Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

21

552K 8.7K 339
                                    

Chapter 21

MARAHANG INIANGAT ni Cynthia ang kanyang kaliwang kamay habang isinusuot doon ni Leo ang isang mamahaling bracelet. A three-rowed pearl diamond bracelet na mukhang mamahalin dahil hindi iyon simple. Kumikinang iyon na parang mga bituin.

"Nag-iisa lang sa mundo ang bracelet na ito. Parang ikaw, nag-iisa ka lang sa mundong ito."

Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay upang pagmasdan itong naroon sa kanya. Napakaganda niyon at bagay na bagay sa kanyang kaliwang kamay. Halos hindi pa rin siya makapagsalita.

"M-magkano ito, Leo? Nakakahiya kasi baka... mahal ito..."

Napahalakhak ito. "Silly girl! Halika nga rito." Pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. "You're so cute." Anitong tila nanggigigil sa kanya.

"Kasi naman, eh..." Kumalas siya rito. Naluluha siya. "Leo... salamat talaga. Sobrang saya ko promise! Cross my heart, hope to die! Mamatay man iyong bungal nating kapitbahay."

Natatawa naman ang binata.

"Sorry kasi – pinasakay kita sa jeep, pinakain kita sa tapsihan at hinilo kita sa carousel –"

Tumikhim ito. "'You mind if – you don't mention that carousel-thing." Namumula ang pisngi nito.

"Okay. Ang ibig kong sabihin, sorry talaga kasi napahirapan yata kita dito sa date na gusto ko kahit ayaw mo. Alam ko namang hindi ka pa nakakasakay ng jeep. Hindi ka pa nakakakain sa tapsihan at –" hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya nang hagkan nito ang mga labi niya.

"Shhh... it's all right." Tumitig ito sa kanya.

Pagkababa nila sa Ferris Wheel, nagulat pa siya nang bigla syang pangkuhin ni Leo in bridal style.

"Ay, biik na tirik!" Bulalas niya. "Ano ba, Leo ginulat mo naman ako!" ngunit wala na syang nagawa nang buhat-buhat na siya nito. Nahawi pa ang daang-daang katao nang dumaan sila rito.

Parang dagat ito na hinati ni Moises upang daanan para makatawid sa kabilang pangpang. Magkano kaya ang binayad ni Leo sa bawat isa sa mga ito?

Wala syang ibang naririnig kundi ang hiyaw ng mga ito at palakpakan. Pulang-pula siya dahil nahihiya siya bagama't naroon ang matinding kilig. Ikinubli na lamang niya ang kanyang mukha nang yakapin niya ang leeg ng binata. Pagkatapos ay isinakay na siya ni Leo sa isang kotse. May driver sa loob niyon na awtomatikong pinaandar ang sasakyan.

Maya-maya nga't narito na sila sa isang pier. Natanaw niya agad ang Montemayor Ship.

"Oh, Lord! Totoo ba ito?" nang huling tungtong niya kasi rito ay hindi maganda ang nangyari. Ngunit mukhang buburahin iyon sa alala niya ng binata at papalitan ng magandang eksena kaya siguro rito siya nito muling dinala.

Minuto lang at nasa deck na sila ng barko. Nakalatag na roon ang isang romantic table and chairs. Inilahad ni Leo ang upuan para sa kanya.

Pero mas ikinagulat niya nang dumating ang malaki nyang cake mula naman sa likuran ni Leo. Nasa cart iyon at tulak-tulak nila Gladis at Merdie. Kasama rin ng mga ito si Chiboy—asawa ni Gladis na mukhang terorista.

Natutop niya ang kanyang bibig. "Ang heavy na nito, Leo! Over load sa kilig like Lemon Square cupcake! Over load sa sarap" napatayo pa siya at niyakap ang dalawang malapit na kaibigan.

Para namang kinikiliti ang dalawa sa singit kung kiligin.

Pagkatapos nun ay inihanda na nila ang cake at tinirikan ng kandila. Kumanta ng happy birthday song ang mga ito para sa kanya at saka niya hinipan ang candle. Pero bago 'yon, nag-wish muna siya. Wala syang ibang hiling kundi ang mapangasawa si Leo. Kahit alam nyang malabo, hiniling pa rin niya. Malay niya, na meron pa lang himala at magkatotoo iyon.

Ito na siguro ang pinakamasayang kaarawan niya sa buong buhay niya. Pinunan ni Leo ang pangungulila niya sa isang pamilya. Bagay na hindi kayang punan ng iba ni kahit ang tunay nyang mga magulang. Lalo lamang tuloy nyang minahal ang lalaki kahit alam nyang suntok iyon sa buwan.

At siyempre, ang pinakagusto nyang gift mula rito ay iyong churbahan nila nang gabing iyon.

NARITO na sila sa suite ng Montemayor Cruise at dito nagpalipas nang magdamag.


NANG MAGISING si Cynthia, umaga na. Halos hindi pa siya makatayo dahil napakalagkit ng katawan niya, gayun din ang katawan ng binata. Paano'y puro sila icing ng cake sa katawan.

Natawa pa siya nang matanaw si Leo na malalim ang pagtulog habang may kagat-kagat itong kandila na ginamit nila sa birthday cake niya. Well, ginamit lang naman kasi nila iyong natirang cake kagabi na props nila sa kanilang lovemaking.

Sinamantala naman niya ang pagkakataon habang tulog ito. Kinuha niya sa bag niya ang isang bagay – bagay na makakasagot sa kanyang katanungan. Tumungo siya sa banyo dahil sa kailangan niyang -check.

Ganon na lang ang pagkagulat niya sa natuklasan. Yari!

Dali syang nagtungo sa hospital ni Preston. Nawala siya sa sarili na naiwan niya pala si Leo sa ship na tulog pa rin. Sobra syang nag-panic sa resultang iyon.

"CT! How are you?..." bungad sa kanya ni Preston nang makita siya nito.

Hinila niya ito sa isang sulok. Panay ang paglinga niya sa paligid na parang may tinatakasan.

"Is there a problem?"

Nanlalamig siya. Halos hindi siya makatingin dito. "Kailangan ko ng tulong mo..."

"Tell me what it is?"

Lumunok muna siya ng maraming beses. Tila ba napipilan siya. Lumikot din ang bilog ng mga mata niya.

"Come here." Hinila siya ni Preston at dinala sa opisina nito. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa upuan. Umupo rin ito paharap sa kanya. "You look pale. Okay ka lang ba?"

Napaluha na siya at napahawak sa mga kamay nito. "Tulungan mo ko Preston... tulungan mo ko..." napayuko siya.

"Hey. Look at me." iniangat nito ang kanyang mukha. "Sabihin mo sa'kin. Tutulungan kita sa kahit anong paraan. I swear."

Napapikit muna siya nang mariin bago siya nagsalita. "Buntis ako."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon