Chapter 6

2K 95 6
                                    

"May kalayuan din ang plaza kung lalakarin, di ba? Gumamit na lang tayo ng sasakyan," ani Joseph na umagapay sa paglakad nila ni Chelsy.

Gosh! Bakit naman kahit ngayong hindi siya nakatingin sa lalaki ay nadoble pa yata lalo ang bilis ng tibok ng puso niya? Tumabi at naamoy lang niya ang cologne ng lalaki.

"Much better. Baka mapagod sa paglalakad si Chelsy," ani Shanina. Bumalik nang muli ang kumpiyansa at tiwala sa sarili na bahagyang nayanig kanina dahil sa ngiti ng lalaki.

Hindi napigilan ni Shanina na lingunin si Joseph sa kanyang tabi. At muli, hindi niya magawang pigilan ang pagsungaw ng ngiti sa kanyang mga labi. Exciment running over her body.

Ginantihan naman ni Joseph ang ngiti ni Shanina. Hinawakan siya ni Joseph sa siko at ginaya siya palapit sa Fortuner na nakapark sa garahe. Binuksan ni Joseph ang pintuan sa hulihan ng kotse, binuhat ang anak at iniupo sa car seat na nakainstall doon. Umikot si Shanina sa kabilang side pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay nagsalita si Joseph.

"Sa unahan ka maupo."

"Sure," ani Shanina. Muling bumalik sa kabilang side. si Joseph na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"Salamat," nginitian niyang muli ang lalaki bago sumakay. Si Joseph na ang nagsarado ng pintuan sa gawi niya bago ito pumuwesto sa driver seat.

"Buti naisipan mong lumabas ng bahay," pagbubukas ni Shanina ng usapan.

"Gusto raw mamasyal ni Chelsy sa playground. Tapos na rin naman ang website na ginagawa ko kaya naisipan ko ring mamasyal muna bago mag-umpisa ulit sa panibagong website na gagawin ko," sagot nito, hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

"Website developer ka?"

"Yeah."

"Freelance?"

Tumango lang si Joseph. Kung si Joseph ay nasa kalsada ang konsentrasyon, siya naman ay nasa lalaking katabi. Nakatitig siya sa profile ng lalaki. In his straight nose, thick lashes and lips. Napailing siya. Ni minsan ay hindi niya inakalang maaattrack siyang titigan ang isang lalaking napakadalang ngumiti. She want someone who can make her laugh, but here she is, spending time with a man who barely talk.

"Kagandahan ng freelance at home-base work. Nakakapagtrabaho ka sa piling ng pamilya mo. Anytime, anywhere," ani Shanina, itinaas niya ang kamay at nagmuwestra na dapat kumanan si Joseph. Pagliko nito sa kanto ay itinuro niya ang Freedom Arch na siyang main entrance ng plaza.

"Yeah. Kaya nga kaya kong makapaglipat-lipat ng lugar na walang kumokontrol sa akin," anito habang naghahanap ng parking slot sa loob ng plaza.

Pagtigil ng sasakyan ay nagkusa na si Shanina na buksan ang pinto sa gawi niya. Si Joseph naman ay kinuha ang anak sa car seat na tuwang-tuwa at nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground.

"Paygound, paygound!" ani Chelsy, nagtatakbo ito papunta sa bakanteng swing.

"Careful, Chelsy," ani Joseph, isinukbit ang Peppa Pig na bag sa balikat. Muling napangiti si Shanina. Nang masiguro nitong nakasarado ang kotse ay lumakad palapit sa anak na nagsuswing.

"So, how are you connected to Tita Elvie?"

"Father side," ani Joseph. Hawak ang kadena na pinagkakabitan ng swing at mabini iyong inuugoy. Si Shanina naman ay naupo sa concrete bench na katapat ng swing.

"Baliktad kayo ng tita mo, ano? Si Tita Elvie, kinuha ng anak niya na nasa Vancouver para magkasama-sama na raw sila roon. Pero ikaw, nadoon na ang pamilya mo, umuwi ka pa talaga rito," pinagmamasdan pa rin niya ang lalaki na hindi nagkumento, nagkibit-balikat lang.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon