CHAPTER 13: MISSING SOMEONE
Gail's POV:
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Hindi ko ugaling mag alarm clock kaya malamang tawag to, malalaman mo rin sa ring tone eh.
Bumalik ako sa pagtulog dahil sa sakit ng ulo ko. Dinala ako ni Roy sa isang bar kahapon, tatlong shots lang ng light wine ang ininom ko at sigurado akong hindi ako nalasing. Nahilo lang dahil siguro hindi ako sanay.
Nag ring na naman ulit ang cellphone ko kaya sinagot ko nalang.
"Hello?" Sagot ko habang nakapikit pa rin at hindi na tinignan kung sino ang tumawag.
"Good morning!" Boses ni Roy.
"Hmm, good morning"
"Wake up, I'm downstairs" napamulagat ako sa sinabi niya. Dali-dali akong bumangon ngunit hindi umalis sa kama.
"What? Anong ginagawa mo dito?"
"Whoa! Easy baby, sinusundo kita"
"Stop calling me baby, do I have to remind you every time?"
"Okay Gail, now fix yourself at bumaba ka na"
"Give me thirty minutes" sabi ko at pinatay agad ang tawag.
Tinignan ko muna ang wall clock. Seven, ten AM (7:10 am). Eight thirty pa naman ang klase ko.
Umalis na ako sa kama at dumeretso sa banyo. Pagkatapos ay nagbihis na, naglagay lang ako ng konting foundation at lip tint dahil hindi naman ako mahilig sa make up.
Pagbaba ko ay dumeretso ako sa dining area. Nakita ko si Roy na kausap si mommy, si ate Faye at Rick naman ay tahimik lang na kumakain.
"Good morning mom" bati ko tsaka humalik sa kaniya.
"Good morning young princess, kumain kana kanina pa si Roy dito"
"Edi pa alisin na" bulong ni Rick sa tabi ko at siniko ko naman siya. Mukhang ako lang ang nakarinig.
"Maaga na namang pumunta ng kompanya si daddy mom?"
"Yeah, as usual. Working hard"
Tiningnan ko si ate, nakatungo pa rin siya at tahimik na kumakain.
"Good morning ate" nakatungog bati ko habang naglalagay ng hotdog at egg sa plate ko.
"Morning" tipid na bati niya rin. "Mauna na ako sa inyung lahat, bye mom" paalam niya kay mommy 'saka umalis.
Ano kayang problema 'nun?
"Nakatulog ka ba ng maayos Gail?" Tanong ni Roy.
"Hindi masyado eh"
"Bakit?"
"Napagod ako sa group study natin kahapon" yes I lied to mommy and daddy sa palusot ko kagabi ng makauwi ako quarter to twelve in the midnight.
Ayaw kasi talaga nila na late na makauwi, our time limit is only nine PM dapat deposit na kaming tatlo ni ate at Rick sa bahay kahit si ate ay nasa legal age na.
After 10 minutes natapos na akong kumain.
"Rick sasabay ka sakin?"
"No thanks" walang ganang sagit niya 'saka tumayo at humalik kay mommy. "I'll go ahead mom" wala pa ring ganang aniya.
"Wait baby--" hindi na tinuloy ni mommy ang sasabihin dahil kinuha na ni Rick ang bag niya at lumabas.
"Anong problema ng mga tao dito? Masama ang gising?"
YOU ARE READING
Had Fallen
Teen Fiction"Yes I'm your best friend! I am JUST your best friend! And that's all I ever was to you Kyle! You're fucking best friend! Hindi ako si Jolina Magdangal para sabihin pa sa'yo na ang tanga ko, that I'm so stupid to make the biggest mistake of falling...