DAYNE POV
"DAYNE!!" Halos isampal nang kuya ko ang hawak nitong mga papel sa mukha ko sa tindi nang galit niya nang sandaling ito. Nagkalat tuloy ang mga ito sa sahig na kina pikit ko nang mariin. "Ano na namang kalokohan yan!" Napamewang ito sa harapan ko, habang ako naman ay parang basang sisiw na naka upo sa may sofa.
Nere- review ko yun na script para sa isang role ko sa isang ginagawang movie. Extra lang naman ako doon dahil may nag offer sa akin, susubukan ko lang naman--
"Pinalampas ko na yung tungkol sa TV commercial, pinayagan na kita! Tapos-- heto na naman.. Baka nakakalimutan mo na naman yung usapan natin!" Namumula na ang mukha nito sa galit.."Kuya, last na ito. Susubukan ko lang naman, gusto ko lang ma experience at isa pa extra lang naman ako doon." Katwiran ko, pero lalo lang nagdilim ang kanyang awra. Para bang gusto nyang makapanakit nang sandaling ito. Totoo naman kasi, gusto ko lang naman ma experience--
"Hanggang sa malulunod ka na sa kakasabi mo nang huli na- last na ito?" Sermon parin nito sa akin. "Hindi mo na alam kong anong sinasabi mo Dayne.." Hilot nito sa kanyang sentido.. Sana naman payagan na nya ako, dahil kahit anong mangyari talagang ipagpapalit ko parin ang gusto ko. Parang ginawa mo kay Kelly-- mahal ko sya at masakit din para sa akin yung ginawa kong pakikipag hiwalay- kaya lang ginawa ko lang para din lang naman sa aming dalawa!
Si Kelly, na halos isang buwan nang hindi nagpaparamdam sa akin, pero balita ko busy din sya ngayon. Hinayaan ko na muna at marahil tama din naman itong desisyon kong ipagpaliban muna ang tungkol sa aming dalawa. Tsaka, kina usap ko naman sya nang maayos gusto ko din muna hanapin ang sarili ko.
"Kuya please.." Kung kainakailangang ilabas ko na naman yung pagiging best actress ko. Gagawin ko mapapayag ko lang sya. "Kuya---" Napa hinto naman ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa nang kanyang jeans. At nagmamadali niya itong dinukot doon dahil walang humpay ito sa pag tunog.
"Hello manay!" Turan nito sabay talikod sa gawi ko nang sagutin nito ang tawag. Kailangan ko ding maka isip na nang magandang paraan para mapapayag ko si kuya- "Ano? Si Kelly po.." Mabilis naman akong napa baling sa kanya nang marinig ko ang pangalang iyon. "Saang hospital?" Medyo hininaan nito ang kanyang boses, kahit dinig ko parin at bigla kong kina singhap at bigla din akong sinalakay nang kaba.
"Kamusta po sya- ayos lang po ba sya?" Sunod sunod na tanong nang kuya ko kong sino man ang kausap nito. Sana, kong naririnig ko lang ang sinasabi nang kausap nito-- "Hindi pa sya nagigising.." Domoble tuloy ang kabang nararamdaman ko dahil sa narinig ko. Kelly... "Sige po Manay! Pa-papunta na ako dyan. " Halata na din sa tono nang boses nang kuya ko ang sobrang pag aalala.
G-gusto kong sumama sa kuya ko, gusto kong makita si Kelly.. Gusto kong malaman kong anong nangyari sa kanya. Nagpapanic na din ang kalooban ko nang sandaling ito. "Sige po Manay.. mag iingat po ako at sisiguraduhin kong walang press na makaka tunog, kung ano man ang nangyari kay Kelly. Paano yung pamilya nya- alam na ba yung nangyari-- sige Manay. Tama lang na yung kapatid nya muna ang nakakaalam dahil baka kung ano din ang mangyari sa Mommy nito pag nalaman yung sitwasyon ni Kelly ngayon.." Litanya nang kuya ko bago nito tinapos ang tawag.
Pagka tapos ay hindi pa ito kaagad naka kilos sa kinatatayuan nya ngayon, mukhang nashock sya sa kong anong balitang natanggap nya-
"Dayne, aalis muna ako--"
BINABASA MO ANG
"ONE NIGHT" (gxg)
RomanceSana po magustuhan ninyo itong bago ko pong story na pinamagatang "One Night" Isang gabi na magpapabago sa buhay ng dalawang character ng storyang ito.. ___Ito ay kathang isip lamang po... base sa malikot kong imahinasyon. GIRL TO GIRL STOR...