[6] Suitor

65 61 81
                                    

CHAPTER 6: SUITOR

JK's POV:

Ngayon pa lang may nagbibigay ulit ng letter ni Gail kasi noon kung may manligaw man sa kanya binabalaan ko na bago pa ito makapag simulang mangligaw.

Hindi sa nagseselos ako pero hindi ko lang talaga matatansya kapag nasaktan siya ulit ako kasi ang nagsisilbing protector niya simula noong nasaktan siya ng labis dahil sa gagong lalaki. Sa ngayon wala rin naman akong nalalalaman o nakikilalang crush niya kaya kampate na akong hindi na siya masasaktan muli.

Noon pa man hinahangaan na ako ng mga kababaihan dito sa school. At alam kong naiinis si Gail sa tuwing naririnig niyang sinisigaw ang pangalan ko sa twing naglalakad kami sa hallway kasi naman minsan nagpapanggap din kaming mag jowa, ganyan kami ka loko.

Nasa locker parin kami ngayon ng biglang lumapit sakin si Roy---ang pinaka bully, maangas, hambog, mayabang, at higit sa lahat sakit sa ulo ng mga lecturer.

"Did you just throw my love letter for Reyanna?" kunot noong tanong niya sakin. Anong love letter? Ahh yung papel, chip!

"You mean.. the paper?" kalmadong sagot ko.

"It is not just an ordinary paper"

"Well for me, it looks like a simple SHIT...of paper" nakangising tugon ko.

"Wait, ikaw si Mr. Chinito Roy? Ikaw yung palaging naghuhulog ng letter dito sa locker ko?" sabat ni Gail

"Yes baby. No other than me!" nakangiting tugon niya kay Gail sabay kindat.

Wtf????

Magsasalita pa sana si Gail pero inunahan ko na siya. "Well I'm sorry, MR. CHINITO but this is the last time that you'll give her a letter" nakangising tugon ko kay Roy.

"You cant dictate me! And besides, hindi naman ikaw ang binibigyan ko. Ano bang pakealam mo?" humakbang siya palapit sakin.

Humakbang rin ako palapit sa kanya, mas matangkad ako ng kaunti sakanya kaya nakayuko ako. "I'm no other than her bestfriend. So, I'm warning you!" tsaka ko hinawakan ang kamay ni Gail at naglakad na kami papunta sa canteen.

"I WONT STOP KYLE!!!! YOU ASSHOLE!!!"

Dinig kong sigaw ni Roy pero hindi ko na siya pinansin. Nakarating na kami sa may pintuan ng canteen nang biglang bawiin ni Gail ang kamay niya.

"Ano yun, Kyle?" Kalmadong aniya.

"What?"

"Yun! 'yung ginawa mo! Yung pakikipag away mo kay Roy?"

"Bakit, nangingibago ka ba? Diba hindi lang yun ang unang beses na ginawa ko yun?"
Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yes but, what I mean is yung pagpipigil mo sa kanyang maghulog ng letters, wala naman sigurong masama don"

"Anong walang masama? Magpapaligaw ka sa bully at mayabang na yun?"

"Hindi pa naman siya nangliligaw ah!"

"PA? So magpapaligaw ka nga?"

Natigilan siya. "No, that's not what I mean"

What's wrong with her? Ngayon pa lang siya nagkakaganito. Dont tell me hindi na siya nasanay sa akin na pangunahan siya sa ibang desisyon niya? As long as alam kong yun ang makakabuti. She's acting weird now!

"Do you like him Gail?" Kalmadong tanong ko

"No"

"Then why are you acting like that?"

Had FallenWhere stories live. Discover now