Chapter 18

2K 97 3
                                    

"Joseph, I believe our talk is two weeks overdue. At lalong hindi ko mapapayagang hindi ka makausap pagkatapos ng nasaksihan ko."

"Yes, Sir. Nagpunta po talaga ako rito para kausapin ang anak ninyo, pati na rin kayo," ani Joseph.

Hindi man lang niya kinakitaan ng pagkabahala si Joseph, pero si Shanina ay ninenerbiyos na. Kilala niya ang ama at alam niya kapag seryoso o galit ito. At kapag ganoon ng mood ng daddy niya ay takot pa rin naman si Shanina.

"Hindi kayo nag-uusap nang buksan ko ang pinto," seryosong sagot nito.

"Nag-uusap po kami. Ibang lengguwahe nga lang po."

Lalong sumeryoso ang ama niya. Tiningnan nito si Shanina.

"Hindi na ako teenager, Dad," lakas loob na sagot niya.

Hindi sumagot ang ama niya, tiningnan nito si Joseph, tinging sinasabing sumunod ang lalaki rito. Nang tumalikod ang ama ay noon lang niya napansin ang ina na nasa may pinto rin pala. At kung seryoso ang ama niya, ang ina niya ay nakangiti pa sa kanilang dalawa.

"Takot lang s'ya na makalimutan mo na s'ya. You will always be his one and only princess, no matter what," anang ina niya bago bumaling kay Joseph, "At ayaw din niyang masaktan ang nag-iisang prinsesa niya. Kaya ayusin mo ang argumento mo, Joseph. Judge ang makakausap mo sa loob. Kailangang makumbinsi mo siya kung gusto mong makuha ang blessing niya."

"Naniniwala po akong kaya ko siyang makumbinsi. Siya ang unang nakakita sa ebidensya na mahal ko ang anak ninyo," hinalikan siya nang mabilis sa mga labi ni Joseph bago ito pumasok sa pinto.

********

PALAKAD-LAKAD si Shanina sa harapan ng pinto ng library. Kanina pa nag-uusap doon ang ama niya at si Joseph at hindi niya maiwasang kabahan. Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumapit.

"Dad," ninenerbiyos na bungad ni Shanina. Seryoso ang ama niya, nasa likuran nito si Joseph na seryoso rin ang mukha.

"Kakausapin ko lang ang anak ko, Joseph."

Tumango si Joseph pero hinapit muna siya nito at hinalikan sa labi bago hinigit parasa ang pinto.

Ang ngiti sa mga labi niya ay unti-unting nabura nang malingunan ang ama na seryoso pa rin ang mukha.

"Lagi mong tatandaan na lahat ay gagawin ko para sa iyo, anak. You will always be my baby girl. I love you so much, Princess." Sa kabila ng kaseryosohan ng mukha ay kita niya ang labis na pagmamahal nito sa kanya.

Tears fill Shanina's eyes. Hindi niya magawang magdamdam sa panghihimasok ng ama. He only want what's best for her. Tumakbo si Shanina sa mga bisig ng ama at yumakap dito. Tears escape her closed eyes, "I know, Dad. And I love you, too. You will always be my first hero."

Inangat ng daddy niya ang kanyang mukha, tiningnan siya sa mata at pinahid ang kanyang mga luha. "Hindi ko alam kung sino ang lalaking naarapat sa iyo, pero bilang ama mo, alam ko kung hindi karapat-dapat ang isang lalaki sa pagmamahal mo."

Walang maapuhap na sabihin si Shanina. Alam niyang kabutihan niya ang gusto ng ama. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam siyang si Joseph iyon.

"Mahal ko siya, Daddy," puno ng determinasyong sagot niya.

Ngumiti ang ama niya, "I see you’re ready to defy me, Princess.”

"Dad...” muling napuno ng luha ang mga mata niya. Handa talaga niyang ipaglaban si Joseph at ang pagmamahalan nila.

"Katulad ng sinabi ko, hindi ko alam kung sino ang nararapat na lalaki para sa iyo,” tinitigan siya ng ama, muling pinunasan ang luha sa pisngi niya, “dahil ikaw lang ang makapag-sasabi noon. At kung alam mo sa sarili mo na si Joseph talaga ang nararapat sa iyo, hindi ako tututol dahil alam kong hindi siya kabilang sa mga lalaking hindi karapat-dapat sa iyo. You found yourself a real man, Princess," anito bago siya hinalikan sa noo.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon