Chapter 12
NATAGPUAN NA lang ni Cynthia ang sarili nya sa loob ng elevator. Hindi nya magawang pindutin ang buton nito pababa sa base floor ng condo building. Hindi nya kinaya 'yong eksena kanina.
Pakiramdam nya kasi pinagtaksilan sya. Although wala naman silang napag-usapang commitment ng lalaki sa relasyon nila. Iyon nga lang, bakit ganito ang puso nya? Affected sya.
Padabog syang bumalik sa loob ng condo. Hmp! Kaibigan lang pala sya, ha?
Ganito pala ang isang Leo Liwayway na ito kapag may kasama ng ibang babae. Nagiging kaibigan na lang sya? tsk! Teka! Mukhang bukod pa iyong si Ayeza, ha? Ngayon nya lang nakikilala ng husto itong talipandas na ito. Sobra pala sa pagkababaero ang tarantado.
Hindi sya mapakali. Sinubukan na nyang matulog pero hindi matahimik ang kanyang diwa. Maya-maya nga'y pasimple nyang pinakinggan ang pintuan ng kwarto. Wala naman syang ingay na naririnig. Posible nga kayang walang churbahang nagaganap sa loob? Bahagya syang kumalma.
But to think na naroon sila sa loob ng kwartong 'yon – na posibleng magkayakap habang natutulog?
Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya sa sofa. Buti maaga syang nagising. Agad syang kumilos para pumasok sa trabaho.
PAGDATING nya sa work station nya, tambak ang bouquet ng roses.
"Hay naku, 'day! Galing yan kay Mr. CEO. Ano ba nangyari sa'yo? Bakit ilang araw kang absent?" bungad sa kanya ni Merdie.
Lumapit din si Gladis at isinalansan ang mga bulaklak. "Naipon. Paano, eh ilang araw kang wala."
Gusto nyang sabihin dito sa mga kumag na ito ang dinaramdam nya. Kaya lang malamang pagtatawanan lang sya ng mga ito. Ngunit dahil sa mga bulaklak na ito, kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam nya. Isipin nya pa na galing nga talaga ito kay Mr. CEO.
Bumaling sya sa mga kaibigan. "Nagkasakit kasi ako..."
"Hindi ka naman mukhang nagkasakit, eh. Hayan nga't total make-over pa ang peg mo!" Pangbubuska ni Merdie.
Natawa si Gladis. "Hindi ka naman masyadong handa sa Auction Night party natin ano?" Nakiasar na rin. "Nagpa-blone ka pa ng buhok!"
"Kayong dalawa, tantanan nyo nga ako. Kapag ako nainis sa inyo, lalapirutin ko yang mga singit nyo, sige!" Padabog syang umupo sa harapang ng kanyang PC.
Wala syang nararamdamang excitement sa magaganap na Auction Night. Ewan, pero parang wala syang gana. Alam nya sa sarili nya na may dinaramdam sya. Hindi nya lang maamin sa sarili nya. Kung meron man syang dapat ikapanabik, yun ay ma-meet si Mr. CEO.
...
AFTER ng kanyang office work, diretso naman sya sa hospital ni Preston para magtrabaho as personal assistant nito. Pero nitong mga nakaraang araw, hinayaan muna sya nitong lakarin ang plane ticket nya papuntang US. Kasi kung tourist visa ang pag-uusapan at passport, wala pang three days ay nasa kanya na 'yon. Akalain mong ganon kadali, iba talaga kapag may kapit.
BINABASA MO ANG
It Started in the Elevator✔️
RomanceAll that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who was a handsome, naughty, and sweet colleague, yet a poor man. ***** Cynthia Fatima Dimagiba was a self-proclaimed gold-digger as...
Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte