Leo was busy reading the yearly report of the company when his door suddenly opened.
"How are you, Leo?" Iniluwa ng pinto ng kanyang opisina si Odessa, his ex-girlfriend na dating artista. Magandang-maganda ito sa suot na fitted midi short dress and a pair of stilettos.
Leo's forehead furrowed.
"Totoo pala ang balita na magaling ka na talaga. Look at you, baby, parang wala man lang nangyari sa 'yo. You're still handsome as ever." The woman was smiling from ear to ear.
Ibinaba niya ang hawak na folder nang lumapit ito. "Do I have an appointment with you?"
"Hmn, wala." Naupo ito sa mismong table niya, showing her flawless legs. "But I know – you need me tonight," she said in a sensual tone of voice.
He stood up and took a bottle of Martini from his fridge. Sinalinan nya ang dalawang cocktail glass.
"You know what, Leo? You matured a little." Dumi-quatro pa ang babae habang nakasunod ng tingin sa kanya. "Tumapang ang aura mo and it made you look more gorgeous and hotter than you were five years ago."
Nilapitan nya ito. Hawak nya sa magkabilang kamay ang dalawang cocktail glass na may lamang Martini.
"Tama ang desisyon kong hintayin ka, Leo." Nangingislap ang mga mata nito. "Sabi ko na nga ba gagaling ka pa, and I am right, di ba? Look at you, walang makapagsasabing nacoma ka ng ilang taon at nag undergo ng therapies."
Tumikim muna siya sa isang cocktail glass na nasa kaliwa niyang kamay pagkatapos ay inilahad niya ang isang glass sa babae. Ngunit hindi para iabot dito iyon, kundi para ibuhos sa mukha nito.
Kandasamid sa pagkabigla si Odessa nang tumama sa mukha nito ang alak. "What the–" Magsasalita pa sana ito nang ibuhos niya pa ang laman ng isa pang glass na hawak sa mukha nito.
Napahilamos na lang sa sariling mukha ang babae.
Pagkatapos ay matiim nya itong tinitigan. "If you want to see me, you have to book your schedule to my secretary. Understood?"
Natulala ito sa kanya, lalo sa mga mata niyang pinangingilagan ng mga empleyado ng kompanya dahil sa kawalan niyon ng emosyon.
Napangiwi ito habang nangangatog. "U-understood..."
"Now, get out of my office." His voice was calm but full of threat.
Parang robot si Odessa na awtomatikong humakbang palabas ng kanyang opisina. Ni wala itong lingon na ginawa sa kanya. Nang mawala sa paningin niya ang babae, nag-dial siya sa intercom. Sinagot iyon ng kanyang secretary sa kabilang line.
Maya-maya'y pumasok sa pintuan ang isang petite na babae, nangangatog ito.
Umupo sya sa swivel chair habang inaayos ang kanyang kurbata. "Why did you let her in?"
"S-Sir?" Kandautal ito.
"Do I have to repeat myself?"
Napalunok nang mariin ang kanyang sekretarya bago ito sumagot. "N-Nagpumilit po kasi s-siya, Sir... h-hindi ko na po sya naawat. S-sabi nya po kasi – kakilala nyo –"
"Enough."Muntik nang mapatalon ito sa gulat at takot.
Tumayo siya at muling umupo sa kanyang upuan. "You're fired."
BINABASA MO ANG
It Started in the Elevator✔️
RomanceAll that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who was a handsome, naughty, and sweet colleague, yet a poor man. ***** Cynthia Fatima Dimagiba was a self-proclaimed gold-digger as...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte