Chapter 6

750 25 0
                                        

       Nasa living room si Camille at Aj. Nakalatag ang isang giant coloring book. Nagkalat ang crayons sa sahig. Nakadapa ang mag-ina at nag co-color sa coloring book ng biglang may nagdoor bell. Tatayo na sana si Camille pero nakita nito ang isang kasambahay nila na pumunta sa may pintuan at binuksan ito.

    " Ma'm Camille, may bisita po kayo,"narinig niyang sinabi ng katulong.

    "Sinong bi......" hindi na natapos magsalita si Camille ng napalingon ito.

" hindi na natapos magsalita si Camille ng napalingon ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    Si Luke! Nakatayo sa harap niya. Biglang tumayo si Camille na kinakabahan.

     "Hi Elle. Can we talk?" tanong agad ni Luke. Lalong nag worry si Camille. Pilit nitong pinakalma ang sarili.

     "Joan,"tawag ni Camille sa katulong nila. Pagdating nito ay saka," akyat mo muna si Aj sa taas. Dalhin mo na ang crayons at coloring book niya."

      Dali daling naman niligpit nito ang mga gamit. Kinuha si Aj at mga gamit at umakyat sila sa second floor ng bahay.

     Nang wala na ang yaya ay hinarap ni Camille si Luke.

     "What is it Luke?'tanong agad ni Camille wanting to cut this meeting short.

    "How old did you say Aj is again?" walang paligoy ligoy na tanong nito

    Camille's heart stopped." Why are you asking? I told you that he is 3 years old"  Kinakabahan na si Camille. Bakit niya tinanong ang age ni Aj.

       "No, Elle, you said 2 years old. Ganoon din ang sabi mo kina Bea. You told them his birthday is on October 6. I calculated it in my head. The time when we were in Ryan's lake house......,"sabi ni Luke na hindi na dinugtungan but was looking at her intently.

      Camille turn red.Luke knew she remembered what happened to them there. Hindi sumagot si Camille. She had this defiant look in her face.

      " Is his name Adrian James?"

   Namutla si Camille. Adrian James nga ang buong pangalan ni Aj. Bakit kaya ito pa ang binigay niyang pangalan kay AJ. The reason why Luke was asking was maybe because when they were together, nagbiruan sila noon that they will name their first baby Adrian James, nicknamed AJ. Hindi naalala yon ni Luke until last night.

   "N-N....."

   "Please don't lie to me,"he said quietly. "Remember,  I know when you are lying or not"

   "So what if his name is Adrian James," Camille said defensively.

   Luke said, " Kasama ko ang barkada kahapon . We were looking at the pictures we took last Saturday.Do you know what they said, para daw kaming mag-ama, that we look alike.We started talking about it and about Aj's age and birthday. Elle, is AJ, my son? "

    "And what will you do kung sabihin ko sa'yo na hindi mo anak si Aj? That because I was so heartbroken and I rebelled, I had a one night stand with a guy nong nasa U.S. na ako,"nagagalit na sabi ni Camille.

My Ex, His DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon