Chapter 11
EXCITED NA si Cynthia. Ngayon uuwi si Leo kung saan mang lupalop ito nanggaling. Hindi sya mapakali, panay ang tingin nya sa wall clock – ganon din sa salamin. Sana magustuhan ni Leo ang bago nyang looks.
Nagpa-rebond kasi siya at nagpa-blonde ng buhok.
Dahil naiinip sya, pinakialaman nya ulit itong picture frame ni Leo.
Pinagmasdan nyang mabuti ang larawan nito. Ewan pero bakit kaya ang sarap sa pakiramdam na makita ito sa ganong anyo sa larawan? Tapos may napansin syang tila tinta na nasa likuran nung picture. Binaklas nya yung picture frame at kinuha nya yung photo. May nakasulat sa likod nito.
Bago pa ito dahil may petsa rin naman sa itaas, one-shot diary yata ito na ngayong buwan lang isinulat Leo. Taray, oh! Ang laki-laking tao may Diary?
Pero maiksi lang 'yon.
Anyway-highway, tungkol yun sa birthday wish nito. Ang munting hiling sa kaarawan nito ngayong taon na sana'y makasama nito ang mga magulang – his Mommy Aria and Daddy Adam. Ahay! Ang sad naman. Nabanggit nga nito sa kanya na nasa malayong lugar ang pamilya nito. Busy daw sa negosyo. Ewan kung anong negosyo.
Tapos nabanggit din dun kung kailan ang kaarawan nitong si fafa L. Oh my God! Sa susunod na palang buwan. Hay. Iyon pala ang dahilan kung bakit nagbago ang mood nito nang iabot nya rito iyong postcard na napulot nya na galing sa Daddy Adam nito. Parang biglang kinurot ang kanyang puso. Akalain nyang may pamilya nga ito pero nangungulila naman. Kaya yung sakit na nararamdaman nito, sa sulat na lang idinaan.
Ang dami nya pa talagang hindi alam kay Leo, tsk. Ngunit bakit ganun ang nararamdaman nya? Parang gusto nyang sya ang tumupad ng munting pangarap na iyon ng binata. Kaso saan naman nya pupuntahan ang mga magulang nito? Mabuti na lang at naalala nyang itinabi nya nga pala iyong postcard na may address.
Dito na sya napailing nang mabasa kung saan iyon. 'Langya! Oo nga pala, nasa USA ang mga ito. Ang layo no'n! Kahit gusto man nyang puntahan, eh wala naman syang pera pambiling plane ticket saka wala siyang visa. Plano nya sanang kumbinsihin ang parents ni Leo na umuwi ng Pilipinas sa araw ng kaarawan nito. Nanlumo tuloy sya. Paano sya makakaipon ng pera sa loob lang ng isang buwan kung ganon lang kaliit ang sahod nya? Sayang. Gusto pa naman nya itong surpresahin.
Saka paano nga kung TNT ang parents ni Leo, di ba?Pero paano naman kung hindi? May maliit na negosyo raw kaya baka hindi TNT. Baka may samaan lang sila ng loob kaya hindi umuuwi. O baka talagang busy kaya nakalimutan na si Leo.
Maya-maya'y tumunog ang doorbell nila. Bago nya buksan ang pinto, tumingin muna sya sa salamin. Naku, sana naman si Leo na ito. Kaso disappointed sya ng bumungad sa kanya ang isang magandang babae.
"Hi! I'm looking for Leo."
"Ah, wala pa, eh..." Natameme sya. Napakaganda kasi nito at mukhang artista.
Nag-dial ito sa touchscreen nitong cellphone. "Hello, Leo! Where are you?"
BINABASA MO ANG
It Started in the Elevator✔️
RomanceAll that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who was a handsome, naughty, and sweet colleague, yet a poor man. ***** Cynthia Fatima Dimagiba was a self-proclaimed gold-digger as...
Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte