Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

18.

595K 9.3K 976
                                    


Chapter 18

PAGPASOK NI CYNTHIA sa loob ng condo ay naroon na si Leo. Nakatulog ito sa couch nila habang bukas ang TV. Halatang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag nito kanina. Sinadya niya ring magpagabi dahil ayaw niya itong makita.

Dumeretso siya sa kwarto nila at agad na nahiga. Ngunit mga ilang minuto palang ay naramdaman na nyang pumasok na rin si Leo at yumakap sa kanya mula sa likuran.

Kunwari nama'y malalim na ang kanyang tulog. Bahagya itong umangat at bumulong sa kanyang tainga.

"CT, are you mad at me?" Bulong nito sa malungkot na boses. "Kung ano man ang nagawa ko, sorry..."

Tinugon niya ito nang paungol. "Leo, pagod ako..."

Humalik lang ito sa kanyang buhok. "It's all right... sleep well, Honey..." pagkatapos ay naramdaman pa nyang kinumutan siya nito.

Parang nagi-guilty siya. Namura na nga niya ito kanina, 'tapos ngayon ay may gana pa itong humingi ng tawad sa kanya gayong hindi naman nito alam ang ipinuputok ng butse niya.

Ganito ba talaga kalambing ang lalaking ito sa lahat ng mga girlfriends nito? Kay Ayeza kaya? Ganito rin kaya ito? Pucha! Naalala na naman niya ang malanding iyon!

Umungol muli siya. "Leo... ibili mo ako ng gamot..."

Napabalikwas naman ang binata sa likuran niya. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

Tumango siya. Siguro ay papahirapan na lang niya itong si Leo nang maibsan ang galit sa kanyang dibdib.

"Okay, I'll call a doctor." Nag-dial agad ito sa cell phone nito.

"No, Leo..." awat niya. "Hindi naman malala ito... ibili mo na lang ako ng gamot sa labas..." alam kasi nyang wala silang stocks ng kahit anong paracetamol sa medecine kit nila.

"Are you sure?" habang nagmamadaling nagbibihis ang binata.

Hindi pa siya nakaka-OO ay nanakbo na ito pababa. Isang oras bago ito nakabalik at hinihingal pa.

Nagulat pa ang lalaki nang makita syang nakaupo na sa couch.

"Leo okay na, nakainom na ako ng gamot."

"How?"

"Tumawag ako sa intercom, 'tas 'yung nakausap ko hiningian ko ng gamot. Maya-maya ay may umakyat ditong delivery boy at ibinigay sa akin yung gamot."

Napangiwi ito. "Good!" tagaktak ang pawis nito.

Tumango siya na parang wala lang. Alam nyang malayo sa lugar nila ang mga drugstores kaya sigurado syang naghagilap pa ito ng mabibilhan. Nakaramdam naman siya ng awa dito nang makita niya ang hitsura nito. Pero hindi dapat siya maawa sa mga herodes na katulad nito. Naroon pa rin ang kanyang tampo.

Niyaya na niya ito sa kwarto. "Leo, patayin natin ang aircon... Giniginaw kasi ako, eh..."

"Pero maiinitan ka naman..."

Inabutan niya ito ng folder. "Paypayan mo ako hanggang sa makatulog ako. Okay lang ba?"

"Ha?" tila nabigla ang lalaki sa inutos niya. "S-sige..."

Humiga na siya habang dinadama ang hangin mula sa pinapaypay na folder sa kanya ng binata. "What if – mag-order ako ngayon ng electricfan..."

"Leo... malamig din yun masyado. Please, paypayan mo lang ako..."

"Okay, sige. Magpahinga ka na at baka mabinat ka pa..." hinaplos nito ang likod niya.

Siya naman, parang bibigay na sa pagpapanggap niya. Bakit niya ba pinaparusahan ang poging ito? Dapat nga, ang ganitong lalaki ay pinapaligaya. Pero siya, sinasamantala niya ang kabaitan nito dahil lang sa nagseselos siya kay Ayeza! Shit! Oo na! Aaminin na niya pero sa sarili lang niya ah – na nagseselos nga talaga siya.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon