Chapter 10

1.7K 91 9
                                    

"Upo ka na muna diyan," dumiretso siya sa ref at inilagay doon ang cake. Naglabas siya roon ng juice at ipinatong sa lamesa. May mga pagkain na nakahain doon.

"Anong gusto mo? Pansit, spaghetti, puto, maja, o rice? May kaldereta at menudo na ulam dito. Iinitin ko, gusto mo?" iniisa-isa niyang tanggalin ang takip ng mga pagkain.

Hindi sumagot si Joseph kaya nilingon niya ito. Pinagmamasdan nito ang bawat kilos niya. Ngumiti si Joseph nang magtama ang mga mata nila. That smile. It's telling her something changed.

Ramdam naman din niya na simula nang huli silang nag-usap, parang may nagbago namang talaga. Madalas niyang nakakabatian si Joseph sa tuwing narating siya sa bahay tuwing hapon. Ramdam niyang mas nagiging palagay na ang loob ng lalaki sa kanya.

Pero kita pa rin niya na may pumipigil pa rin sa lalaki na tuluyang magtiwala. Noong huli silang nag-usap ay alam niyang hindi pa nito nailalabas ang lahat ng angst nito sa buhay. Pero ayos na rin iyon. At least kahit papaano, may parte na ng pagkatao nito ang naibahagi na nito sa kanya.

"Hindi na. Busog pa naman ako. Pumunta lang ako dahil nahiya ako kay Angelie," ang inabot nito ay baso at magsalin ng juice.

Ayaw niyang umasa na may ibang kahulugan ang mga tingin at ngiti ni Joseph. Lalo na't alam niyang hindi pa ito handang magtiwala nang lubusan sa kanya. Pero hindi niya iyon maiwasan. Ilang beses na sinabi ng Mommy niya na napansin daw nito noong mga nakaraang araw na madalas natambay si Joseph sa garden tuwing hapon, at napasok lang sa loob sa tuwing nakauwi na siya.

"Ang daya mo." Kahit sinabi ni Joseph na busog ito, ipinagsandok pa rin ito ni Shanina ng spaghetti. "Kahapon, tinanong kita kung pupunta ka, sabi mo hindi ka sigurado. Kung alam kong pupunta ka, sa iyo na lang dapat ako sumabay."

"Sa akin ka na lang sumabay mamayang pauwi."

"Makikisabay talaga ako. Iisa lang naman tayo ng uuwian mamaya," kumuha siya ng puto at nilagyan ang pinggan.

"Talaga, iisa ang uuwian n'yo?" ani Angelie. Paglingon ni Shanina sa pinto ay hindi lang si Angelie ang nakasilip sa doorway, naroon din sina Sherin at Jeraldine. Si Armida ay naririnig niyang nanganganta kaya siguro wala sa nanunubok sa kanila.

Napatawa si Shanina. Tama talaga siya, may kalokohan ngang plano ang mga kaibigan niya. Ibinaba niya sa lamesa ang pinggan at humarap sa mga ito.

"Oo. Sa iisang bahay lang, iisang kwarto, iisang kama. Bakit, may problema?" Nakapamay-awang at nakataas ang kilay na sagot ni Shanina.

"Wala!" ani Angelie. Isa-isang nagsitalikuran ang mga kaibigan niya.

Naiiling na natatawa si Shanina nang humarap kay Joseph. Iniabot niya ang sinandok na pagkain dito, "See! Sabi sa'yo, annoying ang mga iyon."

Napatawa lang si Joseph at napailing din. Hindi kaagad nito kinuha ang pinggan na iniaabot niya, "Busog pa ako."

Pinaseryoso ni Shanina ang mukha, "Kunin mo. Kainin mo ito. Sigurado akong mamaya ay papainumon ka nila paglabas natin. Hindi magandang uminon nang walang laman ang tiyan."

Ngumiti si Joseph, "Concerned ka?"

"Slight lang," aniya, nginitian din ang binata.

Tumawa ito. Kinuha ang plato at nagsimulang kumain, si Shanina naman ay naupo sa tapat ng lalaki.

"Masarap ba?"

"Oo."

"Good. Sasabihin ko sa nagluto. Matutuwa iyon."

Napatawa si Joseph, "Akala ko kaya mo tinatanong kasi ikaw ang nagluto."

"Nag-aaral pa lang akong magluto ng mga komplikadong putahe. Mga pinirito lang ang kaya kong lutuin. Sabi ni Mommy, kung mag-aasawa na ako, dapat maalam akong magluto. Dahil kung hindi, baka isauli raw ako ng mapapangasawa ko." Inilapit niya ang kaldereta at menudo sa pinggan ni Joseph. "Tikman mo 'to."

"Bakit, ikaw ba ang nagluto?" Kumuha ito nang kaunting ulam at inilagay sa plato.

"Hindi."

"Hindi pala, e, bakit ipinapatikim mo ulit sa akin?" natatawang tanong ni Joseph.

"Aalamin ko kung magugustuhan mo," nangalumbaba siya at tinitigan ang lalaki. "Masarap ba?"

"Bakit importante sa iyo kung magugustuhan ko, e, hindi naman ikaw ang nagluto?" nakakunot-noong tanong ni Joseph. Matapos maubos ng pagkain ay inabot nito ang juice at uminom.

"Kasi kung magugustuhan mo, magpapaturo ako kung paano ang eksaktong timpla n'yan. Tapos pag-aaralan ko. Ipapatikim ko sa iyo. Tatanungin kita kung pasado na. Para malaman ko kung pwede na ba akong mag-asawa."

Hindi sumagot si Joseph, tinitigan lang siya, waring sinisigurado kung seryoso siya. Sa kabila nang nagrarambulang tibok ng puso ay ngumiti si Shanina, "Ano, masarap ba? Nagustuhan mo ang timpla? Para kung nagustuhan mo, pag-aaralan ko na."

At kung kanina ay light lang ang atmosphere sa kusina, bigla iyong nag-iba. Joseph's face become serious. His eyes becomes guarded but he cannot suppress the fire that ignited from the depths of them. It send excitement in the pit of Shanina's stomach.

Ikiniling ni Shanina ang ulo sa kaliwang kamay at nginitian si Joseph.

"Oy, mamaya ka na lumandi. Kanta mo na ang kasunod," ani Armida na pumasok sa kusina. Iniabot na sa kanya ang wireless mike.

"Ako na ba?" aniya, lumapit siya kay Joseph at hinigit ito sa kamay, "Halika na. Tapos ka na namang kumain. Mamaya na natin 'yan balikan para ligpitin," hawak pa rin ang kamay nito nang lumabas sila ng kusina.

Umugong ang kantiyawan ng mga nasa sala nang makitang magkahawak-kamay sila ni Joseph.

"Ang bilis mo talaga, Shanina!" ani Owen na napalakpak pa.

"Ikaw lang naman ang makupad," iningusan niya ito. Binitawan na niya ang kamay ni Joseph, na naupo sa pagitan nina Vince at Anton.

Pumailanglang ang instrumental ng kanta, "Ehem.... sa makikinig ng kanta ko, makinig na lang. Wag nang magkomento," ani Shanina na ikinatawa ng mga kasama niya.

"Is this love, feeling restless inside, wanting you to always be my side, I don't even want you out of my sight, you are in my thoughts all day and night, I can't get you out of my mind, I think I'm in love."

"Woooohhhhhhh!" Tilian ng mga kaklase niya. Meron pang pumipito. Nilingon naman niya si Joseph at nginitian. Pero lalo lang sumeryoso ang mukha ng lalaki.

"I think I'm in love, think I'm in love with you, every single day, every single night, every single moment of my life, I want to spend them all with you."

Lalong nagkaingay ang mga kaklase niya. Tuloy ang pagsipol at pagsigaw ng mga ito. At hindi siya magtataka kung mamaya ay may pupuntang kawani ng baranggay para sitahin sila.

"Iba ka, Shanina!" ani Vince habang tumatawa.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon