Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

20

585K 9.7K 573
                                    

Chapter 20

HINDI LANG BASTA nasira ang career ni Odessa bilang isang aktres, nakulong din ito dahil sinampahan ito ng kaso ni Leo dahil sa ginawa nito kanya. Nakasuhan din ang mga kasama nitong babae na kinasabwat nito ng araw na iyon. Ngunit hindi na sila umabot pa sa korte dahil hiniling na rin ni Cynthia sa binata na iurong ang kaso. Ayaw na niya ng gulo. Siguro ay aral na rin kay Odessa ang mga nangyaring iyon.

Hindi na rin naman ito nagparamdam pa maging ang mga kasama nitong nakasuhan. Hindi rin hinayaan ni Leo na humarap siya sa media. Sigurado syang prinotektahan siya nito sa lahat ng pagkakataon hindi man nito ipaalam sa kanya.

Pero hindi iyon ang ikinalulungkot niya. Isang linggo na kasi ang lumipas, matapos nang engkwentro nila ni Odessa, hanggang ngayon ay tila nakalimutan na talaga ng binata ang kanyang birthday.

Siguro nga dahil mahal niya talaga ang binata – at inaamin na niya ito sa kanyang sarili. Sa mga simpleng bagay kasi na nagagawa nito sa kanya ay sobra syang naliligayahan – na ganon din kasakit sa mga bagay na hindi nito magawa.

At heto na nga siya ngayon. Nakaupo sa couch sa sala ng kanilang condo. Simple lang ang bihis niya. Naka-sleeveless at maiksing short. Mayroon syang maliit na bag. Sa loob noon ay naroon ang kanyang wallet at ang isang bagay – bagay na makakasagot sa matagal na nyang katanungan. Siguro secret muna ito sa ngayon kung ano ito.

Anyway-highway, hinihintay niya lang naman magising si Leo na ngayon ay mahimbing ang tulog sa kanilang kwarto. Nakakalungkot – kasi si Camilla lang ang nakakaalam na birthday niya ngayon.

Maya-maya'y narinig nyang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad syang napatayo.

"Good afternoon..." hapon na kasi iyon. Sabay dial nito sa cellphone.

"May meeting ka ngayon?"

Napahinto ang binata pagda-dial.

"Yup. Why?"

Napasimangot siya.

Napangiti ito at napamewang. "And why is that?"

Para syang batang may nais sabihin sa magulang ngunit nahihiyang magsabi.

"Come on..." lumapit ito sa kanya at saka siya hinagkan sa noo. "Tell me..."

"Yayayain sana kita mag-date."

Napahalakhak ito. "Anong meron?"

Pinilit nyang hindi magpahalata. "Wala lang..." tumungo siya. "'Di ba sabi ko sa'yo dati na – ililibre kita sa unang sweldo ko, naaalala mo pa?"

Lalo itong natawa. "Pero naka-ilang sweldo ka na... okay lang kahit hindi na..." pinisil nito ang magkabila nyang pisngi.

"Unang sweldo ko pa rin naman ang gagamitin ko ngayon kapag nag-date tayo kasi tinabi ko iyon. So parang ganun na rin 'yon..."

Bahagyang napaisip ang lalaki. Pagkatapos ay humugot ito nang malalim na paghinga. "Okay... I'll cancel my meeting..."

"Yey!" napatalon siya sa tuwa at napayakap dito. At least, hindi man nito alam na birthday niya ngayon, makakasama naman niya ito sa buong araw na iyon.

"Maliligo lang ako." Kumalas ito sa kanya.

"Gusto ko – simple lang ang porma mo, ah..."

Nangunot ang noo nito.

"Ako ang manlilibre kaya ako ang masusunod."

Napailing na lang ito. Nang matapos na itong maligo, siya ang namili ng isusuot nito. Simpleng V-neck T-shirt lang at cargo short na maroon ang ibinigay niya rito paglabas nito ng banyo.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon