Chapter 14

1.7K 93 1
                                    

"I heard Michael tried to provoke you earlier. Salamat at hindi mo pinatulan," anang daddy ni Shanina.

Nakauwi na lahat ng bisita nila kaninang tanghali. Nagliligpit na sa garden ang catering service na kinuha nila. Ang naroon na lang ay si Joseph, ang mga kuya at hipag niya. Naglalaro pa rin ang mga bata sa game room habang sila ay nasa garden at may kanya-kanyang hawak na bote ng beer.

"I have to admit, konti na lang, papatulan ko na sana."

"Nasabi sa akin ni Brenda na out of line na raw ang mga sinabi ni Michael," ani Samuel, katabi nito ang asawa na napailing naman.

"You should have seen him, honey," ani Brenda sa asawa. "Kahit sa paraan ng pakikipag-usap kay Shanina, napakayabang. Alam kong hindi mo itotolerate ang ganoon."

"Pasalamat siya't hindi ko narinig," anang Kuya Arvin niya.

"I am glad na hindi, dahil alam kong malamang na ikaw pa ang kailangan naming awatin. I should know. You don't want girls treated that way," ani Celine, masuyong nginitian ang asawa.

"Noon pa man ay hindi ko gusto ang lalaking iyon," ani Pete, lumingon ito kay Shanina. “What me to intervine now, Princess?”

Napangiti si Shanina. Princess. Matagal na rin siyang hindi tinatawag ng ama sa endearment nito sa kanya. Kahit sa mga pamangkin niya ay hindi nito ginagamit ang endearment na iyon. Solo niya ang pagiging prinsesa sa ama.

Mula sa pagkakaupo sa bangkong katabi ni Joseph ay tumayo si Shanina. Naupo siya sa armrest ng bangkong inuupuan ng ama at umakbay dito, "Don't worry, Dad. I can handle him."

"Are you sure, Princess?"

Alam niyang napakaswerte niya sa pamilya. Whatever happens, she knows they always have her back. Hindi papayagan ng mga kapatid na maagrabyado siya. At hindi papayag ang ama niya na masaktan siya. But she is ready to go out on the safe compound of their castle to face her fare share of trials and tribulations.

"I am sure, my king," nakangiting sagot ni Shanina. "Besides, I found my knight who will help me slay the dragon away," nilingon niya si Joseph na matamang nakatitig sa kanya. Nginitian niya ito.  

"Kahit may sarili na kaming pamilya, tandaan mong hindi namin hahayaang mag-isa ka," ani Samuel.

"Lalong higit ang masaktan ka," ani Arvin.

Napangiti si Shanina, tumayo na siya sa armrest at naupo muli sa bangkong katabi ni Joseph, "Alam ko naman. At maswerte ako na magkaroon ng perpektong pamilya."

Si Joseph ay tahimik lang. Pero kung kanina ay sinusundan nito ang bawat galaw niya, bigla itong bumaling sa boteng hawak at uminom ng beer.

"Gustuhin ko mang hayaan kayo sa ginagawa n'yo, kailangan ko nang tanggalin ang mga boteng ito," anang ina niya. Isa-isang inagaw ang mga bote sa kamay ng mga kuya niya.

"Mom!" reklamo ng Kuya Samuel niya, sinubukang habulin ang boteng kinuha ng ina.

"Magdidrive pa kayo ni Arvin. Sakay n'yo ang mga anak n'yo. Papayagan ko kayong uminom ulit kung dito kayo matutulog," anang ina nila. Madalang itong magseryoso. At kapag ganoon ang ina, alam nilang seryoso ito.

"Ano, Arvin?" tanong ni Samuel sa kapatid.

"Uuwi kami," bumaling si Arvin kay Celine, "May project kaming dalawa."

"Baby number two?" ani Shanina. Hindi niya napigilan ang excitement sa boses. Biglang tumawa si Brenda at ang mommy niya. Pero si Celine ay pinandilatan muna ang kuya niya bago nakisabay sa tawanan nila.

"Bilisan mo, Shanina. Baka makadalawa na nga kami, wala ka pa kahit isa," ganting biro ni Celine sa kanya.

"Working on it," sagot niya, kinindatan si Joseph na muling nakatitig sa kanya.

"You should get married first!" anang Daddy niya, bigla nitong pinalo ang lamesa, na lalong ikinatawa nilang lahat. Tanging si Joseph ang hindi tumawa. Tinungga nito lahat ang natitirang beer sa boteng hawak.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon