DAYNE POV
"Alam mo nakaka tampo ka talaga..Hindi mo man lang ako in inform na dyan ka pala sa Maynila mag aaral!'' Parang batang maktol ni Tonet, ang best friend kong si bading. Napa tawa lang naman ako ng mahina.. Halos dalawang linggo na rin ako dito at ngayon lang ako may time para kamustahin sya.. Sinubukan ko kasi itong laptop na binigay sa akin ng kuya ko buti saktong naka online itong si bading kaya naisipan ko syang tawagan sa messenger. Kaya heto ako ngayon naka salampak ng upo sa mahabang sofa dito sa may sala habang nasa kandungan ko ang naturang laptop. Kailangan ko daw kasi itong laptop sa pag aaral ko sabi ng kuya ko na pinaglumaan daw nya. Pero halata namang bagong bili lang.. Sweet nga yung kuya ko ayaw lang pinapahalata.
Mag isa ko naman dito sa unit. Dahil hinatid lang nya ako kaninang umaga para mag enroll tapos diretso na kasi sya sa taping kaya mag isa na akong umuwi. Sa may U.P ako mag aaral, pinapili ako ng kuya ko kung saan ko gusto at doon ang napusuan ko. Para kasing mas makaka sundo ko ang mga estudyante doon kompara sa ibang mga university dito. At civil engineering ang gusto kong kurso ang saya lang kasi oo lang naman ng oo ang kuya ko.. Medyo mahaba ang pila kaya inabot na ako ng hapon na gutom na gutom at nag pasya akong kumain muna bago ako umuwi.
At dahil natatakot akong umuwi mag isa nahihiya man kinapalan ko na ang mukha at nagpa hatid ako kay Paul pauwi dito. Sabagay sabi naman nya magka ibigan na kami madalas nga itong nangangamusta simula ng binigay ko ang phone number ko sakanya at nagbayad naman ako ng fare ko kanina. Kakahiya naman kung laging libre, yun lang naman yung hanap buhay nung tao.
"Biglaan lang kasi bakla.. may trabaho kasing inalok sa akin at yung naging boss ko willing akong pag aralin bawas gustusin nila nanay." Katwiran ko nalang. Sorry best kung pati sayo kailangan kong magsinungaling.. Buntong hininga kong turan sa aking sarili. Napa simangot ito lalo at nababanaag ang lungkot sa kanyang mga mata. Nag promise kasi kami dati na hanggang college magka sama kami kaso heto nga hindi ko din naman akalain na kukunin pala ako at pag aaralin ng kuya ko.
"Baka naman may kakilala yung boss mo dyan na nangangailangan pa ng tauhan. E recommend mo naman ako!'' Wika nito. "Para at least magka sama parin tayo."
Napa tango nalang ako. Para naman gumaan yung pakiramdam nya kahit papaano. Syempre nalulungkot din ako na napa layo ako sa kanila kaya lang hindi naman ako nagsisi na pumunta dito. Lalo at nakita ko na nang personal yung idol ko hindi lang yung nakaka usap ko pa sya. Kahit pa alam ko naman na kaya lang nya ako pinapansin at kinaka usap dahil sa kuya ko pero ayos na yun sa akin. Masaya na ako.. Excited pa naman sana akong e kwento sa kanya..Kaya lang kabilin bilinan ng kuya ko na quite lang ang isipin ko daw yung pag aaral ko."Bads.. paki tingin tingin naman yung mga poster ni Kelly sa kuwarto ko minsan oh. Baka kasi hindi maasikaso nila nanay.." Bilin ko pa.. na kina kunot ng noo nya. Pero hindi yun joke ah! Gusto ko pag umuwi ako malinis at maayos parin yung mga naka dikit sa dingding ng kuwarto ko na puro mukha ng idol ko.
"Mamaya biglang magsalita yung mga yun eh.. takot ko lang!" Turan naman nito. Maya maya pa ay nag tawanan na kami sobrang miss na kasi namin ang isa't isa, nang biglang bumukas ang pintuan ng unit.. Nagulat ako at napa baling ang tingin ko doon.
Si kuya ko! Hindi ko na tuloy namalayan ang oras."Kamusta ang enrollment?" Bungad agad nito pagka sara ng pinto. Magsasalita pa sana si Tonet kaya lang bigla ko nalang sinara ang laptop. Sorry bads! Lihim akong napa ngiwi. Tsaka nalang ako mag papaliwanag kapag magka usap ulit kami.
"A-ayos lang naman kuya.." Nauutal kong tugon at pasimpleng inilapag ang laptop sa ibabaw ng center table..
"Sino yung kausap mo kanina?" Akala ko hindi nito mapapansin yung kausap ko. "Baka naman boyfriend mo- sabihin mo na sa akin habang maaga pa!" Ha? Si bading boyfriend ko. Yuck!! Mas babae pa nga yun kumilos sa akin.
"Hi- hindi kuya.. bading- bakla yun kuya best friend ko sa amin." Katwiran ko naman.. Bakit ba ang seryoso nyang tumingin sa akin.
"Sigurado ka Dayne?? Baka naman nagpapanggap lang na bading yan, para hindi pinapa halata na pinopormahan ka na pala-" Hala si kuya pati ba naman si Tonet pinag dududahan nya. Bigla tuloy akong natawa sa itsura ng kuya ko. Halatang nagpapaka istrikto sa akin. Iloveyou kuya!
"Promise kuya bading talaga sya. Gusto mo kausapin mo pa para malaman mo kung gaano sya kabading.." Determinado ko namang sabi pero napa iling lang ito. Tila naging satisfied naman na sya sa naging sagot ko. Idol na idol nga sya ni Tonet. Hindi lang basta iniidolo pinag nanasahan pa. Napa tawa na naman tuloy ako ng may maalala.
"Okay... Basta wala munang boyfriend. Maraming manloloko sa paligid kaya huwag na huwag basta nagtitiwala.." Seryoso nitong sabi bago naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Ayie!! Protective kuya.
"Yes kuya.." Masigla ko namang tugon.Habang binuksan nito ang pintuan ng kanyang kuwarto. "Magluluto lang ako ng dinner natin-" Turan ko pa na kina lingon nya.
"Medyo damihan mo na at dito daw magdidinner sila Kelly mamaya.." Wika nito bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto. Napa awang naman ang labi ko ng sandaling yun! At biglang kumabog ang dibdib ko. Si Kelly dito mag didinner, kailangan sarapan ko yung luto ko dahil mahirap nang mapa hiya.mamaya hindi nya magustuhan. Bigla tuloy akong kinabahan. Tapos sabi pa ng kuya ko Sila- ibig sabihin hindi lang sya nag iisa. Ilan naman kaya ang kasama nya.
Hindi ako mapakali kaya agad kong kinatok ang pintuan ng kuwarto. Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa kinakabahan ako ng husto. Ilang katok lang ay mabilis namang bumukas ang pintuan. Tila nagtataka namang tumitig ang kuya ko sa mukha ko.
''Ah- kuya itatanong ko sana kong ilan yung kasama ni Kelly na pupunta.." Naalangan kong sabi.. "Para alam ko kung gaano karami yung iluluto ko.." Lalo namang mapa kunot ang noo ng kuya ko ng sandaling iyon-
"May sinabi ba akong may kasama sya?" Takang tanong nito. Ha!! Sa pagkaka alam ko oo.. napa ngiwi tuloy ako..
"Sabi mo kasi- sila, kaya ibig sabihin may mga kasama sya.." Bigla naman itong napa tawa ng mahina at napa kamot ng batok..
"Ano- mag isa lang nya! Kailan naman sya nagdala ng kasama.. okay na?" Turan naman ng kuya ko. Napa tango nalang ako bago nya muling sinara ang pinto. At least naka hinga ako ng maluwag sa sinabi niyang mag isa lang pala ni Kelly. Pero hindi parin maalis ang kaba ko kailangan talaga galingan kong magluto.. Tatalikod na sana ako ng bigla na namang bumukas ang pinto.
"Sya nga pala.. may sakit si ate Lilly at pinag leave ko muna ng isang linggo kaya ikaw muna ang magiging assistant ko ha! Tapos sa Friday night ba beyahe tayo papuntang boracay.." Hindi ko pa na analyze yung sinabi niya agad na nitong sinarang muli ang pinto.
Pero bigla akong napa YES!! Nang nag pop-up na sa utak ko ang mga sinabi nito. Na excite ako lalo na yung sinabi nyang boracay... Ang saya nun!!
Dennis Trilio as.. Rajan del Mundo on media

BINABASA MO ANG
"ONE NIGHT" (gxg)
RomanceSana po magustuhan ninyo itong bago ko pong story na pinamagatang "One Night" Isang gabi na magpapabago sa buhay ng dalawang character ng storyang ito.. ___Ito ay kathang isip lamang po... base sa malikot kong imahinasyon. GIRL TO GIRL STOR...