Wattpad Original
Mayroong 23 pang mga libreng parte

Chapter 2

866K 15.7K 3K
                                    


Chapter 2


HINDI MAPIGILAN ni Leo ang mapasulyap sa cleavage ni Cynthia. Katabi nya lang kasi ito sa passenger's seat ng kanyang minamanehong brandnew Ferrari.


Nagboluntaryo kasi syang ihatid na lang ito sa tirahan nito instead of giving her one peso. Wala naman kasi syang piso na hinihingi nito. Kulang daw ng piso ang pamasahe nito pauwi. Anong magagawa nya kung puro mga credit cards ang laman ng wallet nya at walang cash.


Anyway, balik sa cleavage. Sa tuwing mapapatingin kasi sya rito ay tila iyon kumakaway sa kanya.


"'Di mo sinabi, mayaman ka pala. Ang ganda nitong kotse mo, ah." Naalimpungatan lang ang malikot niyang isip nang magsalita ito.


"A-ano?" He stammered. Shit! "Hindi ako mayaman. Hiniram ko lang ang kotse na 'to sa kaibigan ko," pagsi-sinungaling niya.


"Ganun. Sayang. Guwapo ka sana kaso dukha ka naman pala."


Darn this girl, masyadong prangka. Kung hindi nga lang nya pinagnanasahan ang babaeng ito eh, baka kanina nya pa ito hinulog sa sasakyan.


Hindi na lang sya umimik. Ang mahalaga, nag-e-enjoy sya sa magandang tanawing malapit lang sa kanya.


"Oo, nga pala. Bago ka lang din sa kompanya, ano?" Dumi-quatro ito, displaying her long and flawless legs.


Hell, that legs!


"Ang bait naman ng kaibigan mo para pahiramin ka nya ng kotse na 'to. Ganon ba ito kayaman at ang tingin nya sa kotse ay laruan lang na pinahihiram?"


Napalunok siya bago makasagot, "Oo, may mataas na posisyon kasi 'yon sa k-kompanya natin, eh." Kanda-utal sya.


Paano kasi'y nasa daan ang mga mata nya pero sa magandang tanawin sya naka-focus sa tabi nya. Muntik nya ng hindi mapansin na nag-turn na pala sa red ang stop light nang patawid ang sasakyang minamaneho nya sa kalsada. Mabuti na lang at agad nyang natapakan ang preno.


"Ay, bulate!" bulalas ni Cynthia nang magulat sa biglaan nilang paghinto.


"'You okay?" Mabuti na lang at naka-seatbelt sila.


Ngumiti naman ito. "Okay lang ako. Nagulat lang, hehe."


Hindi nya alam kung matatawa sya rito. Nakakatuwa kasi ito kapag nagugulat. Kung anu-ano ang nasasabing kakaiba.


Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life?


Cellphone ng dalaga na animo'y christmas light. Patay-sindi kasi, parang naghihingalo.


"Bakit hindi mo sagutin? Baka importante yan..." Nakatingin sya rito kahit may iba pa syang gustong sulyapan.


It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon