Chapter 11

1.9K 95 4
                                    

Napatigil sa planong pagbubukas ng screen door ng kusina si Shanina nang makita ang lalaking kausap ng ina sa garden. Bitbit pa rin ang bag ay tumuloy siya sa paglabas, diretso sa likod bahay palapit sa mommy niya at kay Joseph.

"Good afternoon!"

"Good afternoon, anak. Dumating ka na pala," anang mommy niya na lumingon sa kanya.

"Good afternoon," ganting sagot ni Joseph na agad nag-iwas ng paningin.

Matapos ang nangyari noong birthday ni Lele ay napansin niya ang muling pag-iwas ni Joseph sa kanya. Hindi na niya ito nakikita sa garden tuwing hapon kapag narating siya galing sa school. Maging ang Mommy niya ay napansin din iyon. Itinanong nito kung may pinagtampuhan daw ba sila ni Joseph.

Naalala tuloy niya ang nangyari noong high school sila.
Paano kung pakiramdam ni Joseph ay napahiya na naman ito kaya umiwas bigla sa kanya? She and her outspoken, direct and chatty personality.

Nagcatalogue sila sa library kanina. Katulong ang assitant ay nag-arrange na rin sila ng mga bagong aklat sa library. Dahil napagod ay sinabi niya sa mga kaibigan na uuna na siyang umuwi. And now, she is glad that she got home earlier that usual. Pagkakataon niyang matanong ang lalaki.

"Anong meron?" ani Shanina, tumingin sa mommy niya, kay Joseph, sa ladder na nakatayo sa tabi ng lalaki at sa mga nagkalat na sanga at dahon sa garden.

"Pinakiusapan ko si Joseph na magprune ng mga dahon at sanga ng puno dito sa bakuran natin. Magbibirthday na ang daddy mo next week. Double celebration na nga rin para sa pagiging judge n'ya, at dito sa garden gaganapin ang handaan."

"Ah," napatango si Shanina pero napakunot-noo rin. "Mom, baka nakaabala pa po kayo kay Joseph. Pwede naman pong pagdating nila kuya na lang."

"Wala naman akong ginagawa. Katatapos ko lang ng initial design ng website na ginagawa ko. Inaantayan ko pa kung ano ang comment ang kliyente kaya may freetime talaga ako ngayon," sumagot man si Joseph sa kanya, hindi naman siya halos tingnan ng lalaki.

"Siya, Joseph, papasok muna ako at maghahanda ng hapunan. Dito na kayo kumain ni Chelsy," anang ina niya. Nang makita nito ang reaksyon ni Joseph, na siguradong tututol, ay dagling itinaas ng ina niya ang kamay," I will not take no for an answer. Dito kayo maghahapunan."

Napatingin sa kanya si Joseph, wari'y nahingi ng tuloy, pero itinaas lang ni Shanina ang magkabilang balikat. She knows her mom. Shanina is like her, stubborn and head strong. At alam niyang hindi mababago ang desisyon nito. Besides, bakit niya babaguhin kung gusto rin naman niya ang pagkakataong naibigay nito sa kanya?

"Narito naman si Shanina. Siya na ang magtuturo sa iyo kung saan mo ilalagay iyang nga sanga na iyan. Papasok na muna ako," anang ina niya bago tumalikod kay Joseph.

Pagharap nito sa kanya ay pinikitan siya ng mommy niya. And it dawned on her. Hindi ito basta pagkakataon lang, sinadya ito ng kanyang ina. Hindi napigilan ni Shanina ang mapangiti at mapailing.

"Mom! Really? What's gotten into you?" natatawang bulong niya sa ina nang tumapat ito sa kanya.

"Shhhh. You're welcome, dear," ganting bulong nito, muli siyang pinikitan at nginitian bago tuluyang pumasok sa bahay nila.

Napatawang muli si Shanina. Napailing siya. It seems her mother really wants to throw her out of the house. Akala pa naman niya na tapos na ito sa mga ganitong kalokohan. Nasabi niya sa ina noong nakaraan na hayaan na lang siya sa paghahandle ng lovelife. But she should know better. She really is like her mom, poking her nose in other people's personal life in an attempt to make it better.

Pero kahit natatawa siya sa antics ng ina ay talagang papasalamatan niya ito mamaya. Dahil sa pakikialam nito ay nagkaroon siya ng pagkakataong makausap nang sarilinan si Joseph.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon