Chapter 9

1.8K 86 4
                                    

"You made me stronger by breaking my heart, you ended my life and made a better one start, you taught me everything about falling in love and letting go of a lie, yes you made me stronger, baby, by saying goodbye......"

"Naks! Feel na feel!" ani Shanina kay Armida. Nasa bahay sila ni Angelie, kasama roon ang iba pa nilang kaibigan at mga kaklase. Kanina pa sila naroon. Nakaupo sa sofa, nagkalat sa lamesa ang bote ng alak. Nakaupo sila sa harap ng tv habang si Armida, ang laging voted song leader ng batch nila, ay panay ang kanta.

"Aalis muna kami," ani Owen na kalalabas mula sa kusina, kasabay sina Lele at Jeraldine.

"Saan naman ang punta n'yo?" ani Sherin, na sa wakas ay ibinaba rin ang notebook. Kanina pa ito sulat nang sulat doon.

"Itatanan ko na itong Crushmate ko," ani Owen na taas-baba ang kilay.

"Loko mo! Magtanan kang mag-isa mo," ani Jeraldine na iningusan lang si Owen.

"Panis!" ani Lele bago tinawanan si Owen.

"At least kay Jeraldine, may gustong mangtanan, sa iyo, Angelie, walang may gusto," ani Anton, ang mortal na kakompetensya ni Angelie noon pa mang high school sila.

"Walang nagtatanong sa iyo, Anton. Manahimik ka d'yan," nakataas ang kilay na sagot ni Angelie.

"Saglit lang kami. May tatagpuin lang kami sa kanto. Babalik din kami kaagad," ani Owen.

"Isama n'yo na 'tong si Anton. Iwan n'yo na sa kanto!" Pahabol na sigaw ni Angelie kina Owen at Jeraldine na palabas na ng bahay.

"Kunwari ka pang ayaw mong narito ako. Inimbitahan mo naman ako," ani Anton, feel at home ang pagkakaupo ng lalaki, naka de kwarto pa.

"Hoy, Anton, hindi kita inimbitahan! Nangangarap ka na naman nang gising diyan," nakaismid na sagot ni Angelie.

Inilabas ni Anton ang cellphone. Ihinarap ang screen kay Angelie, "Ayan o! Babasahin ko pa para maalala mo ang post mo sa group page natin. Birthday ko sa linggo at iniexpect ko na lahat kayo ay pupunta. Ang hindi dadalo, kailangang bigyan ako ng regalo," ani Anton, muling ihinarap ang screen kay Lele. "Kita mo, may screenshot pa 'yan. Kaya pumunta na lang ako rito, para hindi na ako gumastos sa regalo, nakakain pa ako. Bawi na rin yung pinang-gas ko."

"Aba't talagang!" ani Angelie na tumayo, naniningkit ang mata, nakapamay-awang pa. "Kapal mo rin ano!"

"Gwapo kamo," ani Anton. Itinaas ang isang bote ng beer, nagmuwestra na parang nasaludo kay Angelie, saka unimom.

"Naku!" itinaas ni Angelie ang dalawang kamay. Nakakuyom, halatang gigil na gigil.

"Anton, pwedeng magparaya ka muna. Birthday n'ya ngayon, inaaway mo," natatawang kumento ni Shanina. Binalingan niya si Armida. "Tol, kumanta ka na nga lang ulit para masaya. Yung pang-party. Para malibang itong dalawang ito."

"Sure," ani Armida na muling nagkey-in ng kanta.

"Magandang material sa kwento ang dalawang iyan," ani Sherin, na muling dumampot ang notebook.

"Gan'yan lang talaga maglambingan ang dalawang iyan," ani Vince na pabirong sinuntok si Anton sa balikat. "Buti nga 'yan si Lele, harapan kung lumaban kay Anton. Hindi katulad ng iba diyan, pailalim tumira," ani Vince na sinulyapan si Sherin na patay-malisya lang habang nagsusulat sa notebook na dala.

"Excuse me! Iyan! Lambingin ko?" nakaturo si Angelie kay Anton. "Ewwww! Magpatuka na lang ako sa ahas," anito bago umirap.

"O, kayo naman," ani Armida matapos magkey-in ng panibagong kanta. At dahil si Shanina ang katabi, sa kanya nito iniabot ang song book.

"Okay. Tayo pa ba ang aatras sa kantahan," ani Shanina na binuklat ang song book. Matapos pumili ng kanta at mai-key in ang number ay iniabot niya sa ibang naroon ang song book. "Kayo naman. Ang lagay, kami lang ni Armida ang ngangawa rito? Hindi n'yo kami entertainer."

"Kulang pa sa alak. Mamaya kapag lasing na kami, hindi na kayo makakahawak ng mike," ani Djonas.

"We're back! Nakasalubong na namin s'ya," ani Owen. "Guess who's with us!"

Shanina's heart skipped a couple of beat. Hindi niya inasahan na darating ang lalaki. Tinanong niya ito kahapon nang makita niya sa may garden. Ang sabi nito ay hindi sigurado kung makakapunta ngayon. But here he is now.

"Hi!" anang nakangiting si Joseph, may hawak na box ng cake.

"Tanda n'yo pa ba s'ya?" ani Jeraldine sa mga kaklase nila. Ang iba ay tumayo at lumapit. Ang iba naman ay nanatili sa bangko, nakatitig sa bagong dating.

"Oo naman! Joseph!" ani Djonas. "Pare, kumusta?" Nakipagkamay pa ito sa lalaki.

"Long time no see, pare. Kumusta?" ani Vince, kinamayan din si Joseph.

"Mabuti naman. Kayo, kumusta?"

"Mabuti naman kaming lahat dito," ani Anton na kinamayan din si Joseph. "Teka. Tanda mo pa ba ako? Ang pinakamatalino sa batch natin?"

"Pinakamayabang kamo," sabat ni Angelie na lumapit din kay Joseph. "Hindi ko na kailangang tanungin kung tanda mo ako dahil sigurado akong hindi mo malilimutan ang isang tulad ko, ang totoong pinakamatalino."

The room erupted in laughter. Kahit si Joseph ay hindi napigilan ang paghalakhak.

"Oo, hindi ko nakalimutan," nakangiting sagot nito. "Salamat sa pag-imbita, at happy birthday," anito, iniabot ang cake kay Angelie.

"Salamat. Buti ka pa, nag-abala, samantang yung isang tao diyan, hindi naman talaga invited, ang lakas ng loob pumunta," ani Angelie na umismid at tiningnan si Anton na tatawa-tawa lang.

"Halika, kumain ka muna," ani Angelie. Lumakad ito pabalik sa pwesto ni Shanina at hinigit siya patayo. Iniabot sa kanya ang cake, "Ilagay mo sa ref. Assist mo na rin si Joseph sa kusina."

Alam niya na ito na ang simula ng panggigisa ng mga kaibigan. Kaninang dumating siya roon ay nacorner na siya ni Sherin at Angelie. Kasama sina Armida at Jeraldine ay pilit siyang pinapaamin tungkol sa "panlalandi" raw niya kay Joseph. Itinanggi niya iyon, pero lalong hindi naniwala ang mga kaibigan. May nakapagkwento raw sa mga ito na nakipagdate siya sa mag-ama sa plaza.

"Bakit ako? Ipapaalala ko lang, bahay mo ito. At Ikaw ang may birthday."

"Hindi ka na iba sa bahay ko. Sanay ka naman dito. At isa pa, marami akong bisita rito sa labas. Nakakahiyang iwan ko silang lahat dito. Sige na. Go!"

"Susunod na po, Kamahalan," ani Shanina bago bumaling kay Joseph at sinenyasan itong sumunod sa kanya.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon