan. "Halika na.." Aya ko pero hindi ako maka tingin sa mukha nito.
Nauna na akong naglakad sa kanya pabalik sa loob nang bahay.. Kaya lang mabilis naman niya akong hinabol at sumabay sa pag lalakad.
"Mine.. sabay tayong maligo." Napa pitlag pa ako nang biglang bumulong ito sa tainga ko. Ano daw? Lalo ko lang binilisan ang pag lalakad. Hanggang naghabulan na kami paakyat nang hagdanan para lang kaming mga bata, hanggang makating sa loob nang kuwarto. Agad agad nyang binitawan ang mga bitbit nito tsaka mabilis na hinapit ang aking baywang. Oh gosh!"Mine.." Anas nito sa kanang tainga ko na kina tayo yata lahat nang aking balahibo.. Nilapag ko namsj sa ibabaw nang kama ang mga dala ko.Maya maya naramdaman ko ang labi nito sa aking leeg at kinikintalan nang maliliit na halik. Ni wala pa nga akong ligo, nag hilamos lang ako at toothbrush kanina pagka gising..
Naging behave naman sya kanina gaya nang sinabi nito. Magka yakap lang kami hanggang makatulog na ito at marahan na akong umalis at lumipat sa aking kuwarto."Kelly...." Ganting bulong ko nang wala parin itong tigil at dahan dahan ako nitong pinaharap sa kanya. Kinulong nito ang aking mukha gamit ang dalawa nyang palad habang magka hinang ang aming mga mata.
"Dayne... Mahal na yata kita.." Turan nito bago tinawid ang pagitan naming dalawa kusang pumikit ang aking mga mata nang marahang sumayad ang malambot nitong labi sa labi ko. Oh gosh! Mahal na ako ni Kelly.. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko nang sandaling iyon hanggang marahan nang gumalaw ang mga labi nito..
BINABASA MO ANG
"ONE NIGHT" (gxg)
RomanceSana po magustuhan ninyo itong bago ko pong story na pinamagatang "One Night" Isang gabi na magpapabago sa buhay ng dalawang character ng storyang ito.. ___Ito ay kathang isip lamang po... base sa malikot kong imahinasyon. GIRL TO GIRL STOR...