Chapter 26

2.9K 97 2
                                    

DAYNE POV


                      "Salamat sa pag hatid Paul." Turan ko nang makarating na kami sa tapat nang university. Hindi pa ako bumababa nang sasakyan, nakita ko kasing ang daming nag aabang na reporters sa labas nang gate. Napa ngiwi tuloy ako nang isiping mukhang ako ang pakay nang mga ito..






           Napa buga tuloy ako nang hangin. Hindi pa ba sila nagsasawa! Sinagot na nga ni Kelly lahat nang katanungan sa isinagawang interview sa kanya.. At tama nga si kuya- bigla na namang nag init ang sulok nang aking mga mata tuwing naaalala  ang lahat nang kasinungalingan ni Kelly sa harap nang media. Napaka galing nya sumagot! Clap clap... Sana nakinig nalang ako sa kuya ko, nagmukha tuloy akong katawa tawa sa sarili ko.







            Buong puso kong ipinagka loob ang sarili ko sa kanya, yun pala gagamitin lang nya ako para muling umugong ang kanyang pangalan. Galit ako sa kanya, kinamumuhian ko--
"Dayne..." Untag ni Paul sa akin. "Bakit ka umiiyak?" Ha! Napa kurap kurap ako. Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang luha ko. Pasimple ko nalang itong pinahid gamit ang palad ko.







                 "Okay na ba Paul, magaling na ba akong umarte?" Wika ko na kina kunot noo naman nito. "Malay natin makuha akong mag extra sa isang movie!" Turan ko pa. Na kina tawa naman nito nang mahina.







             "Mas bagay sayo maging bida hindi lang extra.." Wika naman nya na kina tawa ko na rin. Hayy life! Kaya lang bigla din napawi ang aking mga ngiti nang mapa dako na naman ang paningin ko sa mga taong nag aabang sa akin. Nakaka stressed sila. Napa buga tuloy ako nang hangin





          

             "Ahm- Paul-"  Naalangan kong turan. Imposible kasing hindi nito nabalitaan ang tungkol dun sa kumakalat naming picture at videos sa social media.  "Alam mo na siguro ang tungkol dun sa--"







             "Alam ko namang walang katotohanan ang mga yun Dayne.." Putol nito sa sinabi ko. "Nagpaliwanag na si Miss Kelly diba! Ganun talaga ang showbusiness daming issue." Dagdag pa nito.  Naka hinga naman ako nang maluwag, dahil isa sya mga taong malawak ang pag iisip. Hindi katulad nang iba..
Kaya lang ang sakit parin para sa akin na ni isa walang inamin si Kelly dun sa interview tungkol sa relasyon namin.






                  "Kita mo ba ang mga tao dyan sa gilid nang gate.." Turo ko na kaagad naman nitong kina tango. "Mukha kasing ako yung inaantay nila.. kaya hindi ako maka labas labas nang sasakyan." Buntong hininga kong turan. "Pwede mo ba akong tulungan?" Naalangan kong turan.






            Wala na kasi akong ibang maisip na paraan kundi magpanggap na mayroon kaming relasyon ni Paul. Na sya talaga ang boyfriend ko at sasagutin ko din yung issue katulad kay Kelly na walang katotohanan yung mga kumakalat sa social media.  Inumpisahan na nya eh! Hindi naman  pwedeng iiwasan ko nalang sila dahil alam ko din lang na hindi nila ako titigilan.






            Ipinaliwanag ko nang mabuti kay Paul ang ibig kong mangyari at naintindihan naman nito ang kalagayan ko ngayon. Kaya magka hawak kamay kaming lumabas nang taxi at pikit matang marahang  humakbang patungo sa may gate nang university. 
Hindi na ako nagkamali dahil hinarangan na kami nang maraming tao at kaliwat kanang  flash nang camera.






             "Miss Dayne ano pong masasabi ninyo tungkol sa issue na inyong kinasasangkutan ni miss Kelly Robles. Sino ang lesbian sa inyong dalawa?"
Marami pang mga katanungan ang ibinabato nila sa akin. Actually nakaka hilo grabe...yung iba hindi ko na maintindihan.  Ganito pala kapag sikat ka at pinagkakaguluhan nang mga tao.







            "Gaya nga po nang sinabi ni Kelly- ni miss Kelly." Hinigpitan ko ang paghawak sa palad ni Paul at doon ako kumuha nang lakas. "Wala pong katotohanan ang mga kumakalat sa social media. Fake news po yun. Right babe?'' Baling ko naman kay Paul at nginitian ko ito nang pagka tamis tamis.







             "Ayaw na naming patulan ang mga issue na yun dahil alam naman namin kong anong totoo." Matapang namang sagot ni Paul.. "Isa lang kaming ordinaryong mamamayan na nag susumikap sa buhay. Katulad ko po na nag dadrive nang cab at the same time lagi ko pong hinahatid sundo itong gi-girlfriend ko dito sa university.." Paliwanag pa nya. Pasalamat talaga ako dahil magaling din pala itong umarte.







               Umugong ang mga bulong bulungan sa paligid. Maraming naniwala sa mga binitawan naming salita ni Paul. Sana naman ay tigilan na nila ako. Nagpapa salamat ako nang malaki kay Paul dahil wala itong sawa sa pag tulong sa akin.







                 "Hi lesbo..." Nagulat pa ako sa mga grupo nang estudyanteng humarang sa akin sa hallway nang university.. pati ba naman dito sa university--  "Huwag ka nang magka ila, napa nood namin yung videos at kitang kita naman na may ugnayan talaga kayong dalawa ni Kelly Robles.." Turan pa nito na kina buga ko nang hangin. Bahala na sila kong anong isipin nila sa akin..







            Kaya nilagpasan ko na ang mga ito..  Alam kong lilipas din lahat nang ito. Lilipas din pati itong nararamdaman ko..




_____




               "Kailangan mo nang mag aral nang driving at bibigyan kita nang sarili mong sasakyan.." Nagulat ako sa sinabi ni kuya ko habang kumakain kami nang hapunan. Dahilan para mapa tingin ako nang diretso sa kanyang mukha. " Para hindi kana hinahatid sundo nang Paul na yun." Wika pa nya.
Ano bang masama kong hinahatid ako nung tao, napaka bait nga nya eh.. Pina iwas na nga ako kay Kelly dahil sa mga nangyari. Pati ba naman si Paul!






             Ang balita ko nga- I mean  ang usap usapan ngayon ay naka bakasyon daw ngayon si Kelly. Isang buwan daw yata syang mawawala para magpa lamig dahil sa issue na nangyari. Talaga lang ha! Sobrang sakit nga yung ginawa nya sa akin, pero huwag syang mag alala ipapamukha ko din sa kanya na hindi ako apektado.







           "Dayne nakikinig ka ba?" Untag sa akin ni kuya.. natulala na naman kasi ako. Lagi nalang tuwing naalala ko si Kelly. Argh!! Makakalimutin ko din sya. Hugot ko nang malalim na pag hinga..

           




               "Kuya! Mabait po si Paul at malaki ang naitulong nya sa akin. Hanggang ngayon tinutulungan parin nya ako sa di mamatay matay na issue.." Hugot ko nang malalim na pag hinga. Pagka tapos kong nagpaliwanag sa kanya. Sikat si Kelly at hindi kaagad makakalimutan nang mga tao ang nangyari buti nga at andyan si Paul. Buti nga din at hindi naman ako ganun pinag-uusapan sa university at kung meron man.. dene-deadma ko  nalang..







             "Mahirap magtiwala sa panahon ngayon Dayne.. lahat nang ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo.." Seryosong wika nito. Tama ka kuya, natuto na din ako na hindi porket pinakitaan ka nang maayos ay ipagkakatiwala mo na lahat.. Ang hirap, sobrang hirap! Buti nga sa probinsya namin, tahimik walang issue.. Wala na akong nagawa kundi sumang ayon nalang sa kagustuhan nang kuya ko...

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon