[14] New Partner

37 41 28
                                    

CHAPTER 14: NEW PARTNER

JK's POV:

"Wala kaming problema ng ate mo Rick! How many times do I have to tell you?" Pang anim na sabi ko na to kay Rick.

Nasa field kami ngayon nag-uusap habang kumakain, nag text kasi siya sa akin kanina habang nasa clinic ako kasama si Clov — yeah, Clov is her name.

Rick told me na sunduin ko daw siya sa classroom niya ngayong lunch. Sabi pa niya nag paalam na daw siya sa ate niya pero ang totoo inamin niyang hindi naman pala talaga.

Speaking of clinic, hindi ko inexpect yung nangyari kanina.

—Flashback—

Kararating ko lang sa school and I'm on my way to my classroom ng bigla kong makita 'yung babaeng hindi ko alam ang pangalan na hawak-hawak ang sentido niya at parang nahihilo na kaya nilapitan ko.

"Miss, are you okay?"

"No, I'm not. Nahihilo ako Kyle" humawak siya sa akin at agad ko naman siyang inalalayan.

Pero nagtataka parin ako kung bakit niya ako kilala eh tapos ayaw pa niyang magpakilala.

Pero hindi ko nalang pinansin yun at inalalayan siya.

"Nahihilo ka?"

"Obvious naman eh"

"I'll bring you to the clinic"

"No it's okay, mawawala rin 'to"

"Ikaw ang bahala"

Bumitaw na siya sa akin ngunit natumba nalang siya bigla kaya dali-dali ko siyang sinalo. Natapon ang mga dala niya sa sahig at hindi ko inasahan ang bigat niya kaya pareho kaming natumba sa sahig, buti nalang sapo-sapo ko ang ulo niya.

"Fvck! Help!" sigaw ko ng makitang wala siyang malay.

"Hey.. Hey wake up. Tulong!" sabi ko habang mahinang tinapik-tapik ang mukha niya.

Agad namang nagsidatingan ang mga studyante.

"What happened JK?" Tanong ni James — kasama ko sa basketball team.

Ngunit hindi ko siya sinagot.

"Please keep her things and I'll bring her to the clinic"

"Yes, JK"

Dali-dali ko siyang pinangko at dinala sa clinic. Natataranta ako dahil baka na paano tong babaeng to eh ako pa naman ang huli niyang kasama.

"Excuse me" dumaan ako sa mga tao at nabangga ko pa ang iba.

Wala na akong oras kilalanin kung sino ang mga taong nakapalibot sa amin.

"What happened?" Tanong ni nurse Mae.

"She just suddenly collapsed"

"Ihiga mo siya dito"

"Yes nurse Mae" at inihiga ko ang babaeng hindi ko alam ang pangalan sa kama.

Umupo lang ako sa sofa at nag hintay. Ilang minuto muna ang lumipas nang mag salita si nurse Mae.

“Weird!” nurse Mae whispered.

“What’s her problem, nurse Mae?”

"Wala naman akong nakikitang problema sa kaniya"

Had FallenWhere stories live. Discover now