Chapter 10

3.9K 92 0
                                    

DAYNE POV


             "Okay let's go!!" Sabay hawak ni Kelly sa kanang kamay ko. Nagtaka naman ako dahil ang bilis magbago nang isip nya, agad na akong hinila pa balik sa direksyon ng bar. Nagpa tianod nalang ako
dahil ayoko na talagang bumalik sa tent ni Margaux lalo at pakiramdam ko naiwan parin yung labi ng humalik  sa labi ko-





               Sa aming pag lalakad bigla kaming napa hinto ng naka salubong namin ang kuya ko na parang may hinahanap.
"Oh saan kayo galing? At bakit kayo magka sama?" Sunod sunod nitong tanong. Mukhang nagulat si Kelly at kaagad niyang binitawan ang kamay ko, nakaramdam tuloy ako nang panghihinayang ng bigla nitong binitawan ang kamay ko. Hindi din  naka ligtas sa paningin ko ang matalim na tingin ng kuya ko kanina sa kamay naming magka hawak ni Kelly.
Pagka tapos ay seryoso itong nagbaling ng tingin sa akin. Nagtaka man ako sa kinikilos ng kuya ko hindi ko nalang iyon pinag tuunan ng pinansin..






         "Dude..." Mabilis namang lumapit si Kelly kay kuya Rajan.. "I need you right now!!" Mangiyak ngiyak nyang  turan. Kanina ko pa nararamdaman na may pinagdadaanan ito lalo na nang may balak syang magpaka lasing buti at pinigilan ko sya.Kahit sa sarili ko hindi ako makapaniwalang nagawa kong itapon ang iniinum nyang matapang na alak. Concern lang  kasi ako sa kanya, sa trabaho nya! Ayoko syang magkakaroon ng bad issue dahil nakikinita ko namang mabuti syang tao.







        Hindi naman kaagad naka kibo si kuya tila nag iisip.




        

        "Alright dude.." Dinig kong tugon ng kuya ko sabay hugot ng malalim na paghinga. "Dayne..." Nagulat pa ako ng bigla itong bumaling sa akin. "Mauna kana sa quarters at huwag na huwag kanang lumabas okay!" Seryoso nitong bilin at napa tango naman ako kaagad. Agad na rin akong nagpaalam sa kanilang dalawa. Medyo na hurt lang dahil hindi na ako kinibo ni Kelly. Ang ganda ganda lang ng bonding namin kanina or baka nag assume lang ako.






          Pag dating ko sa loob ng kuwartong binigay sa akin, bumuntong hininga ako  tsaka binagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. Naka tihaya ako habang dilat na dilat ang aking dalawang mata. Pakiramdam ko ang daming nangyari ngayon gabi.
Nakilala ko si Miss Margaux may nalaman akong sekreto tungkol sa kanya. Gosh!! Nanakawan ako ng halik na hindi ko yata makakalimutan sa buong buhay ko. Sabay hawak sa labi ko. Kung sino ka mang mapangahas ka wish ko lang hindi yung jowa ni Margaux. Napa ngiwi tuloy ako. At ang pinaka gusto kong nangyari ay ang makasama ko Kelly. Sobrang saya lang! Bigla naman ay napa ngiti ako. Parang tanga lang..






        Alam ko naman na balewala lang yun kay Kelly, hindi katulad ko na sobrang saya ko. Kinikilig ba! Crush ko na yata sya. Napa bangon tuloy ako bigla ng marealize ang nasa isip ko. OMG!! Crush...  Oo pwedeng paghanga kasi iniidolo ko nga sya. Hindi crush na type na gusto ganun. Hayy ang gulo! Naipilig ko tuloy ang ulo ko pagka tapos ay muling nahiga sa kama at patagilid na ang aking posisyon. Sabay baluktot ng dalawa kong legs.



____



          Matapos ang gabing yun, hanggang naka balik na kami ng Manila hindi na ako pinansin ni Kelly. Pakiramdam ko iniiwasan na nya ako o ako lang ang ng iisip ng ganun. Eih nakaka lungkot lang. Kaya lang kita ko namang busy na sila at nagkaroon din  ng rehearsal bago nag perform. Pagka tapos kasi nun ay pack up na kaagad dahil sasabak na naman sa ibang proyektong kinakaharap nila.






         Excited na din ako dahil pasukan na next week. Kaya kinabukasan nun nagtungo ako nang mall para mamili ng mga gamit ko. Binigyan ako ng cash na limang libo ng kuya ko at as usual nag commute lang. Ang boring lang talaga pag mag isa kang nag iikot sa ganitong lugar. Sa bookstore na ako kaagad para matapos na dahil kabilin bilinan din nang kuya ko na huwag akong magpapa gabi. Binili ko na lahat ng kailangan ko medyo mabigat pero keri lang naman.






            Nag pahinga muna ako sa food court nang mall at kumain na rin ng lunch. Boring talaga kahit kumain mag isa kaya lang no choice sana kasama ko si Tonet. Bigla ay  naalala ko syang e message, agad kong dinukot sa loob ng shoulder bag ang bago kong phone. Bigay din ito ng kuya ko. Sosyal diba! Lahat ng luho ko binibigay nya kaya lang hindi nga lang ako maipakilala bilang kapatid.







          Nag tatype palang ako ng message nang biglang may tumatawag. Awtomatiko akong napa ngiti nang makita kong si Paul ang tumatawag, ang galing talaga ng timing nang lalaking ito. Agad ko namang sinagot ang tawag..
"Hello Paul!" Masigla kong turan.






           "Kamusta ka Dayne?" Tanong naman nito kaagad. "Anong ginagawa mo ngayon? Busy ka ba?" Sunod sunod pa nyang tanong na kina tawa ko naman ng mahina.







        "Isa isa lang naman.." Natatawa kong turan. "Ayos lang andito ako ngayon sa greenbelt namili ako ng gamit sa school." Wika ko pa..







         "Bakit dimo sinabi di nasundo sana kita para naihatid kita dyan."









              "Eih.  Nakakahiya sayo- kaya ko naman na mag isa!" Tugon ko naman na rinig ko naman syang napa tawa.







        "Nahiya pa daw sya..  Ano oras ka bang uuwi para masundo kita." Hindi naman ako kaagad naka kibo nag isip muna ako. Hindi naman ganun kabigat itong dalahin ko. Kahit nga mag Jeep nalang ako pwedeng pwede.  "Dayne huwag ka nang tumanggi okay.." Hay!! Alam kong makulit itong isang ito eh. Isa pa na miss ko din sya. Pero hindi ko sya crush, friends lang!








           "Okay paalis na rin ako.. Sabi kasi ng kuya- nang boss ko bawal magpa gabi." Pag payag ko na din at tuwang tuwa naman ang loko. Alam din niyang kay kuya Rajan ako nag tatrabaho swerte ko nga daw at pag aaralin ako nito.






         "Sige naka break din ako.. Kakatapos ko din ng lunch. Hintayin na lang kita sa may parking lot ng mall. Papunta na ako." Wow agad agad. Napa ngiti nalang ako at tinapos na nito ang tawag. Pinagpa tuloy ko nalang munang kumain sayang to' kong di ko ubusin. Pinag hihirapan din ng kuya ko ang binibigay niyang pera sa akin.







         Nag pahinga lang ako sa saglit pagka tapos ay nagpasya na akong tumungo sa parking area ng mall... Nag text na rin kasi si Paul na andun na daw ito.






          Malayo palang ay tanaw ko na ito. Palinga linga sa paligid tila inaabangan din ako.
Pogi nya in fairness. Nang makita nito ako ay napa ngiti na sya ng husto, nagmamadali nya akong sinalubong at kinuha kaagad ang mga dala ko.
Mabilis na nilagay sa likod ang mga pinamili ko pagka tapos ay pinag buksan pa ako ng pinto sa passenger seat. Gentleman! Sabagay ganito na talaga ng makilala ko sya..







         "Diresto uwi ka na ba nyan?" Tanong nito ng nasa loob na kami nang minamaneho nyang taxi.







         "Uhum..." Tipid ko namang tugon. Sabay baling nang tingin sa kanya.. Naisip ko lang,bakit kaya hindi nya ako pinopormahan... Talaga bang hindi ako maganda? Hindi ako ka ligaw ligaw. Lihim akong napa hugot nang malalim na pag hinga. Sabay pilig ng ulo ko. Kung ano anong  pumapasok sa isip ko.






        Jake Vargas as. Paul Garcia on media..

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon