"Hi, Chelsy!" ani Shanina. Naglalaro ang bata sa garden sa kabilang bahay. Nasa hindi kalayuan si Nanay Adelfa, ang yaya ng bata na kasama ng mag-ama sa bahay. Nakilala niya ito noong isang linggo din. Matagal na raw itong naninilbihan sa pamilya Alvarez.
"Tita Shaneena!" Tumakbo ang bata palapit at sumilip sa siwang ng mga puno ng kawayan. "Mika?"
"She will be here tomorrow, Sweetie," napangiti siya. Naging malapit ito kaagad sa mga pamangkin niya. Maghapong ayaw nitong umalis ng bahay nila. Umuwi lang ito noong umuwi na rin ang mga pamangkin niya.
"Kay," bigla itong nalungkot.
"Would you like to visit the plaza? We have a big playground there." Sabado ngayon at tiyak na maraming bata roon. Malilibang si Chelsy kung isasama niya. Magbabasa sana siya nang bagong labas na nobela ni Sherin, ang writer na kaibigan niya simula high school, kaya lumabas siya sa garden, nang makita niya ang bata.
She cannot help herself but call her. At kung interesante ang ama, equally interesting din ang anak. Sa maiksing panahong naobserbahan niya ang bata noong isang linggo ay hinangaan niya ang paraan ng pagpapalaki ni Joseph sa anak. Chelsy is polite, diciplined, courteous, but like other children her age, she is active and jolly.
Biglang ngumiti ang bata, "Paygound?"
Ngumiti rin si Shanina, "Yes, Sweetie. You like to come and play?"
"Nanay, paygound!" ani Chelsy na tumakbo palapit sa yaya nito.
"No, Chelsy, Nanay do not know playground," ani Adelfa.
"Hi, Nanay Adelfa. Alam ko po ang playground. Pwede ko po kayong samahan doon ni Chelsy. Para din po kapag naiinip ang bata dito sa bahay ay may iba pa kayong pwedeng pasyalan."
Tumingin sa kanya si Adelfa bago muling tumingin sa bata.
"Kaya lang baka hindi kami payagan ni Joseph. Hindi pa kasi niya kabisado ang mga tao rito kaya ayaw pa niya kaming masyadong pinapalabas ni Chelsy," anito sa nag-aalangang boses.
"Paano po kayo masasanay sa mga tao rito sa atin kung hindi kayo lalabas? Ako po ang bahala. Ipagpapaalam at sasamahan ko rin po kayo."
"Paygound, Nanay!"
"We have to tell daddy first," ani Nanay Adelfa.
Tumango ito at nagtatakbo pabalik ng bahay habang isinisigaw ang "Daddy, paygound!"
Napangiti si Shanina. Pumasok siya saglit sa bahay at iniwan doon ang aklat. Lumabas siya ng bakuran at lumakad papunta sa kabilang bahay. Sigurado siyang hindi mapahihindian ni Joseph ang anak.
Sanay siya sa kabilang bahay dahil nanging malapit na magkaibigan ang mommy niya at si Tita Elvie. Pero dahil iba na ang nakatira doon ngayon ay nag-alangang pumasok si Shanina sa bakuran, sumilip lang siya sa loob. Kinawayan siya ni Adelfa kaya dumiretso na rin siya nang pasok.
"Nasaan po si Joseph?" pinasadahan niya ng tingin ang bahay na ibang-iba na ang loob ngayon kaysa nang huli siyang pumasok noong sina Tita Elvie pa ang nakatira. Minimalist ang design. Black and white ang majority ng kulay ng mga furniture na lahat ay functional. Walang kung ano-anong design at abubot doon. Ang tanging naliligaw na makukulay na bagay sa bahay ay mga laruan ni Chelsy. Halatang kulang sa feminine touch ang bahay.
"Nasa taas, nagbibihis lang," ani Adelfa.
"May lakad din po s'ya?"
"Si Joseph na lang daw ang sasama kay Chelsy sa playground."
Ikinagulat iyon ni Shanina. Alam niyang hindi naglalalabas ng bahay ang lalaki. Nasabi iyon ng mommy niya sa kanya. Ayon dito ay may tinatapos daw na project kaya madalas sa loob ng bahay. Nacurious tuloy siya kung ano ba talaga ang trabaho ni Joseph.
