"O, Joseph, I see you meet my daughter. Siya yung sinasabi ko sa iyo kahapon," anang mommy niya. "Bakit diyan kayo sa may halamanan nag-uusap? Come over, dito na kayo mag-usap." Napatingin ang mommy niya sa batang katabi ni Joseph. "Oh, hi there Chelsy! You want to play with my grandchildren? They have a big doll house inside the game room. You want to come?"
Tumingala naman ang bata sa ama nito, "Daddy, pleet?"
Napangiti muli si Shanina. Those pleading eyes. Kung siya ang titingnan nang ganoon, siguradong hindi niya matatanggihan.
Bumuntong-hininga si Joseph. Tumingin sa kanya at sa mommy niya, "I hope we're not imposing ourselves."
"Oh, you're not. Come on over," anang mommy niya.
Tumango si Joseph bago niyuko ang anak, "Come, I will let you meet new friends," anito na sinagot ng bata ng talon at pagyapos sa binti nito.
"Mommy, sa kanya mo po ako ipapakilala, e, may pamilya na pala," ani Shanina nang makayo na sa kanila ang mag-ama. Kunwari ay nang-aaway ang tono niya pero ang totoo ay nanghihinayang siya.
"Single siya, anak. Iba na ang ikot ng mundo ngayon, hindi na lang ang babae ang iniiwan matapos anakan," anang mommy niya na nginitian pa siya bago tumalikod at dali-daling pumasok ng bahay.
Napamaang si Shanina. Kung hindi pa marahil sa pagtakbo ng mga pamangkin niya pasunod sa Lola ay hindi pa kaagad siya makakaget-over sa sinabi ng ina.
Pagpasok niya ay eksaktong pasok din ng mag-ama sa main door. Ang mommy naman niya ay dagling ipinakilala ang mga bata sa isa't-isa.
"Familiar ka. Nagkita na ba tayo dati?" ani Shanina kay Joseph. Kaninang nasa garden sila ay gusto niyang itanong iyon sa lalaki. There is something achingly familiar about him. Hindi lang niya maalala at hindi rin niya maisip kung saan niya ito nakita.
"Dati. Liceo."
Shanina look at him intently. Anong uring sagot ba iyon? Hindi ayusin ang pangungusap. Connect the dot?
"Will you please, elaborate?"
"Same class."
Kung hindi lang interesante ang lalaking kaharap niya, kahit na ba sabihing gwapo, malamang naasar na si Shanina. Sinabi nang elaborate, iyon ang isinagot sa kanya?
"Elaborate further, please," nakakunot-noong sagot niya. Kilala niya lahat ng classmates nila, nag-geget together pa nga sila taon-taon. Kung classmate niya ito, imposibleng hindi makasama ito doon.
"John Joseph Alvarez."
Sinabi nang elaborate further, ganoon pa rin ang sagot sa kanya. Naman! Gwapo nga, ang gulo namang kausap.
But his name ring a bell. Tinitigan niya itong mabuti. Nakatitig din ito sa kanya. Kung siya ay naguguluhan, ang lalaki naman ay halatang natatawa sa kalituhang nasa mukha niya. A shadow of a smile hovering his lips. At gusto ni Shanina na makita kung ano ang magiging itsura ng lalaki kung tuluyang ngumiti.
Inilagay ni Shanina ang kamay sa baba, "Hhmmmmmm," pinaliit niya ang mata at muli itong sinipat. At nahigit ni Shanina ang hininga nang ang ngiting inaantay niya ay sumilay sa mga labi ng lalaking kaharap.
"Third year," dagdag impormasyon nito na hindi kaagad na-process ng utak ni Shanina. Nastock na yata dahil sa ngiti ng lalaking kaharap niya.
"Ha?" Kumurap siya para madistract sa ngiti ng lalaki at makapagfocus sa topic nila.
"Classmates tayo, third year."
"Aaahhhhhh," naitakip ni Shanina ang kamay sa bibig na bahagya pa ring nakaawang. Naalala na niya! Transferee ito noong third year sila. Isang taon lang nila itong naging kaklase.
Napatawa si Shanina.
Bigla ay naunawaan na niya kung bakit ganoon ito katipid magsalita. Aloof ito noong high school. Kahit anong daldal niya, napakatipid nitong sumagot. Laging one-liner, o kung makukuha sa tango, iyon lang ang isasagot nito. Noon pa man ay interesado na siya sa lalaki. Nagtataka siya kung bakit gano'n ito makitungo sa kanila. Wala itong masasabing kaibigan noong high school. Hindi nasama sa kanila, kahit noong hindi sila pumasok sa school noong intrams, hindi ito sumama sa lakad nila. Ang sabi ay uuwi na lang kaysa maggala.
Naging seatmate niya ito sa loob ng isang grading period, at pinilit niyang alamin kung ano ang hugot nito sa buhay. Pero talagang suplado at aloof ito. Hanggang sa mawalan na lang sila ng balita ay hindi niya alam kung bakit ganoon si Joseph. Always keeping to himself.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ilang taon na ang lumipas, matipid ka pa ring magsalita?" Natatawang komento niya. "Bakit bigla kang umalis? Nawalan na kami ng balita sa iyo simula nang umalis ka rito. Anyway, kumusta ka na? Kami rito gan'to pa rin, wala halos pinagbago."
"Okay lang ako. At halata ko nga na wala pa ring nagbago sa'yo," nakangiting sagot nito. Ngiting muli na namang nakadistract kay Shanina.
"Magkakilala kayo?" ani Mommy Lourdes na bagong lapit sa kanila. Kasama nito ang mga bata kanina pero ngayon ay wala nang kasama ni isa.
"Kilala ko pala siya, Mommy. Naging classmates kami nung third year."
Ngumiti ang ina niya. Ngiting aakalain ng hindi nakakakilala rito na harmless. Pero dahil kilala niya ang ina, alam niyang sa likod ng ngiti nito ay naroon ang panunudyo. Tiyak na may kalokohang naisip ang mommy niya.
"Hindi na pala ako ang dapat magpakilala sa kaniya sa mga kuya mo kung ganoon. Ikaw na. Kaya mo na 'yan. Naroon sila sa game room. Sila muna ang natingin sa mga bata."
Kung ang mommy niya ay itinutulak siya sa pag-aasawa, ang ama at mga kuya niya ay protective naman sa kanya pagdating doon. At sa kauna-unahang pagkakataon, biglang kinabahan si Shanina na magpakilala ng lalaki sa mga kuya niya. Kabang hindi rin niya alam kung saan nagmula.
Napasulyap siya sa lalaking kasabay maglakad papunta sa game room. His handsome face passive, his magnificent body that his t-shirt barely hide, is relax. Pero kahit na seryoso ito at wala na ang ngiti sa mga labi, hindi maintindihan ni Shanina kung bakit na stock na yata sa dibdib niya ang pakiramdam na idinulot nito doon kaninang nginitian siya.
Naramdaman yata nito na nakatingin siya dahil lumingon ito bigla.
"Bakit?" Nakakunot-noo si Joseph pero parehas ang epekto sa kanya ng seryoso at nakangiting mukha ng lalaki.
"Oh. Nothing, really," na sinabayan niya nang kibit-balikat. Wala namang dahilan para kabahan siya. It's not as if ipapakilala niya sa ama at mga kuya ang mapapangasawa. Pinipilit isiksik ni Shanina sa isip na classmate niya si Joseph. Wala itong malisya.
BINABASA MO ANG
My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)
RomanceNow available at ebokware! http://www.ebookware.ph/product/my-not-so-ideal-man/ Mataas ang standard ni Shanina pagdating sa lalaking gusto niyang maging parte ng buhay niya. At hindi naman iyon kalabisan dahil hindi naman ito lugi sa kanya. She know...