"ARE YOU getting bored?" ani Joseph, nasa library sila. Inaantay nila doon ang daddy niya.Matapos kunin ng mommy niya ang bote ng beer sa mga kuya niya ay nagkwentuhan na lang sila. Gusto pa ulit kumuha ng beer ng daddy niya, pero pinigilan na ito ng mommy niya. Kanina pa raw ito umiinom noong kausap ang mga kumpanyerong galing Maynila.
Pasado alas-syete ng gabi na rin umuwi ang mga kuya niya. Maging si Chelsy ay naihatid na rin ni Joseph sa kabilang bahay. Nakatulog na ang bata sa game room kanina. Bumalik lang ito sa kanila dahil sinabihan ito ng ama niya na gusto itong makausap nang sarilinan.
Sabi ng mommy niya na umakyat lang daw saglit ang daddy niya sa kwarto at magpapalit ng damit. Pero kanina pa sila ni Joseph sa baba, inabot na sila ng alas-otso ay wala pa ang daddy niya. Maging ang mommy niya ay hindi pa rin nababa.
"Nope. Never," ani Shanina. Nakatukod ang siko niya sa mahogany desk habang ang mukha ay nakapatong sa palad. Imbes na sa screen ng laptop ay sa mukha ni Joseph siya nakatitig.
"Akala ko ba gusto mong makita ang mga website na ginawa ko?" Bumuntong-hininga si Joseph.
"Oo nga," mula sa pagtitig sa lalaki ay sinilip niya ang screen ng laptop sa harapan nila pero muli siyang tumitig sa lalaki.
"Babalik na lang siguro ako bukas. Baka nakatulog na ang daddy mo," itinulak nito ang laptop palapit sa kanya.
"Baka pababa na iyon," itinulak niya ang laptop sa harapan ni Joseph. "Show me more."
"You're not listening," ani Joseph, umiling ito at inisa-isang i-close ang webpage na nasa screen.
"Guilty as charged. I am busy staring at you. Masama bang ibalik ang compliment na iyon? Maghapon akong hindi mapakali dahil sa pagtitig mo sa akin. I can feel your intense stare. But I am not complaining. I actually like that you can't get your eyes off of me."
Joseph's jaw clenched tight, he takes a deep breath and fixed his eyes on her laptop. Tuloy ang pagcoclose nito ng mga webpage at program na nakabukas. Hanggang sa maubos iyon at lumabas ang screen saver niya.
"Shit..." ani Joseph, ipinikit ang mata at ibinaba ang screen.
Shanina chuckled. Sinadya niyang ang inilagay na screen saver ang picture niya noong nagswimming sila sa Nasugbu. She is in the sea shore, wearing a two piece white bikini, her back on the camera, her long hair catches the wind. Ang kanang kamay niya ay nakataas, naka-peace sign, habang ang kaliwa ay nakapamay-awang. Nakalingon siya sa camera at nakangiti.
"You're enjoying this, aren't you?" Joseph's eyes meet hers, fire in the depths of them.
"Slight," ani Shanina. Nginitian niya ito. Mas mag-eenjoy siya kung tuluyang bibitawan ni Joseph ang kontrol nito sa sarili.
Tinitigan siya nito, na ginantihan din niya ng pagtitig sa lalaki. "Pinaglalaruan mo ba ako?"
"On the contrary, ikaw ang naglalaro sa akin."
"Hindi ako maalam maglaro ng damdamin ng ibang tao, Shanina. Kapag sinabi at ginawa ko ang isang bagay, iyon ay dahil sigurado ako. Hindi ‘yon dahil nadala lang ako ng emosyon o dahil curious lang ako sa isang bagay. I made sure I know what I am doing and that is for the better," ani Joseph. Tumayo ito at lumakad papunta sa pintuan.
"And walking away from me is for the better? How is that?"
"Yes. For both of our sake," ani Joseph na tumigil sa paghakbang.
"Paki-elaborate," lumapit siya kay Joseph at tumayo sa harapan nito.
"You have a perfect life and getting entangled with mine will make your life complicated."
BINABASA MO ANG
My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)
RomanceNow available at ebokware! http://www.ebookware.ph/product/my-not-so-ideal-man/ Mataas ang standard ni Shanina pagdating sa lalaking gusto niyang maging parte ng buhay niya. At hindi naman iyon kalabisan dahil hindi naman ito lugi sa kanya. She know...