"Tita Shaneena!" ani Chelsy na tumakbo palapit sa kanya. May dala-dalang stuff toy na Mini Mouse.
"Hi! Are you exited?" ani Shanina na tumalungko sa harapan ng bata. Sa totoo lang, siya man ay biglang naexcite nang malamang si Joseph ang sasama sa bata.
Tumango ito. "Paygound!" anang bata na nakangiti, itinaas ang isang kamay at tumalon-talon pa.
Napangiti si Shanina. Nakakahawa ng excitement at saya ng bata. "Play....."
"Pay...."
Napangiti lalo si Shanina, "Again, Sweetie. Play..."
"Play...." ani Chelsy, bahagya pa nitong ikiniling ang ulo.
"Very good. Now say, ground..."
"Gound..."
Napangiti siyang muli, "Ground, Sweetie. Playground.."
"Paygound.."
Napatawa nang tuluyan si Shanina, "Right. We will try again next time."
"Let's go?" ani Joseph, pababa ito sa hagdan, nakapantalon at gray na t-shirt ang lalaki. Pero ang nakapagpangiti kay Shanina ay ang nakasukbit na Peppa Pig na bag sa balikat nito.
Who would have thought that a physically fit, good looking guy with a pink pig backback would be a breath taking sight?
"Lets," aniya, hindi pa rin magawang ihiwalay ang tingin sa lalaki. Maging ang ngiti niya ay hindi mabura sa mga labi. Tama talaga siya. Hindi niya kailangan ng physical activity para maexercise ang puso. Lumapit at tumunganga lang sa harapan ni Joseph ay sapat na para magwala ang puso niya.
Kumunot ang noo ni Joseph, "Bakit?"
"Wala lang..." ani Shanina na tumayo sa pagkakatalungko. "It's just that you look so cute with that bag. Bagay na bagay," aniya na sinabayan ng tawa.
Napatawa rin si Joseph pero inayos ang pagkakasabit ng bag sa balikat, "Bibili na lang ako ng ibang bag na hindi mo tatawanan."
"Oh, no! Don't get me wrong! You really look.... hmmmm.... let me find the right words... you look hot with it."
She meant what she said but because she wink, it seems Joseph did not take her seriously. Muli siyang tinawanan ng lalaki bago binalingan ang anak na pilit inaabot ang bag.
"Let Daddy carry Peppa for you, Chelsy," anito sa anak. Kita ang adorasyon at pagmamahal nito para sa bata.
Shanina is mesmerize. She is seeing another version of him. Nakita niya ang kalituhan, sakit at pagdududa sa mga mata ng lalaki. Pero ngayon, kita niya ang pagmamahal sa mga mata ni Joseph. Shanina was beyond touched from the scene in front of her.
Tumango naman ang bata at muling sumigaw na may kasamang talon, "Paygound, Daddy, paygound!"
"Yes, baby. We're going," nakangiting sagot ni Joseph. And Shanina suddenly want Joseph to look at her with the same adoration and love in his eyes. To see Joseph smile gently at her. And her heart nearly miss a beat when he suddenly look her way, "Let's go?"
Napakurap si Shanina bago tumango. Ibinaling na lang niya kay Chelsy ang paningin. Dahil kung hindi, malamang na hindi siya makahakbang. Both father and daughter is a force to be reckoned with. Akala pa naman niya, walang makakatibag sa composure niya.
"Lets go, Sweetie.." hinawakan niya ang kamay ni Chelsy at nagpauna na sila sa paglakad palabas ng bahay.
She needed to hold her hand for stability. Sinong mag-aakalang siya, si Shanina Ritual, ang may mina ng self-confidence at self-composure sa barkadahan nila ay bigang kakabahan at manlalambot dahil sa isang lalaki? Lalaki na hindi nga niya sigurado kung attracted sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)
RomanceNow available at ebokware! http://www.ebookware.ph/product/my-not-so-ideal-man/ Mataas ang standard ni Shanina pagdating sa lalaking gusto niyang maging parte ng buhay niya. At hindi naman iyon kalabisan dahil hindi naman ito lugi sa kanya. She know...