CHAPTER 19: DESPIDIDA PARTY (PART 2)
Gail's POV:
Natatawa talaga ako sa reaction ni Kyle. Para siyang bakla, kaya nga tinatawag ko siyang bayot kasi ito ang tawag sa bakla in Cebuano. Siya pa mismo ang naturo sakin 'non.
Andito ako ngayon sa mesa nina Den at Borj at na o-op na ako sa kanila. Kanina ko pa hinihintay si Kyle na bumalik pero antagal niya, kanina pa siya 'don sa kusina. Ganon ba talaga kasama ang ginawa ko? Ano na kayang nangyari 'don, baka na tigok na sa sobrang ka OA-han. Hindi lang naman 'yun ang unang beses na ginawa ko 'yun ah, ang alam ko hindi naman siya allergic sa shrimp masarap kaya 'yun, talagang OA lang siya.
"Brad! Saan ka nanggaling, ba't antagal mo?" Nag angat ako ng tingin nang tanongin ni Den si Kyle. Andito na siya may mapag titripan na naman ako!
"Inasikaso ko lang ang mga bisita" sabi niya saka umupo sa tabi ko.
"Ano yang dala mo besyot?" Tanong ko nang mapansin ang dala niyang tray na may takip.
"A food, mamaya ko pa sana kakainin kaya tinakpan ko. Baka langawin eh"
"What? Kailan pa nagkalangaw dito sa inyu?"
"Nung namatayan kami ng aso"
"Besyot wala kayong aso"
"Basta wag ka ngang matanong"
"Ewan ko sayo!" Singhal ko saka tumahimik na, ang weirdo ng bayot nato.
Kahit kailan hindi naman nagkalangaw dito sa kanila. Masyadong strikto sa kalinisan 'tong village nila no! At wala naman silang alagang aso dahil natatakot si Jaz sa aso.
Maya-maya ay kumuha siya ng pagkain sa plate ko saka ako sinubuan. "Here, say ahh"
"Ayoko! Baka gumaganti ka sakin linagyan mo yan ng lason no?"
"Ano? Hindi ako katulad mo, kita mo ngang galing sa plato mo eh"
Ay oo nga pala
"Oo nga pala no? Okay, ahh" sabi ko saka buka sa bibig ko at nginuya ang pagkain.
Kumuha rin ako sa plate ko at sinubuan siya. "Here ikaw naman"
"Ahh" at kinain niya rin. Kahit pinagtripan ko na kanina hindi parin talaga ako pinagdududahan. Yan ang best friend ko!
"Ayieeee, ang sweet namaaan!" Panunukso ni Den. Nahiya na tuloy ako.
"Ito namang pagkaing dinala ko tikman mo bestot"
"Eehh, nahihiya na ako eh"
"Wag kang mahiya, pikit mo nalang mga mata mo"
"Oo-kay!"
"Sige, pikit na" sabi niya at sinunod ko naman. Bwesit kasi tong si Dennis na mukhang alimasag na nasa harap namin.
"Say ah" sabi niya at binuka ko naman ang bibig ko.
"Ahh" ninguya ko ang pagkain at ... Oh my God!
Tumakbo ako sa banyo at doon sinuka lahat, I really hate egg! Kahit anong special at expensive ng pagkakaluto ng itlog ay hindi ko talaga gusto, hindi ako OA tulad niya pero actually feeling ko allergic ako nito kasi last time I tasted it nagkaroon ako ng rushes at wala akong sinabihan kahit sino man, bumili lang ako ng ointment at nawala rin kahit papaano.
And I really hate Kyle for letting me taste it again after many months, walang hiya talaga 'yung bayot na 'yun, may plinano na pala! Urgh!
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA" narinig kong malakas na tawa ng punyeta. I hate cursing but he made me to, nagmumog ako at hinarap siya na parang walang nangyari.
YOU ARE READING
Had Fallen
Teen Fiction"Yes I'm your best friend! I am JUST your best friend! And that's all I ever was to you Kyle! You're fucking best friend! Hindi ako si Jolina Magdangal para sabihin pa sa'yo na ang tanga ko, that I'm so stupid to make the biggest mistake of falling...
