Have you experienced of having a best friend? I mean a boy best friend.
A best friend..
A buddy..
A guard...
A guider...
A second brother or a father...
A good dictator
Or even,
A protector
Have you experinced of falling in love to your best friend?
Sabi nila, ilan sa pag-ibig ay nagsisimula daw sa pagiging matalik na magkaibigan.
Na sa kalagitnaan ng inyung pagiging mag kaibigan ay hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang nahuhulog.
Sinong talo?
At
Sinong panalo?
--
Anong tama?
O
Ano ang mali?
--
Ang pagiging tapat?
O
Ang pagiging malihim...
**
"Ano bang nangyayari sa iyo?" Tanong ni Ned kay Bujoy habang papasok na ito sa sariling sasakyan .
"Wala kang pakialam!" Malamig na sagot nito.
Hinablot niya ang kamay nito at pilit na iniharap sa kaniya.
"Hindi na kita maintindihan, e!"
"Kailan mo ba ako inintindi!" Asik ni Bujoy sa kaniya at binuksan ang sariling kotse. Akmang papasok na ito ng hablutin na naman siya ni Ned.
"Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh ..." Naiinis na sigaw ni Ned.
Huminto si Bujoy at lumuluhang hinarap niya si Ned. Malungkot siyang ngumiti bago tumingin sa mga mata ng binata.
"Yes kaibigan mo ko" bulong niya. "Kaibigan mo LANG ako ... And that's all I ever was to you Ned— you're best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka, taga-sunod, taga-bigay ng advice, taga-enroll, taga-gawa ng assignment, taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka, taga-tanggap ng kahit na ano"
dagdag ni Bujoy at 'don na nag-uunahang tumulo ang ilang butil ng kaniyang luha."And I'm so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend. Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita, e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan ..." umiiyak na amin ni Bujoy kay Ned.
"Bujoy ... Bujoy ..." parang hindi malaman ni Ned kung ano ang kaniyang sasabihin dahil sa pagkabigla.
"Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life!" Sigaw ni Bujoy sa kaniya at tuluyan ng itong sumakay sa sarili nitong kotse at pinaharurot pa alis.
Nanghihinang napa-upo si Ned sa parking lot na lumuluha. "Bujoy mahal kita! Mahal kita Bujoy! Mahal na mahal kita kaya siguro duwag ako. Kung magka relasyon tayo, paano kung masaktan kita. Baka yung Bujoy na kaibigan ko mawala pa. Bujoy hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..." sabi niya sa sarili.
To be continued...
YOU ARE READING
Had Fallen
Teen Fiction"Yes I'm your best friend! I am JUST your best friend! And that's all I ever was to you Kyle! You're fucking best friend! Hindi ako si Jolina Magdangal para sabihin pa sa'yo na ang tanga ko, that I'm so stupid to make the biggest mistake of falling...