[18] Mariano

26 21 3
                                        

CHAPTER 18: MARIANO

Gail's POV:

"Good job team!" Anunsyo ng coach nila ni Kyle.

Nasa gym kami ngayon at katatapos lang ng practice nila, pagkatapos ng klase ay dito na kaming apat dumeretso. Ngayon daw kasi kami pupunta sa bahay ni Clov para bisitahin ang alaga niyang buwaya.

Nag tipon-tipon silang lahat sa gitnang bahagi ng basketball court.

"On the next day we won't have our practice kasi may iba akong appointment, just practice at home team. Understood?"

"Yes coach!"

Itinipon nila ang mga kanang kamay sa gitna nila at sumigaw ng "Go Wild Lead!"

"Okay, we're done" pagtatapos ni coach.

At sabay-sabay na silang pumasok sa wash room maliban kay Kyle at Roy na lumapit pa muna sila sa amin ni Clov.

"Ladies, just wait a minute. Mag aayos lang kami" si Kyle.

"'Wag kayong aalis 'jan ha?" Tugon ni Roy

"Okay, boys!" Sagot ni Clov

"Sige" simpleng sagot ko.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa Mariano na 'yan, e.

Nagpapanggap lang akong excited pero sa loob-loob ko natatakot ako sa buwaya. Pa'no ba naman kasi baka lamonin ako 'non. 'Diba malalaki ang bibig nila at ang tutulis ng mga ngipin nila kapag ibubuka nila ang kanilang bibig? Naiisip ko palang kinikilabutan na ako.

Bakit ba naisip ni Clov na mag alaga ng buwaya? Hindi ba siya natatakot? What if kagatin siya habang pinapakain niya 'yun? what if lamonin siya at hindi na iluwa pa? What if nagkagutay,-gutay na lahat ng organs niya kasi diba nga as what I've said matutulis ng mga ngipin ng buwaya? What if hindi safe ang buwaya na inalagaan niya - may safe ba na buwaya? Andaming what ifs sa isip ko. Kinakabahan talaga ako.

"Gail, ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik" tanong sa akin ni Clov.

'Sino ba naman ang magiging maayos kung maya-maya lang ipapalapa mo ako sa alaga mong buwaya?' gusto kong isatinig 'yan kay Clov kaya lang baka pagtawanan niya ako at sabihin na duwag ako at takot sa buwaya e, totoo pa naman.

"Okay lang, hindi lang masyadong maayos ang pakiramdam ko" pagdadahilan ko at tipid na ngumiti sa kan'ya.

"'Wag ka nalang kayang sumama sa bahay? Umuwi ka nalang para makapagpahinga ka may practice pa kayo sa musical theater bukas diba?"

Nag aliwalas kaagad ang mukha ko "Talaga?--"

"Let's go girls?"

Agad na naputol ang sasabihin ko dahil sa tinig na iyon ni Kyle. Mukhang wala na talaga sigurong atrasan 'to, siguradong pagtatawanan ako ng bayot na 'to 'pag nalaman niyang natatakot ako sa buwaya.

"Guys, 'wag nalang natin isama si Gail kasi hindi daw masyadong maayos ang pakiramdam niya" suhestiyon ni Clov.

"Are you okay Reyanna?" Nag-aalalang tanong ni Roy at tumabi sa akin ng upo.

"Hindi ka na sasama?" Tanong ni Kyle.

"Ahm, no. I mean, yes, I'm a little bit okay dahil hindi naman ganon kasama ang pakiramdam. Sasama parin ako sa inyu"

"That's great! Ano pa hinihintay niyo? Let's go!" Atat na sabi ni Kyle.

Walangyang bayot to! Siya talaga ang ipapalapa ko kay Mariano - ang alagang buwaya ni Clov.

Agad na kaming tumayo lahat at nagpunta sa kani-kaniyang kotse. Si Clov ay may sarili pa ring personal driver kasi na trauma na daw siya noong na aksidente siya habang mag-isang nagmamaneho.

Had FallenWhere stories live. Discover now