"Hi! Pasok kayo," nakangiting bungad ni Shanina sa mag-amang nasa labas ng gate.
"Chelsy!" ani Mika na sinalubong kaagad ang bata. Nasanay na ang dalawa na laging magkalaro tuwing weekend.
Kahit noong nga panahon na alam niyang naiwas si Joseph, hindi naman nito binabawalan ang bata na pumunta sa kanila at makipaglaro sa mga pamangkin niya. Kahit nga hindi weekend ay naroon din lagi ang bata. Naging malapit na ito sa Mommy Lourdes at Daddy Pete niya.
"Mika!" ani Chelsy na sinalubong din ang pamangkin niya.
"Chelsy, let's give your gift first," ani Joseph sa anak.
"Kay," sagot ng bata, ito ang may dala ng regalo.
"Grandpa Pete is at the garden. Let's go," ani Mika. Magkahawak kamay ang dalawa na naglakad.
"Hi," baling ni Shanina sa lalaki, na alam niyang kanina pa nakatitig sa kanya. Nasa mga mata nito ang paghanga. At hindi nagsisisi si Shanina na nag-effort siya sa pag-aayos ng sarili at pagpili ng susuotin.
Kinunsulta pa niya ang mga hipag kung alin ang dapat na suotin. Pinili ng mga ito ang yellow and white floral halter dress na ang haba ay hanggang tuhod. Sabi ng mga hipag ay na-encapsulate ng damit ang personality niya, fresh, sunny and bright, chic but still captivating. The dress accentuates her long legs and it hug all the right places of her body. Iyon daw ang suotin niya dahil floral, hindi raw halatang nag-aakit siya.
But her mom countered. Mas halata raw na nang-aakit siya dahil parang ipinahihiwatig niyang isa siyang bulaklak na namumukadkad, handang pagpadapo sa bubuyog. That comment brought the house down. Natanong tuloy sila ng daddy at mga kuya niya kung ano ang pinagkakaguluhan nila sa itaas.
"Hi," ganting sagot ni Joseph. Still looking intently at her. No trace of smile on his lips.
"Let's go?" Nagpauna siyang maglakad papunta sa garden. Letting him get a better view from behind.
Bago pa makarating ng garden ay tumigil siya at nilingon si Joseph. Gusto niyang makita kung effective ba ang scheme niya. And from the burning look she received, Shanina knows she got him. Ngumiti si Shanina at inantay na makalapit ang lalaki.
"Kanina pa hinahanap ni Mika si Chelsy. Gusto na nga niyang pumunta sa bahay n'yo at sunduin doon ang anak mo," inipit niya sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok na hinayaan niyang nakalugay sa gilid ng mukha.
Maliban sa pagpili ng damit, pinag-isipan din niya ang gagawing ayos sa buhok. At ang ending ay messy top bun para walang nakaharang na buhok sa kanyang leeg at balikat.
Sabi ng mga hipag niya, bulag na lang ang lalaking hindi maaakit sa kanya. At kung pagbabatayan ang reaksyon ng mga binatang bisita nila sa garden, tama nga ang mga hipag niya. Hindi lang ang mga kabinataan ang nabighani, maging ang ilang kumpanyero ng daddy niya ay nagsabing ipapakilala siya sa anak ng mga ito. Ang iba ay nagsabing sana ay isinama daw pala ang mga anak.
"Kanina pa rin magyayaya si Chelsy," nag-iwas ito ng tingin sa kanya. His jaws clenched tightly.
Shanina is thrilled. Sisiguraduhin niyang maaakit niya si Joseph. At alam niyang magagawa niya iyon. Judging by the look on his face and on his reaction upon seeing her, Shanina knows she can pull this off.
"Sana nga ay pumunta na kayo kaagad dito," pinipigil niyang rumehistro ang nararamdaman sa mukha.
Hindi sumagot si Joseph. Nanatili sa unahan ang tingin, sa anak nito na naglalakad palapit sa lamesa kung saan nakaupo ang daddy niya. Tahimik na humakbang si Joseph pasunod sa anak.
"Happy bi-day, Ganpa Pete!" ani Chelsy, iniabot ang regalo rito. Pinahaba nito ang nguso, yumuko naman ang daddy niya at hinayaang mahalikan ni Chelsy sa pisngi.
"Thank you, Chelsy," nakangiting sagot nito, hinawakan sa ulo ang bata.
"Happy birthday po at congratulations," ani Joseph nang makalapit sa Daddy niya.
"Salamat, Joseph. Kumain na muna kayo ni Chelsy," nakangiting sagot ng ama niya.
"Ako na ang bahalang mag-istima sa kanila, Dad."
"Daddy, I wanna pay," ani Chelsy, nakahawak na ulit sa kamay ni Mika.
Bumaling si Shanina kay Chelsy, "How about we eat first, Sweetie?"
"Tita, can we eat at the game room? Yaya Rosa will feed us," ani Mika.
"Pleet, Tita Shaneena?" ani Chelsy, her cute little face pleading. And who can resist this kid's charm? Certainly not her.
"Okay," kinawaya niya ang yaya ni Mika. "Yaya Rosa, ikaw na po ang bahala sa dalawang ito. Maglalaro raw po muna sa game room. Papadalhan ko na lang po kayo roon ng pagkain. Doon na raw po sa loob kakain ang dalawa."
Kumaway muna sa kanila ang dalawang bata bago nagtatakbo papasok sa loob ng bahay.
"Tutuloy na rin ako. Ihinatid ko lang talaga si Chelsy at gusto kong personal na batiin ang daddy mo. Ipapasundo ko na lang siya mamaya kay Nanay Adelfa."
"Hindi ka pa kumakain," siya na ang nagkusang humawak sa kamay nito at humigit papunta sa isa sa mga lamesang nakaarrange sa garden.
"Hi Shanina. Hi Joseph. Everything alright?" ani Ate Brenda, ang asawa ni Kuya Samuel. Katabi nito si Ate Celine, ang asawa ni Kuya Arvin. Alam niyang double meaning ang tanong ng hipag.
"Yes," nakangiting sagot ni Shanina.
Nakilala na ng mga hipag niya ang lalaki noong unang nagpunta sina Chelsy at Joseph sa bahay nila.
"Dito na kayo makishare sa lamesa namin. May bakante pa namang bangko. At Shanina, hija, baka gusto mong ipakilala sa akin ang lalaking ka-holdings hands mo," ani Tita Gertrude, ang nakababatang kapatid ng Daddy niya.
Malapit siya rito. At katulad ng ina, madalas siya nitong ipagtabuyan sa pag-aasawa. OB-Gyne ang tiyahin niya. At hindi niya magawang mainis o matawa sa tiyahin kapag minamadali siya nito sa pag-aasawa. Supported ng medical study ang dahilan nito. Kapag nagthirty-five na raw ang babae ay hindi na maganda ang quality ng egg cell na napoproduce.
Nilingon niya si Joseph at nginitian, "Dito na tayo, ipapakikilala kita sa tiya at iba pang pinsan ko," bukod sa mga hipag at tiyahin, doon din nakapwesto ang iba pa niyang pinsan na ngayon ay nakatingin din kay Joseph.
Tumango naman ang binata. Naghahanap si Shanina ng palatandaan na nag-aalangan si Joseph na mga kamag-anak niya ang makakasama sa lamesa, pero wala siyang makita.
"Joseph, si Tita Gertrude, ang pinakamaganda, pinakamabait, pinakamatalino at pinakamasipag na kapatid ni Daddy," ani Shanina. Nagtawanan ang lahat ng mga naroon dahil sa sinabi niya.
"Ako talaga ang lahat ng pinaka, kasi ako lang naman ang nag-iisang kapatid ng Daddy mo," anang tiyahin niya. "Maldita ka talaga. Perfect combination ng wits ng daddy mo at pagiging masayahin ng mommy mo. At syempre, namana mo ang ganda ko."
Napatawa si Shanina, maging ang ibang pinsan niya.
"I know! I'm lucky, right!" ani Shanina matapos tumawa. Bumaling siya sa iba pang nakaupo sa lamesa at ipinakilala rin ang lalaki sa mga pinsan niya.
"Dito ka maupo," itinuro ni Tita Gerture kay Joseph ang bakanteng bangko sa mismong tabi nito. "Gusto kitang makilala. Sa dami ng inireto naming lalaki kay Shanina, ikaw ang kauna-unahan kong nakitang ka-HHWW ng pihikang pamangkin ko."
"HHWW! Alam mo iyon, Tita?" nagtatawang tanong ni Brenda.
"Oo naman. Marami akong natututunan kapag nagcoconduct kami ng medical mission sa mga baryo. Well, anyway. I want to know more about this handsome fellow. I know my neice. She will not fall for someone with just a handsome face. There's got to be more to this young man that draw my neice to him," anito, pinagmamasdan ang lalaking naupo sa tabi.
"I hate to disappoint you, Ma'am. Wala pong espesyal sa akin na maaaring magustuhan ng pamangkin n'yo."
"Oh, let me be the judge of that, young man," anito, pinagmamasdan pa ring mabuti si Joseph.
Nagkibit-balikat na lang si Joseph. Halatang walang planong gawin para magpaimpress sa tiyahin niya.
BINABASA MO ANG
My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)
RomanceNow available at ebokware! http://www.ebookware.ph/product/my-not-so-ideal-man/ Mataas ang standard ni Shanina pagdating sa lalaking gusto niyang maging parte ng buhay niya. At hindi naman iyon kalabisan dahil hindi naman ito lugi sa kanya. She know...