[10] Allergy Attack

60 57 46
                                    

CHAPTER 10: ALLERGY ATTACK

JK's POV

MASAYA kaming nag-uusap at nag tatawanan ng biglang may kumatok sa pinto, tumayo ako para buksan ito pero nagulat ako na hindi inaasahang si Roy ang nasa harapan ko na may bitbit pang mga bulaklak at prutas.

What is he doing here?

"At sino namang nag sabi na pwede ka rito?" Pasinghal na tanong ko sa kaniya.

"Wala rin namang nagsabi na hindi ako pwede rito" sarkastikong sagot niya.

"Really, fruits and flowers? Well let me tell you this, hindi na namin kailangan ng fruits kasi nakabili na ako, and besides di na kailangan ni Gail ng mga bulaklak dahil allergic siya sa roses. Kaya kong ako sa yo, umuwi ka nalang" Sabi ko sa kanya at akmang isasara ang pinto ng biglang nagsalita si Gail.

"Besyot, sino yan?" Tanong niya.

"Ahh wala bestot. Cleaner lang dito sa hall" Sagot ko naman sa kanya.

"Anong cleaner ang pinagsasasabi mo?!" Galit niyang sabi sabay pasok.

"Hi baby. Kamusta kana?"

Anong baby?

Sumunod na akong pumasok sa loob at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Gail. Tumingin muna siya sa 'kin 'saka bumaling kay Roy

"Oh Roy, ba't ka nandito?"

"Nag-aalala lang ako sa iyo".

"Hindi na kailangan Roy, allergy attack lang naman ang nangyari. And besides, nandito naman si Kyle kaya wala ka nang dapat na aalahanin pa pero salamat" Sabi ni Gail sa kaniya.

"Narinig mo naman ang sinabi nya diba? Andito naman ako at wala ka nang dapat aalahanin pa kaya maari ka nang umuwi" Sabat ko.

"Gail, baby pwede naman akong mag stay dito diba?" Tanong ni Roy kay Gail.

Sumulyap muna si Gail sa 'kin bago sumagot ngunit nag iwas lang ako ng tingin."ahm, oo naman anytime you want" Sagot naman ni Gail.

"You heard her right? I can stay here anytime so don't act like ikaw ang masusunod dito"

"Ahm, sige bestot I'll just go out. I'll give you two a time. May gusto ka bang ipapabili? Do you need anything?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na besyot salamat. Balik ka agad ha? Dyan ka lang sa malapit. Wag kang lalayo, wag kang magpapapawis, wag kang magpapabilad sa araw ha?" Tugon nya sa akin.

"Ito namang best friend ko magpapahangin lang ako. Enjoy with him" sabi ko 'saka bumaling kay Roy.

"Please take care of her" 'yon lang at lumabas na ako. Pabagsak kong sinara ang pinto 'saka nagtungo sa garden

Gail's POV:

NANGIBABAW ang katahimikan sa pagitan namin ni Roy ng lumabas si Kyle. At ako narin ang bumasag ng katahimikang iyon.

"So, ahm para sa akin ba 'yang mga bulaklak?"

"Yeah but I heard you're allergic of roses"

"Ba't mo nalaman?"

"Sinabi ni JK"

"Yeah sorry"

"He really cares for you" seryosong aniya.

"Oo, since the day I was fragile he never left"

"Kaya ganun nalang pala ang pagka disgusto niya sa akin"

"Hindi naman sa 'ganon. Over protective lang siya dahil ayaw niyang maulit ang nakaraan"

"Whatever your past is I don't have the plan to repeat it"

Had FallenWhere stories live. Discover now