Chapter 4

4.9K 121 0
                                    

KELLY POV


             Siniguro ko munang walang tao sa paligid bago ko dahan dahang binuksan ang pintuan. Hinintay kong lumabas ang baklang make-up artist tsaka ako humanap ng tiempo para maka pasok dito sa dressing room ni Margaux. Mukhang hindi rin nito namalayan ang pag pasok ko dahil abala ito sa pag aayos ng kilay niya sa harapan ng salamin patalikod sa gawi ng pinto.. Marahan kong sinara ang pintun at siniguro kong nailock ko yun tsaka marahang lumapit sa kinaroroonan nya.







           Napangiti ako bago mabilis syang niyakap mula sa likuran.
"Oh gosh!!" Gulat nitong wika.. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit habang naka upo sa harapan ng salamin. I miss her so much. Pareho kasi kaming busy ngayon, lalong lalo na ako dahil kaliwa't kanan ang tapings, photo shoots at guestings. Tuwing Sunday nga lang ang pinaka rest day namin kaya lang parang hindi rin dahil kailangan naming umattend sa noontime show at mag perform. Meetup with fans pa pagka tapos.
"Kelly... Ano ba bi-bitawan mo ko baka biglang may pumasok.." Pilit nitong saway sa akin.







         "Wala... Ni lock ko yung pinto." Tugon ko naman kaya lang pilit parin itong kumakawala sa yakap ko.. kaya binitawan ko na ito. Napa tayo sya sa kanyang kinauupuan tsaka humarap ito sa akin. Hindi ko naman mapigilang napangiti ng sandaling yun. Agad ko syang hinapit sa baywang tsaka mabilis na tinawid ang aming pagitan. Siniil ko ng halik ang mga labi nito gosh I miss her so much at kaagad din naman syang gumanti. Mainit ang halik na pinag saluhan naming dalawa kaya lang mabilis din niya itong tinapos..






            "You ruin my lipstick babe.." Reklamo nito na kina tawa ko lang ng mahina. Habang mahigpit ko paring hawak ang kanyang baywang.







         "I miss you so much hon.." Pa pout ko namang turan tsaka pinag dikit ang aming mga noo. Narinig ko naman ang pag hugot nito ng malalim na paghinga.
Tsaka nito dahan dahang tinanggal ang mga kamay ko sa baywang nya.







           "Miss din kita kaya lang... Kelly!" Seryoso itong tumingin sa mukha ko. " Listen to me  okay... Mas mainam na siguro kong mag cool off muna tayo-"







           "What??.. Hon ano bang pinagsasabi mo! A-anong cool off?" Bakit pa bigla bigla naman sya sa kanyang desisyon.!!








            "Kelly... Please makinig ka sa sasabihin ko.. Mahal kita okay!  Alam mo yan. Kaya lang pwede bang career muna ang unahin natin.." Paliwanag nito. Career? Two years na naming kinakaya ang ganitong sitwasyon. Ang palihim naming relasyon.Bago pa namin pinasok ito nakapag usap na kami kahit ano mang pagsubok na darating makakaya naming lagpasan na dalawa. Ngayon pa sya makikipag cool off?







            "Margaux naman..."Sabay hawak sa dalawang kamay nito. "Huwag mo namang gawin sakin ito hon.." Naluluha ko nang turan. Mahal na mahal ko sya at sya ang inspiration ko kung bakit nakakaya ko lahat kahit sobrang hirap ng trabaho ko.. Akala nang iba madali lang itong trabaho namin, hindi nila alam yung hirap,yung puyat yung pagod kung sigawan kami ng mga manager namin  o ng director kahit konting pagkaka mali lang! "Hon please.. don't- don't do this.." Halos magmakaawa na ako sa harapan nito.






        "Kelly.. pareho lang nating pangarap ito! Sana maintindihan mo din yung point ko. Wala tayo halos time sa isat isa. Parang wala ding silbi itong relasyon-"







           "Walang silbi! Paano mo nasasabi yan ngayon? Napag usapan na natin ito diba? Ngayon ka pa ba susuko.." Bigla naman itong nag iwas ng tingin sa sinabi ko. Busy lang ako ngayon sa dami ng trabaho alam ko naman yung pagkukulang ko sa time sa kanya pero paano yung pangako namin sa isat isa na walang sukuan..







          "Kelly.. cool off lang naman ang hinihingi ko sayo. Ayoko kasi ng hassle sa bago kong movie  project ngayon.. Gusto kong mag concentrate dahil big break ito para sa akin. Alam mo ba yun! First movie ko ito sa tatlong taon ko na sa showbiz industry!" Mariin akong napa pikit sa tinuran nito. Naintindihan ko naman yung point nya kaya lang hindi naman namin kailangang e sacrifice itong relasyon na to'" Parang napaka dali naman ng hinihiling nya. Hindi na nya naisip yung sakit na naramdaman ko!










        Magsasalita pa sana ako ng may malalakas ng pagka katok sa may pintuan at narinig ko ang boses ng make-up artist nito sa labas..
"Hindi pa tayo tapos mag usap." May diin kong turan bago mabilis na inayos ang sarili ko. Dahil paglabas ko nang dressing room na ito ibang Kelly na naman ang haharap sa maraming tao. Kelly na masayahin, matapang, babaeng babae kumilos at umasta at isang mahusay na actor ng bansa..Hindi katulad ng Kelly kanina na nilalabas ang kahinaan isang lesbian at may lihim na relasyon kay Margaux Luna.







           "No- Kelly tapos na ang usapan natin!" Kontra naman nito. Mariin ulit akong napa pikit bago tinungo ang pintuan ng walang tigil sa pagkatok. Hindi pa ako pumapayag sa gusto nya at hinding hindi ako papayag. Hinawakan ko na ang doorknob. Huminga muna ako ng malalim bago marahang pinihit iyon.






          "Oh!" Gulat na bulalas ng matabang bading pag bukas ko ng pinto. Syempre nginitian ko ito ng bongga kaya napa ngiti din ito, sobrang nakaka hawa kasi ang matamis kong ngiti na kaakit akit. "Good morning Miss Kelly Robles.." Bati nito. Alam kong nagtataka ito kung bakit galing ako sa loob ng dressing room ni Margaux. Well, alam naman nila pati ng manager ni Margaux na magka ibigan kaming dalawa. Na magkaibigan lang..




   

           "Morning.." Ganting bati ko. Wala na akong ibang sinabi at  tuluyan na akong humakbang palayo patungo sa dressing room ko.. Walang cool off na magaganap! Pinag diinan ko sa aking sarili. Na eexcite lang sya sa bago nyang project, hindi ko sya susukuan ng ganun ganun na lang.. Papasok na ako sa dressing room ko ng bumungad sa hallway ang best friend kong Rajan del Mundo at bago kong ka love team at nalilink sa akin ngayon. Hinahayaan lang naming pag usapan kami ng mga tao dahil advantage din ito sa ginagawa naming movie. Hindi din alam nang mga taong naka paligid sa amin kung gaano kami ka close sa isat isa. Sya din ang kaisa isang taong nakaka alam tungkol sa relasyon namin ni Margaux bukod sa family ko.








             "Hi boyfie..." Masigla kong bati rito ng tuluyan na syang maka lapit sa kinaroroonan ko. Naka ngiti ito pagka tapos ay inilahad ang dalawang braso. Kailangan ko yan ngayon! Turan ko naman sa sarili ko kaya mabilis na akong kumilos at niyakap ko ito ng mahigpit. Hindi naman kami naka ligtas sa mga flash ng mga camera sa paligid namin. Napa pikit ako habang yakap sya ng mahigpit, kailangan ko din nang makaka usap ngayon. Kaya lang tiis muna, mukhang kailangan ko na namang tumakas mamaya at magtungo sa condo ko sa Ortigas katabing unit lang ni Rajan. Kaya lang siguraduhin ko munang doon uuwi si Rajan mamaya. Dahil madalas naman itong nag e-stay sa bahay nila ng mommy nya sa Caloocan.









           Pag mulat ng aking mga mata. Napa oh! ako ng makita ko ang babaeng nakatayo sa likuran ni Rajan. It's Dayne ang bago niyang maid bitbit nito ang ibang gamit ng best friend ko.Wala pala ang PA nya ngayon dahil weekend kaya si Dayne ang kasama nya.At nahihiya itong ngumiti sa akin agad ko naman itong nginisian. Ewan ko ba! Ayoko yung ngiti ang binibigay ko sa kanya lalo kapag yung mapag kunwari kong ngiti na tinuro sa akin. Parang bang sa kanya,parang okay lang ipakita ko yung totoong ako.








          "What's wrong dude?" Bulong ni Rajan sa tainga ko. Ramdam na ramdam talaga nito kapag may pinagdadaanan ako.







          "Sa condo nalang natin pag uusapan." Ganting bulong ko rito. Tsaka ko sya hinalikan sa pisngi at kumalas mula sa pagkaka yakap.
Hawakan nito ang magkabilang balikat ko tsaka seryoso itong tumitig sa mukha ko. Alam kong sa mata palang nagkaka intindihan na kaming dalawa. Kaya marahan na akong napa tango pagka tapos ay nag paalam na ito patungo sa kanyang dressing room. Naka sunod naman si Dayne sa kanya bago pa ako tuluyang pumasok sa may pintuan bigla ako nitong nilingon. Nagulat yata ng mahuli ko syang tumingin at hindi ko maiwasang mapa tawa ng mahina. Nakaka tuwa lang kasi ang kainosentehan nya. Kahit paano nakalimutan ko saglit ang pinag dadaanan ko ngayon dahil sa kanya.

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon