Wattpad Original
Mayroong 26 pang mga libreng parte

PROLOGUE

1.9M 26.9K 4.2K
                                    

♠ L E O ♠


HUMIHIKAB akong pumasok sa elevator, then I pressed the button to the President's floor—my floor.


Soon I'll be in the CEO's office. My father is retiring from his position at hindi na ito halos pumapasok ngayon. Sa akin na nito ipinagkatiwala ang lahat. Not that I'm complaining though. Naiisip ko lang na masyado pang maaga. Ewan ko ba bakit nagmamadali ito na iwan ang kompanya samantalang hindi pa naman ito ganoon katanda. 


Dahil sa mas malaking responsibilidad ay nabawasan na tuloy ang oras ko sa pagliliwaliw. Saglit ko pa lang na-e-enjoy ang buhay after years of studying, masterals, and OJTs sa iba't iba naming kompanya. Mas naging busy na ako ngayon at wala nang time for parties and good times. Although honestly, nililibang ko lang naman ang aking sarili dahil nakukulangan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko lang masabi kung ano ba iyong kulang gayong kung tutuusin ay nasa akin naman na yata ang lahat— good looks, money, power, connections and the family name – 'Montemayor-Saavedra'. Still, I can feel that something in me is missing.


Bakit parang may KULANG? Ano kaya iyong KULANG?


TING!


Bumukas ang elevator sa 8th floor. This is impossible. This is a president's elevator. Ako lang ang puwedeng sumakay sa elevator na ito. Limited lang ang access nito sa lahat ng mga floors. Unless, may tangang napagkamalang employees elevator ito.


Anyway, bumukas nga ito ngunit wala namang tao. Siguro nga may nagkamali lang. Pinindot ko ang button para magsara. Pero bago pa man magsara ay biglang —


"Last call!" Isang babae ang tumalilis papasok.


"Excuse me?" I looked at her, annoyed.


Pero tuluy-tuloy lang ang babae patungo sa aking likuran. "Sa 25th floor nga."


I blinked at what she said. "Do you know that this is a president's elevator and you are—"


"Put*ngina! Paaalisin mo na naman ako?!"


"What?!" I was stunned. Is she really cursing me?!


"Gago ka! Hintayin mo akong makauwi dyan!"


Naka-headset pala siya at may kausap sa kabilang linya—ah iyon pala ang minumura niya, akala ko ako na, e. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.


"Whew! Tang*nang buhay iyan. Ang hirap talagang maging ulila."


She's smiling ngunit hindi ko gaanong maaninagan ang buong mukha niya dahil naka suot siya ng cap. "Napindot mo na ba ang 25th-floor, Mister?"


Alam ba ng babaeng ito na ako na ang CEO ng kompanyang kinatatayuan niya ngayon?


Nahagip ng aking paningin ang bitbit niyang luggage. Mukhang marami siyang kargada. Tapos napatingin ulit ako sa babae. May height ito at balingkinitan ang pangangatawan. Naka-polo shirt na white, maong jeans, then sandals. Napansin kong pawisan ang babae.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon