Chapter 21

3K 85 0
                                    

KELLY POV



            Imbes na tumungo na ako sa dapat kong puntahan, hindi ko mapigil ang sarili ko para sundan ang taxi na sinakyan ni Dayne.. Hindi ko din alam kong anong nararamdaman ko ngayon.
"Damn it!!" Sobrang inis ko dahil hindi ako sinipot ni Dayne kagabi sa usapan namin at lalo pang nadadagdagan ngayon dahil magka sama sila nang Paul na yun!!







         Sinundan ko nang sinundan hanggang sa makarating kami sa may university at huminto na ang cab.. Bababa pa sana ako nang sasakyan para kausapin... nang mabilis na umibis si Dayne mula roon at mukhang nagmamadali na itong pumasok sa gate nang university.  Ako dapat ang gumagawa nun,ako dapat ang maghahatid sundo sa kanya. Gigil akong napa hawak sa manibela.
Kaya lang naisip ko ano ba itong pinag hihimutok ko! May relasyon ba kaming dalawa? Yung nasabi ko sa kanya noong andun kami sa kanila na mahal ko na yata sya totoo na ba?







        Oh gosh... Ngayon lang sa akin nangyari ito. Para akong sira ulo at kailangan ko pa syang sundan! Or maybe na cha- challenge lang ako dahil maraming humahadlang sa pagiging malapit namin sa isat isa. Si Rajan na best friend ko pa at ang parents ni Dayne na noong tumungo ako sa kanila maayos naman ang pakiki tungo nila sa akin. I don't understand?






         Napa buga nalang ako nang hangin at muling pina usad ang aking sasakyan. Ayoko na sanang sumipot sa meeting na yun, sa gagawin kong commercial. Wala talaga ako sa mood ngayon. Sirang sira ang araw ko.







          Nag drive na ako patungong Fairview.   Tiyak katakot takot na sermon na naman ang madatdatnan ko dahil late na ako nang dalawang oras kapag maka rating na ako doon. Sa mismong opisina pa naman yun nang car company,siguradong mamatay na sa konsomisyon ang manager ko lalo at hindi nila makokontak yung number ko.







            "Ma'am bakit ang tagal mo. Galit na galit na si Manay kanina pa salubong ang kilay.." Salubong agad sa akin nang PA ko at halata din sa mukha nito ang pagka bahala pero ako nanatili lang kalmado. "Hindi pa makontak yung number mo-"







          "Sira..." Putol ko kaagad sa sinasabi nito. "Nasira na yung phone ko at bibili palang ako nang bago." Tugon ko pa. Habang naglalakad kami sa hallway patungong conference room. Bumukas agad ang pintuan at nag tuloy na kami sa loob.







        "Kelly Robles.." Bati kaagad nang may edad nang lalaki ang may ari nang car company. Ngiting ngiti pa ito nang makita ako sabay lapit at hinalikan ang likod nang kanang palad ko. "Better late than never." Dugtong pa niya. Ginantihan ko naman ito ng pagka tamis tamis na ngiti. Strategy ko yun para lahat nang tao magugustuhan parin ako.
Hindi nga maka react si Manay eh, kaya lang paghandaan ko na mamaya kabisado ko na ang manager ko.







         Nag simula na ang meeting na wala sa ulo ko ang pinag uusapan dahil nakay Dayne ang isip ko. Kahit pilit kong winawaksi na mag isip na mga bagay tungkol sa kanya pilit parin syang nag susumiksik sa utak ko. Bakit ba nya ako ginaganito! Ako.. isang Kelly Robles!!
"FUCK!!" Napa lakas kong bigkas at lahat nang ka meeting namin ay napa baling nang tingin sa akin. Lalo na si Manay nagbabanta ang tingin nito. "Oops sorry guys.." Hingi ko nang pamaunhin at pasimpleng napa hilot sa aking sentido.
At nagpa tuloy na ang discussion. Kung tutuusin hindi naman ako kailangan sa meeting na ito dahil si Manay din lang naman ang nasusunod. Yung pirma ko lang ang kailangan nila para sa contact.






         "Okay meeting is adjourn. So next week na ang shooting para sa commercial." Wika nang may ari nang car company sabay tayo nito. "Thank you for accepting my offer Miss Robles.." Baling nito sa akin.. at makipag kamay pa ito.. Well dito kami kumikita eh. Kaya lang kailangan ko talaga nang break lalo ngayon sobrang dami nang iniisip ko.






           Pagka tapos nang meeting magka agapay na kaming tatlo na naglakad sa hallway nang building pagka tapos ay sumsakay sa elevator.   Halos lahat nang mga empleyado ay nakilala ako binati ako at yung ibang naglakas  loob panh naki selfie pa sa akin at kinuhanan ako nang picture. Okay lang naman sa akin yun masaya nga ako dahil kilalang kilala nila ako at hinahangaan.





         Naka rating na kami nang parking lot na hindi ako kinikibo ni Manay. Well okay lang naman sa akin sana isang buwan akong hindi kibuan at istorbuhin, ang saya saya pag nagkataon. Lihim tuloy akong napa ngiti. Sasakyan na sana ako nang kotse ko nang pipigilan ako nang aking PA at hinawakan ang isang braso mo.







        "Ma'am sa office daw tayo sabi ni Manay.." Turan nito. Akala ko lusot na ako sa sermon. Hindi nalang ako kumibo at tumuloy na ako sa loob nang kotse ko. Ayokong may kasabay kaya walang nagawa ang PA ko kundi sumakay ulit sa may grandia kasama nang driver ko.. Nag drive naman akong muli patungong Quezon city kung saan ang office nang manager ko. Ngayon ko lang napag tanto, masarap din palang walang cellphone walang istorbo less stress din..





       

         "Pasalamat ka nasa mood kanina si Mr Salvador..." Pa bungad kaagad nang manager ko pagpasok ko sa opisina nito. "Kaya lang.. my god Kelly ngayon ka lang na late nang dalawang oras..!" Gigil nyang turan. "Dati nauuna ka pa sa crew!!" Ano bang nangyayari sayo ha!" Napa pitlag pa ako nang humampas ang palad nya sa ibabaw nang lamesa.










          "Pagka tapos ma shoot yung gagawin kong commercial. Gusto ko munang mag break kahit one month lang.. Manay." Buntong hininga kong turan. Nag salubong kaagad ang kilay nito.






          "What??.." Nag tagis ang kanyang bagang. Pero nanatili lang akong kalmado dahil kung ayaw nya. Tatakas parin ako. Hindi naman robot itong katawan ko.
"Okay.. pero siguraduhin mong isang buwan lang Kelly!!"
Really? Ibig sabihin pumapayag sya? Bigla akong naka hinga nang maluwag dahil hindi ko akalain na ganun sya kabilis na mapapayag.







       "Thank you po Manay.." Sincere kong wika sabay yakap sa kanya.









          "Basta mag ingat ka lang, habang wala ka. Please lang iwasan ang issue na makaka sira nang career mo.." Wika nito habang hinahagod hagod ang likod ko. "Alam mo naman kahit ganito ako sayo. Ikaw ang pinaka paborito ko sa lahat nang talent ko. Kaya huwag na huwag mo akong bibiguin Kelly." Seryoso nitong turan. Marahan nalang akong napa tango biglang tugon. Kaya lang hindi ko maipapangako na magagawa ko ang huli nitong sinabi.
Matapos ang aming pag uusap ay nagpasya na akong umalis.







           "Ma'am a-anong sabi ni Manay.. nase-sermunan ka ba?" Naalangang tanong ni Janna ang PA ko habang naka sunod sa akin sa pag lalakad patungong parking lot.







          "Nope.." Tipid kong tugon sabay wave nang kanang kamay ko. "Mauna na kayo sa bahay at may pupuntahan pa ako.." Turan ko pa.







        "Pero ma'am.. wala kaming contact sayo kung-- alam mo na hahanapin ka na naman ni Manay-"







          "Akong bahala.." Putol ko sa sinasabi nito. "May usapan na kaming dalawa okay.. huwag kanang komotra." Turan ko pa na kina hinto na rin nito sa pag lalakad at hindi na sumunod pa sa akin. May kailangan akong puntahan. Hindi ako matatahimik hanggat hindi klaro sa akin ang lahat.
Tumuloy na ako sa kotse ko. Total next week pa yung shooting para sa commercial.
Napa ngisi ako bago ko pina usad ang aking sasakyan.

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon